"Just try it, couz! There's tons of fish in the water. Wala naman mawawala kung susubukan mo." Kunot ang noong nilingon ko si Bryan. Lumapit na naman sa akin habang tahimik akong naglalaro ng PS5 para pilitin akong gumamit nung dating app na sinasabi. Sinabi ko nang hindi ako interesado at hindi ako naghahanap ng ka-hook up. It was just a waste of time. But he's such a pain in the ass. Nagulat na lang kasi ako ginawan na pala niya ako ng account doon sa dating app kung saan nakakauto siya ng hook up. Nag-scroll ako sa cellphone habang nakatayo rito sa gilid ng club kung saan nahatak na naman ako ng mga pinsan kong walang magawa sa buhay. Napapailing na tinititigan ko ang username at password na chinat sa akin ni Bryan nang mapalingon ako sa gilid dahil sa biglang sumigaw. "Tangina

