7

2033 Words
"Papa!" isang mahigpit na yakap ang ibigay ko rito. Tumugon din naman ito nang yakap. "Ang ganda-ganda naman ng anak ko." Magiliw na puri nito. Sabay giya sa akin para nakaupo na ako. "Kumusta ka rito, papa?" nangayayat siya. Parang ang laki-laki rin ng eye bags nito. Nakakatulog pa ba ito rito? "Ayos naman ako rito, 'nak. Maayos naman ang trato ng mga tao rito sa akin." Kung maayos... bakit parang kahit ilang araw pa lang siya rito ay nangayayat na agad siya. Si Top na siyang may bitbit ng pagkaing dinala namin para kay papa ay sinimulan nitong ihain sa aking ama. Nag-takeout lang kami ng food. Healthy food, alam kong miss na miss na nito iyong mga pagkaing nakasanayan nito sa labas. Pinayagan naman kaming ipasok ang mga iyon kaya ito ngayon at pwede naming pagsaluhan. "Kain ka, pa." Iniusog ko sa harap nito ang plato. "Ikaw rin, Inda. Kumain ka, 'nak. Parang pumayag ka." "Pa, payat naman talaga ako. Sexy ang tamang word." Napaingos na ani ko. Alam kong cute ako kapag ginagawa ko iyon, kaya nga aliw na aliw ang papa ko kapag nakitata n'yang ginagawa ko iyon. "Pero kumain ka pa rin. Ang dami n'yong dala, oh." "Papa, may mga kailangan ka pa ba rito na pwede naming idala?" "Anak, wala naman na. Saka hindi ako nakabakasyon dito para maging komportable---" "Nandito ka kasi pinagbibintangan ka sa kasalanan hindi mo ginawa. Hayaan mo, pa. Mapapatunayan din nating inosente ka. Makakalaya ka rin po agad, papa ko." "Salamat, Inda. Alam kong ginagawa mo ang best mo para tulungan ang papa. Pero mas gugustuhin ko pa ring piliin mong ibalik sa normal ang buhay mo, Inda ko. Hindi naman ako pababayaan dito ni Gaille. Nangako siya sa akin na gagawin n'ya ang lahat para makalaya ako rito, gagawin n'ya ang lahat para patunayan na inosente ako." "Papa, gagawin ko po ang lahat para makasama na kita sa labas. Kung inaalala mo na masyado akong focus sa kaso mo... dapat lang naman. Anak mo ako, papa. Tutulong ako para lang mapabilis ang paglabas mo." "Anak, inaalala ko lang ang safety mo. Natatakot ako na baka madamay ka pa. Mas mabuting huminto ka na at hayaang si Attorney Gaille ang gumawa ng mga dapat gawin." "Hindi tayo matatapos sa usapang ito, pa. Kasi wala naman akong balak na huminto. Huwag n'yo po akong alalahanin kasi alam ko naman po ang ginagawa ko." Hindi n'ya ako mapipilit na abandonahin siya. Kami na lang ang mayroon ang isa't isa. Iiwan ko pa ba naman siya? No way. Halata rin sa takbo nang usapan namin habang kumakain na ayaw nitong pag-usapan ang kaso. Panay ang tanong nito kung ano ang ginagawa ko sa labas simula no'ng umuwi ako ng Santa Dominga. Ayon... kinailangan kong magsinungaling. Ayaw ko namang isipin nito na ibinubuhos ko ang lahat ng oras ko sa kaso n'ya. Baka isipin pa n'yang pabigat siya na hindi naman. Masaya akong humarap sa aking ama, pero malungkot na no'ng umalis ako at iniwan siya. "Hija, huwag ka nang malungkot. Subukan mong libangin ang sarili mo para hindi mo masyadong iniisip ang ama mo. Ako na ang bahala sa papa mo." Punong-puno ng assurance iyong sinasabi ni Attorney Gaille. Kaya naman tumango na lang ako. "Mag-iingat sa pag-uwi. Top, ikaw na ang bahala kay Lucinda." "Yes, attorney." Sagot naman ni Top. Iginiya na ako nito paalis. "Uuwi na ba tayo?" tanong nito sa akin no'ng nasa sasakyan na kami. "Maaga pa. May pwede ba akong puntahan dito sa Santa Dominga na medyo maingay na place?" "Maghanap tayo?" ani nito. "Sige, Top." Sagot ko naman. Saka ko pinagkaabalahan kalikutin iyong ear pods na bigay nito. Ilang minuto nang tumatakbo ang sasakyan. Maaga pa talaga, 9 am pa lang. Napadaan kami sa isang plaza kung saan maraming tao. "Top, dito na lang." Hindi ko alam kung anong meron dito. Pero bumaba ako at iniwan si Top na maghahanap pa ng parking space. Humalo ako sa mga tao. Kahit nagsisigawan at nagtatawanan ang mga nandito ay para akong nakaramdam nang katahimikan. Naging kalmado ang dibdib ko. Humanap ako nang bakanteng upuan at naupo ako roon. Mukhang