Chapter 3

2885 Words
SERYOSO ba ang lalaking ‘to? Uso pa ba ang virgin sa panahon ngayon? Gino-goodtime ata ako nito, eh! Si Jane nga na tatahi-tahimik kahit hindi nagkukwento ‘yon, alam kong na-bembang ng shota niya! Manhid at puro sapot na lang siguro ang pechay na hindi tatablan sa gwapo ni Vazques! Mabilis akong nag-type sa cellphone ko para mag-reply. Sluteena: Ows? Seryoso ka diyan? Di nga? Mr. Strange: I’m serious. Why would I have to lie? Anong mapapala ko? Napaisip ako. Hindi kaya mukha itong ingrown na tinubuan ng paa? Come to think of it… sa loob ng isang linggong pag-uusap namin sa chat, hindi pa niya itinatanong ang social media ko. Usually, iyon kaagad ang unang hinihingi, di ba? Hindi na ako magpapakaipokrita, madalas na physical appearance naman talaga ang basehan ng tao kapag nakikipag-landian! Personality naman at ibang qualities kapag serious relationship ang hanap. Kaso hindi siya ang ganoong tipo ng lalaki. I didn’t feel any malice or manyak vibe on him. My bad, I also forgot to ask his social media too which was funny. Kasi ‘yon ang unang hinihingi ko kapag may ipinakilala sa akin si Gene na boylet para ma-stalk sa IG. Lately kasi wala rin ako sa mood mag-stalk ng mga boylet. Hindi rin naman ako naghahanap ng ka-hook-up sa app na ‘to. Kung gusto ko, madali ko ‘yong magagawa sa personal. I was just being curious with this app. Ngayon, mas na-curious ako sa lalaking ‘to. Sluteena: Bakit mo sinasabi sakin ‘yan? Mr. Strange: They say, if you want to be friends with someone tell them a secret. Kumunot ang noo ko. May ganoon pa lang kasabihan? Sluteena: So, sa lahat ng bagong nakakachat mo, sinasabi mo ‘yan na… Virgin ka pa? Mr. Strange: Nope. Ikaw lang naman ang ka-chat ko. Dont know how to flirt my ass! Ang galing nga mag-flirt! Imposible naman ako lang ka-chat niya. Duh! Anong akala niya sa akin, babaeng uto-u***g pa-virgin? Umangat ang sulok ng labi ko. You want play, huh? Sige, pagbibigyan kita. Sluteena: Fourth year college with no experience at all? As in kahit kiss? Mr. Strange: I did kissed a girl once. Sluteena: Hindi kayo napunta sa second base? Mr. Strange: Damn, I just kissed her on the cheek, sinampal na ako. Malakas akong tumawa habang nag-ta-type. Sinasakyan ang mga sinasabi niya sa akin. Pero ang cute lang ng kiss sa cheek. Kaso ayokong hinahalikan ako sa pisngi, pang romantically involved lang ‘yon. Sluteena: Just for me, ah? Ayoko kasi ng ninanakawan ako ng halik kung pwede namang magsabi, right? ;) Mr. Strange: So, that’s what I need to do? Ask a girl for a kiss then they will agree instantly? Sluteena: Well, it depends… I let a guy kiss me on our first date. Mr. Strange: then? Kahit sa chat lang ramdam ko sobrang interesado siya sa sagot ko. Lalo tuloy bumibilis ang tipa ko sa cellphone. Para akong nagkaka-adreline rush! Sluteena: Second date.. second base. Kagat ang ibabang labi na nakatitig ako sa screen habang nakikitang nagta-type siya nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. “Hi!” Lumingon ako at nakita ang lalaking nakasuot ng varsity jacket from Lyceum. Pinakilala siya sa akin ni Gene kanina kaso sa dami ng pangalan ng kung sino-sinong pinakilala ng babaeng ‘yon, nagbuhol-buhol na ang pangalan sa utak ko. “Hello!” Ngumiti ako. “Your name, again?” “Emmett.” Inilahad niya ang kamay sa akin. “And you’re Violet, right? Friend ni Genesis?” Tumango ako. “Yeah.” Umusod siya ng upo palapit sa akin at napansin kong mamungay na ang mata niya at amoy alak na rin. Lasing na ata ‘to, ah? “Why you’re here… alone?” “Gusto ko lang magpahangin. I want to be alone.” Umusod ako ng upo palayo sa kaniya. At imbes na umalis, lumapit pa siya sa akin. “I got my eyes on you, you know?” Yucks! Walang originality! Kumuha ng linyahan sa kanta! Tsaka teka nga! Kanina lang nakita kong parang mga bulateng naglilingkisan sila noong babaeng kasayaw niya ah! Nasaan ba ang babaeng ‘yon at ako ang napag-trip-an ng gunggong na ‘to? Akala siguro, komo gwapo siya manginginig na ang pechay ko! Excuse me, may standard rin naman ako sa mga lalandiin ko. Gusto ko ‘yong kahit paano attracted ako sa physically! Sa itsura nitong may hikaw at tatts, ekis na kaagad! Gusto ko malinis tingnan! Yung mukhang mabango ang etits! “Really?” Sarkastik kong sinabi sabay umatras hanggang sa maramdaman kong nasa dulo na ako ng couch. He kept on moving closer, then he put his arm around my shoulder. Naputol na ang pisi ko. Saktong nakita ko sa sulok ng mga mata kong may dumadaan sa gilid ko. “Bitiwan mo nga ako!” Malakas kong sigaw. “Manyak!” Napahinto ang lalaking naglalakad sa gilid ko at pumihit paharap sa amin. Sinamantala ko ‘yon. Nagmamadali akong tumayo at nagtago sa likod ng lalaki. “Anong problema?” Tanong ng lalaking nakasuot ng hoodie. “Yang manyak na ‘yan! Bigla na lang lumapit sa akin!” Duro ko kay Emmett. Natauhan ito at itinaas ang dalawang kamay. “Whoa! Whoa! I was just asking if you want a drink. Huwag kang gumawa ng istorya.” “Aba’t kupal na ito!” Lumabas ako sa likod ng lalaking nakatayo sa harapan ko sinugod si Emmett. Lumipad ang kamao ko sa mukha niya. “Damnnnn…” sabi ng lalaki sa likod na hindi ko alam kung nagulat ba o bumibilib sa suntok ko. “Argh!” Napahawak si Emmett sa ilong niya at nakitang dumugo ‘yon. Naningkit ang mata at mayamaya ay tumayo, itinaas ang kamao at akma akong susuntukin pero humarang ang lalaki sa likuran ko. “Enough.” Awat nito. “Move away!” Galit na sigaw ni Emmett. Nakuha na namin ang ibang atensyon ng mga naroon sa backyard. Lumapit na ‘yong iba para maka-usyoso. ‘Yong iba tumakbo sa loob ng bahay para tumawag ng aawat. Hindi naman umalis ang lalaki sa harapan ko. Instead tinulak niya palayo si Emmett na gumanti ng suntok! Sa lakas ng impact nawalan ng balanse ang lalaki sa harapan ko. Napaatras siya at tumama siya sa akin. Dahil malaki siyang tao, nawalan rin ako ng balanse at napaatras, only to find out that I was on the edge of the pool! Nanlaki ang mata ko. Nang maramdam kong babagsak ako sa tubig, nahagip ng kamay ko ang laylayan ng hoodie no’ng lalaking nasa unahan ko. “Vi!!!” Rinig kong nagpapanic na tili ni Genesis bago kami sabay na bumagsak no’ng lalaki sa pool. * * Tangina! Hindi ako marunong lumangoy! Ilang beses na lumubog-lumutang ang ulo ko bago naramdaman kong may yumakap na braso sa beywang ko. Hinawi niya ang buhok sa mukha ko. “Tang-ina! Tang-ina! Ayoko pang mamatay!” “Stop being over dramatic.” Dumilat ako at bumungad ang mukha ng lalaking parang familiar sa akin. Kinusot niya ang mga mata. “Damn… my glasses.” Umawang ang labi ko nang mapagmasdan siya ng mabuti. “Ikaw ‘yong papansin na nerd na tumulong sa akin sa club at yung hinatak ko sa mcdonalds!” Tumigil siya sa pagkusot sa mga mata. Kunot noong tinitigan niya ako, naniningkit na tila inaaninag ang itsura ko sa nanlalabong paningin. “Oh, you again? The walking trouble.” Hinampas ko siya sa braso. “Stop that, kung ayaw mong ihagis kita sa tubig.” Pananakot niya sa akin. Mabilis kong niyakap ang mga hita ko sa beywang niya. Bwiset! Wala akong choice! Sayang ang ganda ko kung malulunod lang ako rito! “Vi!” Pahisterical na hiyaw ni Gene. Halos lahat ata ng nasa party nandito na sa pool area at nakatingin sa amin nitong nerd. “Dalhin mo nga ako roon kaibigan ko!” Parang donya na utos ko sa kaniya. Sumunod naman siya. Napansin kong medyo mabagal nga lang at parang nangangapa siya. Paglapit sa gutter, tinulungan niya akong umakyta roon. Hinila pa niya pababa ang skirt ko nang tumaas ‘yon. Napalingon tuloy ako sa kaniya. Wala naman siyang reaksyon. Kumunot lang ang noo sa akin. “My god! What happened! Are you okay?” Sunod-sunod na tanong ni Genesis nang dalhin ako sa couch. Ibinalot niya sa akin ang towel na binigay ni Vince. Lumingon ako sa kabilang couch at nakitang nakaupo naman roon ang nerd na lalaki. Naghubad siya ng sapatos at medyas. Pagkatapos isununod ang suot na jacket. Napatitig ako sa katawan niya. He has a f*****g toned body. Medyo buff ang braso niya. Tangina… how come na may itinatagong hotness ang nerd na ‘to?! Mabilis ako nag-iwas ng tingin nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. “Hello! Vi! Napasukan ba ng tubig ang tenga mo kaya hindi mo ako marinig?” Bumalik ang atensyon ko kay Genesis. “Parang naalog ang utak ko, Friend. Kasalanan ng kupal na lalaking ‘yon!” Luminga ako hinanap si Emmett. Ang gago nowhere to be found! “Sino?” Tanong ni Vince. “Emmett ang pakilala sa akin ng kupal!” Kunot ang noong nagkatinginan si Genesis at Vince. “Sinong Emmett?” Sabay pa nilang sinabi. “Yong nakasuot ng varsity jacket!” Ang gunggong na ‘yon ibang pangalan talaga ang sinabi para hindi mabilis matakasan sa kagaguhang balak gawin. Napailing si Genesis. “I don’t know that Emmett, guy. I’m may nagsama lang sa kaniya rito.” “Sorry, Violet.” Nahihiyang hinging paumanhin ni Vince. Winasiwas ko ang kamay ko. “Wala kang kasalanan. Kalasanan ng kupal na ‘yon! Bwiset siya! Lakas ng loob! Bastos! Huwag ko lang siyang makikita ulit! Puputulan ko siya ng kaligayahan!” “OMG!” Napalingon kami sa biglang tumili at nakita ang babaeng hindi malaman ang gagawin na nakatayo sa harapan no’ng nerd na tumulong sa akin. “What happened?! Are you okay!” Tumango ‘yong nerd sabay kinuha ang towel na inaabot no’ng kaibigan ni Vince. “I’m fine.” “Fine? Eh, bakit basang-basa ka?” “Nahulog ako sa pool.” “ANO! bakit?!” Kumunot