8

1647 Words
Nilalamon na nga ako ng stress. Kailangan kong libangin ang sarili ko para saglit na makalimot. Kung paano ko takasan ang problema noon, gano'n din ang naisip kong paraan ngayon. Hindi naman ako pinigilan ni Top. Pero siyempre kasama ko pa rin ito at matiyagang nagmamatiyag sa akin. Nakailang shots na ako ng matapang na alak na in-order ko. Kasalukuyan akong narito sa bar kung saan pagpasok ko pa lang ay nakaramdam na ako nang kapanatagan. Malakas na tugtugin... katahimikan iyon nang isip para sa akin. Sumabay ako sa indak nang tugtuging pumapailanglang sa bar na ito. Hawak-hawak ko pa ang kopita habang sumasayaw. Ang maiksing dress ko ay bahagyang umaangat sa bawat pag-sway ng bewang ko. Kaya panaka-naka kong ibinababa iyon para hindi masilipan. May mga kasama rin ako rito sa dance floor. Iyong iba ay sumasabay pa nga sa musika. Nang medyo crowded na ang dance floor ay bumalik ako sa table namin ni Top. Hindi man lang nito ginalaw ang alak na in-order ko para sa kanya. Kaya pagtapat ko sa table ay inilapag ko lang iyong kopitang hawak ko, sabay dampot no'ng kanya at walang pag-aalinlangan na tinungga iyon. "Damn," mahinang bulalas ni Top pagkatapos kong gawin iyon. Sanay na ito sa pagiging lasinggera ko. Pero may mga pagkakataon na nagugulat pa rin ito kung gaano ako kalakas uminom. "Tumayo ka naman d'yan, Top. Mag-enjoy ka." Nakangising ani ko pero umiling lang siya. "I'm fine here, Miss Lucinda." Tugon ng lalaki. Nang tumayo ako nang tuwid ay medyo gumewang ako. Mabilis naman nitong nahawakan ang braso ko na ikinatawa ko lang. "I'm not drunk." Sabay tabig sa kamay nito at muli ko siyang nilayasan. Nagpatuloy ako sa pagsayaw. May mga lalaki pa ngang nagtangkang sumabay sa pagsayaw ko. Ngunit lumalayo ako. Hindi ako nagpunta rito para sa ibang tao. Nagpunta ako rito para sa sarili ko. Nang makaramdam ako na parang naiihi ay lumayas mula ako at humagilap ng banyo. Madali ko lang namang nakita. Iyon nga lang bumungad ang mga milagrong ginagawa ng ilang magkapareha sa banyo. Gano'n sila kalasing para makalimot at kung saan na lang gawin iyon? Crazy. Pagkatapos kong gawin ang kailangan ko roon ay muli akong bumalik sa dance floor. Parang nakahinga nang maluwag si Top nang makita ako. Tinawanan ko lang ito. Muli akong uminom, hinayaang lunurin ang sarili sa alak. Nang may lumapit na babae kay Top ay sinenyasan ko lang ito na okay ako. Nahila pa ang loko sa isang gilid. Pero ang mata nito ay nasa akin pa rin. Kulang na lang na sigawan ko ito na ayos lang ako, eh. Parang buong buhay ko'y ito na ang nag-aalaga sa akin. Paano pa ito magkakaroon ng normal na buhay kung sa akin lang nito pinapaikot iyong buhay n'ya, 'di ba? Nang makita kong hinalikan ito ng babae at mawala na sa akin ang focus nito ay agad na akong lumipat ng pwesto. Nagpatuloy ako sa pag-inom. Nang maging crowded ang dance floor ay napausog ako nang napausog. Pero tuloy pa rin ako sa pagsayaw. Bumungo ako sa kung sino. Agad humawak sa bewang ko ang mga kamay nito na waring pinipigilan akong umatras pa. Dala ng alak na nasa sistema ko ay nagsimula akong gumiling-giling katulad ng mga babae na humahataw rin nang sayaw. Sinabayan ko ang tugtugin. Sinusubukan naman ako ng lalaki