Christmas party itong nagaganap. May mga batang nagpe-perform sa gitna kung saan matagal na na-focus ang aking mga mata. Sa sobrang cute nila ay hindi ko rin napigilan ang maaliw habang nanonood ako. Nang matapos ang performance ng mga ito'y muling naghiyawan ang mga tao. Nagre-request ng isa pa. Ako, malawak lang ang ngiti na umaasang may isa pa ngang magpe-perform. Ang sarap sa pakiramdam nang ingay. Kung iyong iba ay hindi komportable sa maingay na paligid... ako naman ay itong ingay lang ang kailangan ko para magkaroon ako nang kapayapaan sa utak at dibdib. Gumawi sa stage ang tingin ko. Bahagya pa akong napasinghap nang makita kung sino iyong nakaupo roon kasama iyong mga opisyales ng barangay... base lang doon sa mga papel na nakadikit sa table. I saw Governor Colton Andreras. Kausap nito iyong kapitan ng barangay. Patango-tango ito. Nang mag-angat nang tingin ay nagtama ang tingin naming dalawa. Pero mukhang hindi naman ako nito na recognize. Hindi ba? Ako rin iyong nagbawi nang tingin dahil pakiramdam ko'y matutunaw na ako sa titig pa lang nito. Nang may mga batang mag-perform muli ay roon na muling bumaling ang tingin ko. Masaya kong pinanood ang mga ito. Habang abala sa panonood ay may biglang nag-abot sa akin nang pagkain. Wala sa sariling tinanggap ko iyon. Pero iyong mga katabi ko ay hinanapan ng stub. Bakit ako binigyan eh wala naman akong stub? Sunod na iniabot sa akin ay inumin. Tinanggap ko pa rin iyon. Tapos sa mga katabi ko ay may hinanap ulit sa kanila na stub. "Ineng, kain na tayo. Mamaya ay matatanda naman ang magpe-perform. Saang grupo ka ba?" magiliw na tanong ng ginang sa akin. "Ah..." "Dito ka rin 'no? Kulay puti kasi ang suot mo. Dress nga lang." Bumagsak ang tingin ko sa dress na suot ko, at sa suot na puting t-shirt ng ginang. Shit, napagkamalan pa akong kagrupo nila. "Kain na!" ani ng ginang. Ito pa ang nagbukas ng lalagyang may lamang pagkain. Kumain naman ako. Walang arte. Saka okay naman ang food, eh. "Ang galante ni governor 'no?" bumaling ang tingin ko rito. Nabitin sa ere ang pagsubo ko. "Sa kanya po galing ito?" "Oo. Sobrang generous ng taong iyan. Usap-usapan pa nga na kahit manggaling na sa bulsa n'ya ang mga tulong na ibinibigay n'ya. Isa iyan si Governor Andreras sa tingin namin ay malabong mangurakot. Sobrang yaman ng pamilya n'ya, hindi nila kailangan ang pondo ng bayan para magpayaman. Negosyante rin kasi sila. Si gov nga ay may malaking kompanya sa siyudad. Bilyonaryo nga ata iyan." "Kung mayaman sila... bakit pa po n'ya ginustong maging gobernador?" "Siyempre para tumulong. No'ng mayor pa lang siya ay talaga namang maganda ang pamamalakad niya. Ang daming naitulong sa amin ng mga programa n'ya. Ngayong gobernador na siya ay ipinagpapatuloy pa rin ang mga programang iyon." Tumango-tango ako at sinubukang ipagpatuloy ang pagkain. "Tignan mo siya. Pangiti-ngiti lang siya... pero siguradong peke ang ngiti na iyan. Alam mo kasi'y namatayan nang matalik na kaibigan iyang si gov. Kilala rin namin si Dominador Abwerbos. Mabuting tao. Kaya kung kami ay nalungkot sa pagkamatay n'ya, tiyak na mas lalo si gov. Para na nga silang magkapatid ni Domeng. Kaya marapat lang na mabulok sa kulungan iyong pumatay kay Domeng." Hindi ako nasaktan sa huling sinabi ng ginang. Alam ko kasing hindi naman mabubulok sa kulungan iyong walang sala, kung 'di iyong may sala. "Sa totoo lang kung pwede lang ipabitay iyong Aio Re Vinci na iyon ay kahit ako'y manonood talaga. Pinatay n'ya ang isa sa pinakamabuting tao na nakapaligid kay gov." Humigpit ang hawak ko sa plastic na kutsara. Parang iyong lasa ng ulam ay biglang tumabang. "Nahatulan na po ba iyong Aio Re Vinci?" "Hindi pa---" "Ibig pong sabihin ay hindi pa napatunayan. Inosente---" "Pabor ka ba sa mamamatay tao, ineng?" disappointed na tanong ng ginang. "Hindi naman po. Baka lang kasi iyong idinidiin nila sa kaso ay inosente naman talaga. Kawawa naman po kung inosenteng tao iyong mabulok sa kulungan dahil