“Sir! Napatuwid ng tayo si Philip at kulang na lang saluduhan si Kazu. “Goodmorning, Sir!” “Bakit niyo kinokorner si Makasiksik?” Seryosong tanong ni Kazu. Ano raw? Kinokorner? Concern na siya nyarn? Pero bakit iba ang sinasabi ng pagmumukha niyang dinaig pa ang natapakang echas sa sama ng itsura niya?! Winasiwas ni Andrew ang mga kamay sa unahan niya. “Kinukumusta lang po namin si Violet since bago lang siya rito.” kulang nalang magtago siya sa likuran ko. Imbes na sagutin, hindi man lang tinapunan ng tingin ni Kazu si Philip at Andrew. Instead nanatili lang siyang kunot ang noong nakatingin sa akin. Alanganin tuloy na napapahiyang napakamot sa batok ‘yong dalawa. Tamo tong tao na ‘to! Apaka-attitude! Hindi na ako magtataka kapag nilayasan siya ng mga staff niya! Tsaka teka nga

