LALONG lumakas ang iyak ko nang maalala ‘yong mga binili kong pasalubong na ipinatago ko muna kay Nanay Fe kahapon dahil baka langgamin sa kwarto yung sweets. Paano ko pa makukuha ‘yon? Ayoko ng bumalik doon! Tumingala ako kay Kazu. "Y-Yung mga binili kong souvineer..." humihikbing atungal ko. "Naiwanan!" "Ssshhh… Tahan na... tahan na..." hinaplos-haplos niya ang buhok ko. "Bibili na lang tayo ng bago, hmm?" Sunod-sunod akong umiling habang sumisinghot. “Okay lang... mura lang naman ang mga 'yon.. ako na lang ang gagastos." Malakas na bumuntong hininga si Kazu. “For once, Vi. Let me do something for you.” May hinanakit na sabi niya. Kagat ang ibabang labi na sinapo ko ang pisngi niya. “You have done a lot for me…” “Did I?” Mapait siyang napailing habang pinupunasan ang luha ko

