"BAKIT may ganito pa..." kinagat ko ang aking ibabang labi at inikot ulit ang tingin ko sa paligid. Napansin kong may decoration rin pala doon sa may dining area. "I told you... I will court you everyday." Kahit abot-abot yung kilig na nararamdaman ko, na-guilty pa rin ako. Wala kasi sa isip ko ang tungkol sa monthsary na 'to. Aminado, akong nababaduyan ako sa ganito noon. Pero ngayong ipinaranas niya sa akin— masarap pala sa pakiramdam na i-trato kang parang prinsesa... "Sorry... hindi ako sanay sa ganito," Pag-amin ko sa kaniya. "Hindi ko naisip yung tungkol sa monthsary natin... sorry, hon..." "It's fine..." hinaplos ni Kazu ang buhok ko. Hindi ko man lang siya kinakitaan ng dissappointment. Bakas pa rin sa mukha, na masaya siyang sinurpresa ako. "Ngayon ko lang rin naman