na pigilan sa paghataw. Ngunit gusto kong magsayaw at walang pwedeng pumigil sa akin. Gusto ko talaga kahit na saglit lang na makalimot. Alam kong naaapektuhan na ang lalaki sa ginagawa ko, lalo't sa bawat giling ko'y may nasasagi ang pang-upo ko. Alam ko iyon... kaya nga nang mapasinghap ito'y pinagbuti ko pa talaga ang pagsayaw. "Damn it." Malutong na mura ng lalaki. Parang musika iyon sa pandinig ko. Sa pwesto namin ay sobrang dilim na. Parang nanadya rin ang pagkakataon. Lalo't wala rin naman akong lakas ng loob na makita ang mukha ng lalaking hinaharot ko ngayon. Sa pagharap ko rito ay agad akong kumapit sa balikat nito. Saka muling gumiling-giling. Umaangat na ang dress ko, itong lalaking sinasayawan ko ay hinihila naman iyon pababa. "You're drunk." Parang disappointed pa ito. Ano namang pake n'ya? Ang gaan-gaan nga nang pakiramdam ko ngayon. "Who cares?" tanong ko rito. "Stop it, woman!" "Bakit? Naaapektuhan ka ba?" tudyo ko rito. Kung sino man siya... sorry na lang. Siya pa talaga ang napag-trip-an. Saglit akong huminto. Medyo parang nagreklamo kasi ang sikmura ko. Dahil nakaalalay ito sa bewang ko'y hindi agad ako nakalayo. Bago pa rin ma-realize ng lalaki kung ano ang mangyayari ay nasukahan ko na ito. "f**k!" anas ng lalaking mukhang nasira ko na ang gabi. "S-orry." Saka mabilis akong tumakbo sa banyo. Feeling ko kasi'y may kasunod pa. Sign ito na dapat huminto na ako ngayong gabi. Nang matapos sa pagduwal ay nagmumog pa ako't in-check ang sarili. Saka lumabas na akala mo'y walang nangyari. Pagbalik ko sa table ay wala si Top. Wala na rin doon sa pwesto n'ya kanina habang may kasamang babae. Imbes na doon ito hintayin ay nagpasya akong lumabas na muna. Mas fresh ang hangin sa labas, kaya roon na muna ako. Okay pa naman ang lakad ko. Sakto pa naman ang tingin ko sa daan. Sadyang nasuka lang ako kanina dahil sa kagaslawan ko. Saan na kaya iyong lalaki? Tsk. Baka umuwi na sa sobrang bwisit no'n sa akin. Saglit na napukaw ang tingin ko ng isang lalaking nakatalikod. Topless ito at nagbibihis ng isang t-shirt na puti. "What happened, dude?" tudyo ng isang lalaki na lumapit dito. "Natapunan ng alak." Sagot ng lalaki. Ah, hindi siya iyong nasukahan ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa sasakyan ay kusa akong napahinto. Yumuyugyog kasi iyon. Lumilindol ba? Iyon ang tanong ko. Pero nang makarinig ako nang halinghing ay tumalikod ako. Doon gumagawa nang milagro si Top at iyong babaeng lumapit dito kanina. Tiyak ako roon. Kaya hindi ko na itinuloy ang pagpunta, eh. Nakakahiya naman kung maistorbo ko pa. Naupo na lang muna ako sa bench. Tanaw ko pa rin naman ang sasakyan. Maghihintay na lang muna ako rito. Maingay pa rin naman. Napapalibutan ng mga bars and restaurants ang parteng ito ng Santa Dominga. Kaya naman ayos lang ako. Sa kahihintay ay napasandal na ako sa kinauupuan. Saglit na pumikit pero hindi ko namalayan na hinihila na pala ako ng antok. Ramdam ko iyong katawan ko na parang babagsak, ngunit may sumalo lalo na sa ulo ko. Tipong nais kong imulat ang mata ko pero hindi ko magawa. "Reckless woman." Dinig kong ani ng lalaki. Naging komportable ang pakiramdam ko. Hinayaan kong tuluyan akong lamunin nang kadiliman. Kung ano man ang mga sunod na kaganapan ay hindi ko na namalayan pa. Nagising na lang ako na nasa bahay na. Tirik na tirik ang araw. Masakit ang ulo at parang nasusuka. Kaya napakaripas nang takbo patungong banyo. Pagkatapos sumuka ay binalot nang katahimikan. Walang naitulong iyong tunog ng flush ng banyo. Pakiramdam ko'y sobrang tahimik pa rin. Iyong klase nang katahimikang pinakaayaw ko. Napasabunot ako sa buhok. Iyon na naman. Naririnig ko na naman. Binitiwan ko ang buhok ko at tinakpan ko naman ang tenga ko. Kahit tahimik ang paligid ko, sa utak ko naman ay parang may sumisigaw... si mama. Si mama na ilang taon ng wala pero hindi ko pa rin nakalimutan kung paano humiyaw habang nasa sala ng aming bahay. Kinakapos din ako nang hininga. Parang pinipiga ang dibdib ko. Tuloy-tuloy sa pagdaloy ang luha ko habang halos masaktan ko na ang tenga ko habang mariin kong diin-diin. "Miss Lucinda? Miss Lucinda!" malakas na sigaw ni Top. Alam ko namang narinig nito ang hirap na sigaw ko sa banyo. Pero bago pa ito mangtungo sa akin ay nagpatugtog muna ito. Inuna talaga ang cd-player bago ako. Sa totoo lang sa ginawa nito ay unti-unting humina ang hiyaw sa aking isipan. Mabilis na pumasok si Top at inalalayan ako para makabangon. "Miss Lucinda?" nag-aalalang ani ng lalaki. Mabilis akong yumakap dito at hinayaan ang sariling umiyak. "Bakit ayaw n'yang mawala? Pagod na pagod na ako, Top. Bakit hindi siya mabura sa isipan ko? Bakit ayaw n'ya akong patahimikin? Siya iyong nang-iwan. Siya iyong nagbigay ng trauma sa akin. Pero kahit matagal na siyang wala ay ito pa rin ako... dala iyong trauma dahil sa na witness ko no'ng bata pa lang ako." Mas humigpit ang pagyakap nito sa akin. "I'm here, Miss Lucinda. Kung gusto mo'y ituloy mo na iyong pagpapakunsulta sa doctor. Ewan ko ba naman kasi kung bakit pati sa doctor ay takot ka." Binuhat na ako nito at dinala sa kwarto ko. Para ko na rin talagang nakatatandang kapatid ito. Alam kung paano ako alagaan, alam kung ano ang dapat gawin kapag inaatake ako. "Papapuntahin ko sila manang para matulungan ka rito." Dali-dali itong umalis. Parang walang lakas na humilata lang ako. Limang minuto lang ang hinintay ay bumungad na ang dalawang kasambahay kasunod ang mayordoma. Tinulungan nila akong mag-shower, oo. Pati pag-shower ay hindi ko magawa at Sila pa talaga ang gumawa no'n para sa akin. Para akong naubusan ng lakas. Pati pagbihis at pagkain ko ay Sila ang umasikaso. "Gusto mo bang magpatawag ako ng doctor?" tanong ni manang. Pero iling lang ang sagot ko. "Ano ang dapat naming gawin para gumaan ang pakiramdam mo, hija?" "H-uwag n'yo po akong iwan." "Iyon ba? Sige, dito lang kami. Gusto mo bang dito kami magtsismisan?" kahit ano pang gawin nila basta hindi lang ako mag-isa. Okay lang sa akin iyon. Pagkatapos kong kumain at magsipilyo ay humiga ulit ako. Walang problema sa akin no'ng binuksan nila ang TV at pinatay ang Cd-player. Nilakasan din naman kasi nila ang sound no'ng TV. Saka kami nanood. Nag-enjoy naman ako. Lalo't na witness ko kung paano gigil na gigil ang mga kasambahay sa pinapanood nila. Pati no'ng tanghalian ay narito pa rin sila. Maingay pa rin iyong kwarto ko dahil sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD