Chapter Nine
"Governor Andreras, pwede na ba tayong mag-usap sa pinakamahinahon na paraan?" tanong ko sa lalaki. Tumambay na naman kami ni Top sa harap ng gusali kung saan siya nag-o-opisina. Wala sa mga tawag at text ko para makapagpa-appointment ang nakatanggap ng response mula sa opisina nito. Ito lang talaga ang way.
"I'm busy."
"Kailan ka pwede? Kailan ka hindi busy? Kapag ba nahatulan na ang papa ko sa kasong hindi naman siya talaga ang dapat na naroon?"
"Talk to your father, woman. Ask him. Alam n'ya sa sarili n'yang kriminal siya. Alam n'ya sa sarili n'yang mamamatay tao siya." Galit na ani nito saka nagmartya na palayo.
"Inosente nga kasi siya!" sigaw ko na rin dahil sa inis ko. Tinalikuran ba naman ako.
"Then prove it! Patunayan n'ya sa Korte na inosente siya." Balik nitong sigaw sa akin. Mabuti na lang talaga Wala ng ibang tao rito.
"Iyon naman talaga ang gagawin namin! Patutunayan naming inosente talaga siya. Pero please... huwag kang makialam."
"Miss, wala akong gagawin na labag sa batas. Tutulungan ko ang pamilya ni Dominador Abwerbos sa abot nang makakaya ko. Pero alam ko ang limitations ko... titigil na ako sa pagtulong kapag sigurado nang hindi na makakalabas ang ama mo." Pota! Gano'n din, eh.
Ang sarap batuhin ng sapatos itong mayabang na gobernador na ito. Kung makikisali siya... pwedeng maimpluwensiyahan n'ya ang mga taong may hawak ng kaso.
Pwedeng umayon sa mga Abwerbos ang panalo kahit na inosente ang aking ama.
Tuluyan na itong umalis pati na ang mga kasama nito.
Nakakapagod humabol sa taong alam ko namang ayaw talagang makinig nang maayos sa side ko o sa side ng papa ko.
Ilang ulit na gano'n. Hindi man lang nagbago ang desisyon nito. Tutulong pa rin.
"Miss Lucinda, ngayon naman ay rito pa mismo sa bahay ni governor. Hindi ka po ba napapagod sa ginagawa mo?"
"Nagkausap kami ni attorney kanina. Sinabi n'ya na kailangan daw makumbinsi si Governor Andreras. Top, kahit si Attorney Gaille na mahusay sa trabaho n'ya ay aminadong hindi namin kakayanin kung isang gobernador ng Santa Dominga ang makakalaban namin. Lalo na't isang Andreras pa. Kung makumbinsi ko siya na hayaan ang mga Abwerbos sa kaso ay tiyak na may chance pa si papa."
"Hindi mo ba naisip na kawawa rin ang mga Abwerbos?"
"Kawawa? Mas kawawa si papa na naroon sa kulungan, Top. Namatay si Dominador Abwerbos, si papa buhay pa pero kung ipanalangin ng mga tao ay wagas na wagas. Si papa na inosente ay naroon sa kulungan. Alam kong unti-unting nawawalan nang pag-asa."
"Pero huwag kang maging bulag. Kawawa rin iyong mga naulila."
"Hindi ako nagbubulag-bulagan, Top. Pwede nga rin namin silang tulungan. Basta hindi nila idiin ang papa ko sa krimeng hindi n'ya ginawa." Ilalaban ko talaga ang papa ko. Kahit magmukha pa akong pathetic sa harap ng mga tao. Desperate lang, alam kong kawawa talaga iyong pamilya. Kawawa iyong namatay. Pero kawawa rin si papa.
"Masyado nang personal ito, Miss Lucinda. Sa opisina n'ya na lang tayo mangulit sa kanya. Hindi na rito sa bahay n'ya."
"Kahit saan pa... pupuntahan ko. Kailangan ko siyang mapapayag."
"Ang kulit mo, Miss Lucinda." Pagod at suko ng ani ni Top. Nang makita kong bumukas ang gate ay dali-dali akong bumaba ng sasakyan. Parating na kasi ang sasakyan ni gov.
Pero nakita yata nila ako. Imbes na papasok sa gate ay dumeretso nang takbo. Bagsak ang balikat na bumalik ako sa sasakyan.
"Oh, alis na tayo?" tango na lang ang naging sagot ko.
Pero babalik ako. Pangako ko iyan.
Ilang araw pa ang pinalipas ko. Binibisita ko si papa para kahit paano ay gumaan ang kalooban naming dalawa. Ngunit sa bawat araw na lumilipas ay kitang-kita ko na ang pagbabago sa katawan ng aking ama.
Ang laki na ng pinayat nito. Pakiramdam ko pa nga ay ginugutom na ito. Dahil sa tuwing may dala akong pagkain ay halos magkumahog ito para lang makakain siya.
Sa bawat subo nito ng pagkain ay maluha-luha pa.
"Okay ka pa ba rito, papa? Pinapakain ka ba nila rito nang maayos?"
Napalinga si papa sa isang bantay.
"O-oo naman, 'nak. M-ababait sila rito." Sagot ng aking ama.
"Are you sure?" parang hindi.
"Oo, Inda ko. Ayos lang ang papa rito. Ano na nga pala ang plano mo? Babalik ka na ba sa metro? Boring dito sa Santa Dominga, anak."
Boring? Well, iyon naman kasi ang madalas kong idahilan kay papa. Ayaw na ayaw ko kasi talagang umuwi rito sa probinsya. Bukod sa nag-aaral ako noon, sadyang may mga bagay akong iniiwasan dito kaya hindi ako umuuwi. Madalas ito pa ang bumibiyahe para lang makita ako.
"Wala akong planong umalis, pa. Dito lang ako hanggang sa makalabas ka."
"Paano kung hindi na?" tanong nito sa akin.
"Pa, huwag kang nega!" tutol ko agad. Aba'y kaya nga nagpapakadesperada ako para lang makalaya ito. Mas gusto kong makita ang ama ko sa labas. Hindi sa ganitong klase ng lugar.
"Anak, mas magandang ihanda mo pa rin ang sarili mo. Naipaayos ko na kay attorney ang mga papers para sa mga maiiwan kong property---"
"Your last will?" ani ko. Tumango naman agad ito.
"Seriously? Papa, ano bang gusto mong iparating? Are you really sure na okay ka lang dito? Para kasing ang dating ay iiwan mo na ako?" tinaasan ko pa ito ng kilay.
"I'm fine here. Gusto ko lang ding tiyakin na ayos ka kahit pa anong mangyari. Ibebenta ko na rin ang company."
"What?"
"Ayaw mo rin namang pamahalaan, right? Kailangan ng company ng taong may oras para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin doon. Hindi ko na rin naman na maaasikaso." Parang ang dating ay tanggap na nitong hindi na siya makakalabas pa rito. Naiiyak na naman ako. Pero hindi ko ipinahalata.
Ang bigat din sa dibdib na magpaalam sa kanya.
"Kanina ka pa umiiyak. Tahan na, Miss Lucinda." Pauwi na kami. Pero sa sobrang bigat ng dibdib ko ay tanging pag-iyak na lang ang kaya kong gawin.
Masyado akong mahina. Palaging nangingibabaw ang emosyon ko. Pero may mas worst pa palang pakiramdam.
Hindi pa man kami nakauwi ay tumawag si Attorney Gaille.
"Nakatanggap ako nang tawag sa prisinto. Nawalan daw ng malay ang ama mo at bumagsak."
"What? Dinala na ba nila sa hospital? Saang hospital kami pupunta, attorney?" tarantang tanong ko rito. Bumuntonghininga ito.
"Ipinaalam lang nila sa akin ang nangyari. Pero nasa kulungan pa rin siya. Mayroon na raw nag-check ng lagay n'ya."
"What? Bakit hindi nila dinala sa hospital? Baka kailangan ni papa na sumailalim sa mga test. Attorney, wala bang way para maibigay kay papa iyong kailangan n'yang pagsusuri? He's not okay."
"Calm down, hija. Susubukan ko. Iu-update na lang kita sa lagay n'ya. Magpahinga ka na muna." No, hindi ko kayang magpahinga.
"Top, dalhin mo ako kay Governor Colton Andreras."
"Ayan ka na naman. Hindi ka nga n'ya matutulungan, Miss Lucinda."
"Top, dalhin mo ako kay governor. Kahit magmakaawa pa ako ay gagawin ko. Kailangan ako ng papa ko, Top. Hindi pwedeng wala akong gawin." Giit ko.
"Last na ito, Miss Lucinda. Kahit bodyguard mo lang ako ay pipigilan na kita sa susunod." Saka n'ya iniliko ang sasakyan at binagtas ang daan patungo sa tahanan ng gobernador.
Kailangan ni papa na makalabas na kulungan at maipasuri para makatiyak na ayos lang ito.
Pero bukod sa pagluhod at pagmamakaawa sa harap ng gobernador. Ano pa nga ba ang kaya kong gawin para lang makinig ang governor sa akin?