BUONG biyahe nakasunod lang ang kotse namin sa tatlong van paakyat sa Baguio. Kapag humihinto sila para mag-pa-gas at kumain, humihinto rin kami. Hindi ko magawang sulyapan ang Mommy niya. Nakakatakot. Ramdam ko kasi 'yong masama niyang titig. Badtrip pa rin ata na hindi kami sumabay sa van. Ito rin naman kasing si Kazu, ewan ko bakit ang tigas ng ulo! Ilang beses ko pa siyang pinilit! Pero gusto niya raw may sarili kaming sasakyan. Hindi na ako nagsalita. At baka kami naman ang mag-away. Ayokong masira ang mood naming dalawa. First time pa naman ito na magkasama kami tas kasama pa family niya. Isang oras mula sa huling stop over namin, pumasok ang sasakyan ni Kazu trail at huminto sa isang malaki at dalawang palapag na forest log cabin. Palinga-linga pa ako sa paligid pagbaba na