lang sa pang-aakusa." "Ineng, may evidence nang hawak iyong mga pulis. May nakuha ring finger print sa kutsilyo. May dalawang witness." Halatang nakasubaybay ito sa kaso at alam ang mga iyon. "Hindi inosente iyong nakakulong ngayon. Sana'y mabulok siya sa kulungan at doon na mamatay." Sobra akong nasaktan. Para wala ng iba pang masabi ay basta na lang akong tumayo at iniwan ang matanda sa pwesto n'ya. Pati iyong pagkain ko'y iniwan ko na lang din. Sa paglalakad ko'y nakarating na ako sa likod ng stage. Hindi pa nakontento. Tuloy-tuloy lang. "What are you doing here?" agad akong napalingon sa taong nagtanong no'n sa akin. I saw Governor Colton Andreras. Sinundan ba n'ya ako rito? Mabilis kong pinunasan ang luha ko, dahil kaninang naglalakad pa lang ay lumuluha na ako. "Sinundan mo ba ako?" napaawang ang labi ko sa tanong ng lalaki. Bakit ko naman siya susundan? "No." Tugon ko rito. "But you're here." "Dahil gusto ko nang maingay na paligid. Kaya no'ng nakita kong maraming tao rito sa plaza ay rito ako nagpunta. Hindi kita sinundan." Halata sa mukha ng lalaki na hindi siya kumbinsido. "Excuses." Ang assuming ng gobernador na ito. Tinitigan ko lang siya. Pagkatapos ng ilang saglit ay tinalikuran ko't ipinagpatuloy ang paglalakad. "Alam mo bang sa direction na iyan ay matatahak mo na ang daan patungo sa balwarte ng mga Abwerbos?" kusang napahinto ang mga paa ko sa paglalakad. "Kapag nalaman nilang anak ka ni Aio Re Vinci ay baka mapahamak ka pa. Galit na galit sila ngayon sa mga Re Vinci. Kahit babae ka'y baka mapahamak ka lang." Hinarap ko ulit ito. "Inosente ang papa ko." "Ilang beses mo na bang sinabi iyan, miss? Ilang beses na nga ba? Paniwalang-paniwala ka na kasi. Iyan ba ang sinabi ng iyong ama sa 'yo? Niloloko ka n'ya." "Alam mo ba kung sino talaga ang masama rito? Kayo. Hinusgahan n'yo na ang papa ko kahit na biktima lang din siya." "Bulag ka lang sa katotohanan na masama ang ama mo, miss. Mabubulok siya sa kulungan." "Ang sama mo!" muli akong napaiyak. "Gov!" dinig kong may tumawag dito. Napayuko na ako. "Huwag kang lilingon." Utos ni governor. Mula sa likuran ko ang tumawag. "Asawa ni Domeng ang nasa likod mo at patungo rito. Umalis ka na." Hindi ako nakagalaw. Para akong natakot kumilos. Kaya naman tinawag ng gobernador ang tauhan n'ya at inutusan ialis ako roon. Iginiya naman ako paalis. Nang nasa gilid na kami ng stage ay nakuha kong lumingon. Kausap na ng gobernador iyong babae. Asawa raw ni Dominador Abwerbos. Iyong babaeng nambato sa amin sa labas ng prisinto. Kilala ako nito... dahil kung hindi ay hindi naman n'ya ako ta-target-in ng gano'n. "Miss Lucinda!" tawag ni Top na agad lumapit sa akin. "Bakit ka umiiyak?" "Alis na tayo, Top." "Halika." Ito na ang gumiya sa akin paalis. Isa pang lingon sa pinanggalingan ko'y nakita kong nakatitig si Governor Colton Andreras sa akin. Wala na rin iyong asawa ni Dominador Abwerbos doon. Pagkasakay namin sa sasakyan ay agad akong inabutan ni Top ng panyo. "Ano ang nangyari, Miss Lucinda? Nakita kong naroon si gov. Sinubukan mo na naman ba siyang kausapin?" "Hindi. Akala n'ya ay sinundan ko siya." "Bakit ka umiyak?" "Nasasaktan kasi ako, Top. Alam mo ba na may isang matanda na ang hiling ay sana'y mabulok sa kulungan ang ama ko at doon na mamatay. Hindi deserve ni papa ito." "Miss Lucinda, huwag kang magpalamon sa emosyon mo. Kailangan mong tatagan ang dibdib mo dahil hindi pa iyan ang pinaka-worst na maririnig mo sa mga taong iyan. Hindi pa iyan ang worst, Miss Lucinda. Marami ka pang maririnig. Hanggat hindi natin napapatunayan na inosente si Sir Aio ay marami pa silang masasabi laban sa kanya... laban sa 'yo. Kung amo man ang marinig mo mula sa kanila... pasok sa isang tenga at labas sa kabila. Gano'n na lang ang gawin mo. Kasi kung lahat iyan ay pakikinggan mo... mauubos ka. Hindi pa man totally nagsimula ang laban ay pagod ka na agad lumaban." Seryosong ani ng bodyguard ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD