Chapter 39

4598 Words

"Ate.." yumakap sa akin ang mga kapatid ko. Hinatid nila ako dito sa kanto. Pabalik na kasi ako ng university. Kahit paano nalinawan na ako. Kahit paano, nabawasan na kumalma na ako. "Tutulungan niyo si Mama, ah?" Paalala ko sa kanila habang hinahaplos sila sa buhok. "Huwag palaging nagbabangayan. Maghati kayo sa gawaing bahay." "Opo, Madam Violeta," sagot ni Lavender na tiningala si Mama saka bumalik ang tingin sa akin. "Bati na kayo ni Mama?" Ngumiti ako saka tinampal ang noo niya. "Hindi naman kami magkaaway, baliw." "Ate! Ayaw ko kayo magkaaway ni Mama!" Nakangusong ungot naman ni Peachy. "Love ko kayo, eh!" Sabay niyakap kaming dalawa ni Mama. Sumulyap ako kay Mama at nakitang pinupunasan niya ang sulok ng mga mata. Nang humupa ang emosyon ko kagabi, nag-usap kami ni Mam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD