6

1606 Words
"Uwi na tayo, Miss Lucinda." Nag-uwian na iyong mga tauhan ni Governor Colton Andreras, pero wala kaming nakitang gobernador na pumasok. Humingi pa ako nang palugit kay Top para lang hindi nito paandarin ang sasakyan. Pumayag naman ito, kaso tapos na iyong palugit. Gumagabi na rin. "H-uwag muna---" "Miss, maghapon na tayo rito. Kailangan mo na ring magpahinga." "S-orry, ang nakikita ko lang kasing way para manalo si papa sa kaso n'yang ito ay iyong makumbinsi si Governor Colton Andreras na huwag na siyang makisali pa." "Gagawa naman tayo nang paraan. Hahanap tayo ng evidence na makapagpapatunay na inosente ang ama mo. Halata rin namang ayaw kang harapin ng gobernador na iyon." Kaso may nakita akong sasakyan na huminto sa harap ng gusali. Agad kong binuksan ang pinto, at mabilis na tumakbo. Si Governor Colton Andreras iyon! Tiyak na tiyak ako. Kahit na casual lang ang suot nito. Kumpara no'ng una ko siyang nakita sa TV at doon sa parking lot na naka-formal attire ito. "Miss Lucinda!" tawag ni Top sa akin. Mabilis na nakapasok si gov. Ako naman ay binilisan din ang takbo. Ngunit pinigilan ako ng guard. "Ma'am, saan po kayo pupunta?" "Kakausapin ko si gov. Padaanin n'yo ako." Saka ko hinawi ang guard. Pero bago pa ako nito mahawakan para pigilan ay nakalapit na si Top. Hinawi ang gwardya kaya nakalusot ako. Mabilis akong tumakbo patungo sa hagdan. Doon ko nakitang pumanhik si gov at iyong dalawang bodyguard n'ya. "Governor!" hingal na tawag ko sa lalaking pakay. Nangangatog ang tuhod ko. Parang first time ko lang tumakbo na tulad nito. Iyong sobrang bilis para lang mahabol ang taong ito. Papasok pa lang sana ito sa office n'ya nang tawagin ko siya. Bahagya lang itong lumingon. Saka tuloy-tuloy na siyang pumasok. Humakbang naman ako para sumunod din. Pero humarang ang dalawang bantay. Sinubukan kong ipilit. Ngunit wala akong nagawa sa malalaking taong humarang sa daan. Natumba pa nga ako't napasalampak sa sahig dahil dito. "Saglit lang! Kaunting oras lang naman ang kailangan ko para sabihin kay governor ang kailangan ko. Saglit lang naman kasi, eh." Naiiyak na ako sa sobrang frustration ko pero hindi pa rin nila ako pinagbigyan. Bukas ang pinto pero nakaharang sila. Pero kahit hindi ako pumasok... tiyak na maririnig n'ya ako. Kaya kinuha ko na ring opportunity iyon para maiparating dito ang kailangan ko. "Gov, inosente ang papa ko. Wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng kaibigan mong si Dominador Abwerbos. May nakapagsabi sa akin na tutulungan mo raw ang pamilya ni Abwerbos sa kaso ng papa ko? Anong klaseng tulong? Tulong ba para malaman kung sino talaga ang nakapatay sa kanya? O, tulong para mas lalong madiin ang aking ama?" napaangat ako nang tingin nang mahawi ang dalawang lalaki at tumambad si Colton Andreras na cold na nakatitig sa akin. "Leave, woman. Don't waste your time here." "Kailangan nga kitang makausap, eh!" agad kong pinunasan ang mukha ko. "Hindi deserve ng papa ko ang makulong sa kasalanang hindi n'ya naman ginawa." "Sinong may sabi na wala siyang kasalanan? Dalawa ang hawak na witness na nagsasabing siya nga ang may gawa. Nakuha rin ang finger print n'ya sa kutsilyo---" "Bobo ka ba?" tanong ko rito. s**t! s**t! Hindi kasali iyong tanong na iyon sa mga salitang nilaro ko sa aking isipan na sasabihin ko rito. Hindi lang ang gobernador ang napasinghap nang marinig ang tanong ko na iyon. Pati na rin iyong dalawang bodyguard nito. "Woman---" "Sorry, nabigla lang ako. Pero hindi n'yo naman pwedeng hatulad ang papa ko dahil lang sa gano'n---" "Hindi namin siya hinahatulan. Dadaan ang kaso sa tamang proseso. Wala kang mapapala sa akin, miss. Umalis ka na dahil nakakaabala ka." "Huwag mong tulungan ang mga Abwerbos---" "Sino ka para utusan ako ng ganyan? Tutulungan ko ang mga naulila ni Dominador Abwerbos. Makakamit nila ang hustisya na nararapat. Hindi mo ako makukumbinsi. I'll make sure na mabubulok ang ama mo sa kulungan." Napaluhod na ako dahil sa huling sinabi nito. "H-uwag! Inosente ang papa ko, gov. Hindi siya mamamatay tao. Mabuting tao ang papa ko at alam ko iyon. Kilalang-kilala ko si papa. Hindi n'ya kayang manakit. Hindi n'ya kayang pumatay. Parang awa mo na. Tinalikuran na kami ng lahat. Inosente ang ama ko, pero kung pagtutulungan kami ng lahat... kahit pa inosente siya ay tiyak na maipapakulong siya nang tuluyan. Please." Pagmamakaawa ko. "Walang nagbago, miss. Narinig ko na iyong mga nais mong sabihin kaya makakaalis ka na. Demonyo ang ama mo. Pinatay n'ya ang kaibigan ko. Dahil sa ginawa n'ya ay naulila ngayon ang asawa at dalawang anak ni Dominador. Buhay ang kinuha n'ya... marapat lang na mabulong siya sa kulungan." Mas lalo akong napaiyak. "Miss Lucinda!" gulat na ani ni Top nang makita n'ya ako na nakaluhod sa harap ng gobernador. Agad itong lumapit at pinilit akong itayo nito. "Tama na, Miss Lucinda. Ginawa mo na ang best mo." "No, Top. Kailangan ko silang kumbinsihin na itigil na ang pagkakaisa laban sa inosenteng matanda. Inosente kasi ang ama ko, eh." "Tama na, Miss Lucinda. Halika na." Hinila na ako nito paalis. Hila-hila n'ya ako kahit nagpupumiglas ako. Kailangan ko pang kumbinsihin si gov. Kailangan pa. Pero nakuha na akong dalhin ni Top sa sasakyan at pinilit na sumakay roon. Sinuotan din ako nito ng seatbelt. Saka n'ya isinara ang pinto. "Kakausapin natin ang abogado sa kung ano ang dapat gawin sa kaso ng iyong ama. Malabo ka talagang tulungan ng taong iyon. Kahit pa umiyak ka o lumuhod sa harap n'ya ay hindi ka pa rin n'ya tutulungan." "U-wi na tayo." Pagod ang tinig na ani ko. Sa totoo lang lahat nang pagod ko ngayong maghapon ay nararamdaman ko na ngayon. Hinihila na nga ako nang antok ko. Pagod na, tapos umiyak pa. Kailangan ko na rin munang ipahinga pati na rin ang isipan ko. Nakatulog ako, nagising na nga lang no'ng inilalapag na ako ni Top sa aking kama. "Magpahinga ka muna. Magpapahanda ako kina manang ng hapunan mo." Wala pa rin naman akong lakas na kumilos, antok na antok pa ako kaya muli rin akong pumikit. Bago ko narinig ang pagsara ng pinto ay pumailanglang pa ang musika sa silid ko. Alam na alam na talaga ni Top ang kailangan ko para magkaroon ako nang mahimbing na tulog. Saka ko narinig ang pagsara ng pinto. Hindi ko na rin nagawang maghapunan dahil kinabukasan na ako nagising. -- "Top, bisitahin natin si papa." Katatapos lang mag-work out ng lalaki. Bakas pa ang tagaktak nitong pawis at tama lang na umiinom pa siya ng tubig n'ya. Maaga akong nagising, pagmulat pa lang ng mata ko ay si papa na agad ang naisip ko. Wala na ang musika na naririnig ko pa kagabi, kaya naman pagbangon ko ay nilapitan ko nagpasya akong magpatugtog muna bago pumasok ng banyo. Desidito akong magtungo sa aking ama kaya nag-ayos ako. Ayaw kong makita n'ya akong stress na stress sa sitwasyon n'ya. Kaya nagpaganda ako. "Maghahanda lang po ako, Miss Lucinda." Bahagya pa itong yumukod bago umalis sa harap ko. Sumunod ang tingin ko sa lalaki. Huling-huli ko rin iyong dalawang kasambahay na nakasilip at kilig na kilig habang nakamasid Kay Top. Gwapo si Top, maganda ang hubog ng katawan. Kaya hindi kataka-taka na itong mga kasambahay na dalaga pa'y hangang-hanga sa kanya. "Balik sa trabaho." Utos ko sa kanila. Agad namang umalis ang mga ito sa pinagtataguan. Ako na maghihintay pa kay Top ay nagtungo muna sa couch at naupo. Agad na dinampot ang remote at binuksan ang TV. Nilakasan ko rin iyon para medyo maingay naman ang paligid ko. Saka ako nag-scroll muna sa phone ko. Tinignan ko rin iyong mga messages. Bahagya pa akong nailing nang makitang tinanggal na ako sa group chat namin ng mga kaibigan ko... nang mga fake friends ko. Well, nababasa ko pa naman iyong mga messages doon kaya nakita ko pa kung paano nila ako pinag-usapan habang hindi ako active sa sa socials ko. Mas pinili ko na lang ding burahin para Wala na akong iisipin pa. Aksidente ko pang nabuksan iyong message ng Ninang Nadja ko. Kaso nakita kong hindi na ito available. Well, it's either nag-deactivate siya, o in-block n'ya ako. For sure, in-block n'ya ako. Na-curious tuloy ako. Napatingin ako sa iba pang kaibigan ng family ko na nagme-message sa akin dati. Napatawa pa ako. Lahat sila ay gano'n na rin. Iyong iba ay hindi pa rin in-seen iyong mga messages ko na humihingi nang tulong. Hays, kitang-kita ko kung sino iyong nawala no'ng gipit na gipit kami ng aking ama. Well, hindi ko pa rin sila masisisi. Ayaw lang nilang madamay sa gulo namin. "Let's go?" hindi ko man lang namalayan ang oras. Narito na pala si Top. Agad kong inilagay sa bag ko ang phone ko, akmang tatayo pa lang ako ng may bigla itong iabot sa akin. "A-no iyan?" "Ear pods. Ito na lang ang gamitin mo." Last time ito rin ang nagbigay no'ng ginagamit kong earphones. "Thanks, Top." Bahagya lang itong ngumiti. Nang tanggapin ko iyon ay kinuha naman n'ya ang bag ko at siya na ang nagbitbit no'n. "Tinawagan ko nga pala si Attorney Gaille. Sasamahan daw n'ya tayo sa prisinto. On the way na siya." Wala akong naging tugon. Pinagbuksan ako nito ng pinto. Nang makasakay ako ay ito pa ang nagsuot ng seatbelt ko kahit na kaya ko naman. "Kung ayaw mong mag-alala ang papa mo sa 'yo... huwag mo na lang sabihin na sinubukan kong kausapin si Governor Colton Andreras." "Okay, salamat sa paalala." Saka nito isinara ang pinto. Huminga ako nang malalim. Sinubukan kong ngumiti. Kailangan masayang mukha ko ang makita ng papa ko para maging masaya rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD