We settled with the group of Rocket’s friends. Nagka-usap usap pala sila nina Summer sa dancefloor kanina at nagkayayaan na pag-isahin na lang ang table namin. Ayos lang naman sa akin. Kahit paano naging close ko rin sila. Ang awkward lang, dahil sa harapan pa talaga namin ni Kazu, nakaupo si Mark na napapansin kong kanina pa, pasulyap-sulyap sa akin. Hindi tuloy inaalis ni Kazu yung braso niya sa beywang ko. Hindi rin nagbabago ang madilim na expression sa mukha niya. Sinasaway ko nga. Pero dahil medyo na, hindi siya nakikinig sa akin. Naalala pa ata niyang si Mark ‘yong dahilan kaya ko siya bigla na lang hinila dati at ipinakilalang jowa ko. “Hon…” yumakap ako sa leeg ni Kazu. Bumaba ang tingin niya sa akin. “What?” “Gusto mo umuwi na lang tayo?” “Bakit ayaw mo bang nakikita