ang noo ko. Sino ba ang babaeng ‘yon? Girlfriend niya? May suot siyang makapal na salamin na itim ang frame, may bangs at medyo conservative ang pananamit. Well, kung pagbabasehan ang itsura nila… bagay sila. “Aksidenteng may humila sa akin sa pool.” Sagot no’ng lalaki sabay sulyap sa akin. Nagmaang-maangan ako. Bakit, it’s totally my fault! Kasalanan ng Emmett na ‘yon! “Who did that?!” Inis na tanong nung babae. Umarko ang mga kilay ko. Sa paraan kasi ng tono niya parang gusto akong sugurin! “No one. I need my glasses though,” sagot nung nerd at napansin kong may dinukot sa bulsa niya. Nanlaki ang mata ko at doon ko lang na-realize ang cellphone ko nang makitang sinusubukan niyang buksan ang nabasang cellphone. “Hala! Gene!” “What?” “Yong cellphone ko! Nasa pool!” Natampal na lang ni Gene ang noo niya. * * Hindi na kami nagtagal ni Gene sa party. Luckily, may kapatid na babae si Vince at pinahiram ako ng damit. ‘Yong nerd naman narinig kong pinahiram ni Vince ng damit. Hindi na kami nag-usap last night. Wala rin akong balak na kausapin siya though, kinukulit ako ni Genesis na mag-thank you man lang raw! Naririndi na ang ako sa bunganga niya ngayon dito sa cafeteria. Hindi naman ako nalasing kagabi, pero ang lakas ng hang-over ko sa mga ganap! “You should thank him.” Tumaas ang isang kilay ko, sinisipat anb nail polish na red sa kuko ko. “At bakit?” “Why not? He saved you from that manyakis. Nalaglag pa siya sa pool nang dahil sa ‘yo and probably nasira rin ang phone niya.” “Siya lang ba? Ako rin naman, ah!” Ngumuso ako at sumalumbaba. Dadalhin ko pa pala ang cellphone ko sa pagawaan. Hindi um-obra ‘yong advice sa akin ng room mate ko na ilagay bigas. “Hindi naman siya mapupunta sa sitwasyon na ‘yon kung hindi ka niya tinulungan. And what’s wrong ba if you thank him?” Umirap ako. “Siya lang naman kasi ‘yong lalaking antipatiko na nagligtas rin sa akin sa club at yong lalaking random ko lang hinatak para ipakilalang jowa kay Mark.” Nanlaki ang mga mata ni Genesis sabay napatili. “OMG!” “Shuta ka! Ang ingay ng bunganga mo!” Tumawa siya at hinampas ako sa braso. “Gosh! Nagkatotoo ‘yong sinabi ko last time! Remember, I told you… you’ll crossed paths again with that man!” “Nagdilang demonyo ka nga talaga! Hayup ka Gene! Alisin mo yung sumpa mo sa akin!” Dinuro ko siya. Hinampas niya ang daliri ko. “Karma mo ‘yan! At mas lalo kang makakarma kung hindi ka mag-tha-thank you sa kaniya.” “Naknampucha ka!” Pinanlakihan ko siya ng mata. “Huwag mo ng dagdagan ‘yang mga sumpa mo sa akin!” Tumawa pa talaga ang bruha. “Feeling ko siya na ang soulmate mo!” “Huy! Kadiri ‘yon! Di ako papatol sa apat na matang ‘yon! Mamaya ako magturo maglagay ng condom sa kaniya!” Nangilabot ako. “Huwag ka magsalita ng tapos. Dumaan si Friday diyan… looked how she’s madly in love with Rocket.” Ngali-ngaling dagukan ko na si Genesis kundi lang tumunog ang bell. Ubos na ang buhok niya sa akin sa ibaba! Nakaka-imbyerna! Sa dami ng gwapo niyang kaibigan doon pa ako sa nerd na ‘yon ibubuyo! No motherfucking way! * * Nagpunta ako sa mall pagkatapos ng huling klase ko. Walking distance lang naman ‘yon from Perps kaya hindi na ako nagpasama sa mga kaibigan ko. Lahat sila busy sa mga jowa nila, eh. “Magkano pagawa, Kuya?” Tanong ko sa technician na kinukumpuni ang cellphone ko. “Nasira ba LCD?” “Oo. LCD na sira nito.” “Magkano naman kaya aabutin?” Nag-aalalang tanong ko. Lumang modelo na ‘yon ng iphone na nabili ko ng secondhand. Diyos ko! Ilang buwan ako nagtiis na kumain ng noodles para lang mabili ko ‘yon. Bwiset talaga! Bwiset! “Yung ganitong iphone nasa 1500 ‘to.” Nanlumo ako at natulala. Ang mahal naman! Kapag nagpagawa ako wala ng matitira sa allowance ko. “Ano gagawin na ba? Mabilis lang ‘to.” Nagdedesisyon pa ako nang bumukas ang pinto at may dumating na bagong costumer. Napalingon ako nang tumayo siya sa tabi ko. Tumingala ako. Hindi ko na alam talaga, ah! Bakit pinagtatagpo kami lagi ng nerd na ‘to! Sumulyap siya sa akin bago binalingan ‘yong isa pang technician na lumapit sa kaniya. “Can fix this phone?” Tanong nito’t inilapag ang latest na iphone sa ibabaw ng counter top. Wow… naka-iphone 14 pro max! Mayaman pala kaya may kayabangan! “Anong nangyari dito?” “Nabasa sa pool.” Umangat ang sulok ng labi nito nang sabihin ‘yon. “Someone pulled me.” Umikot ang eyeballs ko. Hindi maka-move on? “Naku, yong ganitong cellphone… mahal ang LCD nito. Aabutin ka ng bente mil dito.” Kamuntikan ako masamid! Jusko! Twenty thousand! Graabeeee! Mas mahal pa ‘yon kaysa bili ko sa cellphone ko! “Tumatanggap ba kayo ng card or cash?” Napalingon ako. “Hoy! Seryoso?! Gagi, ang mahal!” Kunot ang noong lumingon siya sa akin. “Bakit? Ikaw ba magbabayad?” Ang bwiset na ‘to! Concern lang ako sa pera niya ‘no! “Miss, ano papagawa mo ba ‘tong cellphone mo?” Dahil sa inis di na ako nakapag-isip ng matino. Napa-oo na lang ako sa technician. Na later on habang naghihintay sa waiting area, pinagsisihan ko. Tangina… ilang pack na naman kaya ng noodles uubusin ko nito? Umayyyy! “Do you regrets pulling in the pool?” Mabilis akong napalingon sa lalaking nasa tabi ko. “Huh? Pinagsasabi mo?” Pinag-krus niya ang mga braso sa dibdib. “Atleast say thank you cause again, I saved your ass last night.” “Teka lang, teka ah…” pumihit ako paharap sa kaniya. “Stalker siguro kita! Kasi kung nasaan ako nandoon ka! Umamin ka na!” “What?” “Hindi ba?” Tumawa ako at sinundot siya sa tagiliran. “Come on… crush mo ako no?” Kunot noong tinitigan niya ako pagkatapos napapailing na naglakad papunta sa counter top kung saan tinawag na ito ng technician na gumawa sa cellphone nito. Lumapit na rin ako kasi tinawag na rin ako. Inabot sa akin ang cellphone ko. Binayaran ko ‘yon at naupo ulit sa bench na naroon para i-check kung bumubukas na ba at hindi na black screen. “Ayowwwn! Bumukas na!” Nag-scroll ako at sumulyap sa katabi ko. Nag-scroll rin siya sa cellphone niya. Tumigilid ako ng kaunti bago ko binuksan ang dating app at tumipa. Sluteena: Sorry! I had ang accident. Pagkasend ko roon. Nagtataka akong napalingon sa katabi ko nang sabay pang tumunog ang cellphone namin… You have 1 message recieved Mr. Strange: I had an accident too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD