PABAGSAK akong umupo sa kama. Katatapos ko lang maglinis. Tinanggalan ko ng agiw 'yong mga sulok-sulok ng pader. Mabuti may nakausap akong staff habang naglilinis at pinahiram niya ako ng walis pati na basahan. Kailangan ko na lang palitan 'yong bumbilya para hindi naman ako magmukha nasa bartolina nito. Ang tanong saan naman kaya may hardware dito? Eh, mukhang nasa dulo na ata kami ng Pilipinas! Sobrang weird talaga ng nerd na ‘yon. Sa dami ng pwedeng maging business na related sa course niya noon bakit kaya hotel? At sa isla pa na malayo sa sibilisasyon. Anong alam niya sa ganitong industry? Hindi ba siya ang susunod na CEO ng Ferrer? Anong nangyari kaya roon? Napabuga ako ng hangin. Ano bang pakialam ko sa mga desisyon niya. Malamang sa lumipas na panahon, may mga nakapagpa

