"Ha? Akala ko ba sasabihin niya sa 'yo oras na pumayag ka na sa alok niya?"Tanong ni Genesis na kausap ko sa kabilang linya. Pag-uwi ko sa bahay tinawagan ko siya kaagad at ikinuwento ang ganap na nagising na lang ako sa condo ni Kazu. Ang bruha wala lang ring matandaan sa nangyari kagabi sa bar. Anyway, sinabi ko rin sa kaniya ang pag-uusap namin ni Kazu tungkol sa misteryosong trabahong, tinanggap ko na nga. "Tangina nga! Hindi pa rin sinabi ng hayup!" Nagngingitngit na sagot ko. Ang bwiset na lalaking ‘yon, masyadong sigurista! Kailangan raw munang pumirma ako ng kontrata! "Pero gagawin mo pa rin kahit wala kang clue man lang anong trabaho ‘yon?" Inis akong tumihaya ng higa at tumulala sa kisame ng kwarto ko. "Wala akong choice. Hindi maganda ang standing ko sa Buenavista, G

