Chapter 2

2649 Words
NAGLALAKAD ako sa kahabaan ng U Lane nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ng palda ko. Tulad ng dati nanghahaba na naman ang leeg ng mga hinayupak na lalaking nakakasalubong ko. Well, I couldn’t blame them. Mas maikli sa dapat sa required na haba ng skirt na below the knee ang palda ko. Halos parang mini skirt na nga 'yon. Reveal na reveal ang legs kong maputi. Kapag sinisita ako ng guard, nagpapa-cute lang, nakakalusot na ako! Ang uniform na blouse naman pina-sikipan ko para kitang-kita ang perfect curve ng body ko. Ang motto ko kasi, why not flaunt it when you have it! Ganorn! “Hi, Vi!” Bati sa akin ni Navarro. Isa sa mga varsity ng Perps. “Hey! Hello!” Itinaas ko ang isang kamay ko para makipag-highfive. Lumingon pa ako sa likuran para sundan siya ng tingin. Ang gwapo… sayang may jowang sikat na tiktokerist! Hindi tuloy ako pinapansin kahit anong pagpapa-cute ang gawin ko. Bumaba ang tingin ko sa cellphone sa sunod-sunod na chat galing sa dating app na sinalihan ko last week. You have 20 messages received! Inisa-isa ko 'yon at nabasa ang mga katarantaduhan na chat ng mga lalaking gusto lang gumet-some. Natawa ako. Alam ko naman na karamihan sa mga gumagamig ng dating app kundi naghahanap ng jowa at afam, naghahanap naman ng ka-hook-up. Oh, well… hindi ko na mabilang ang mga lalaking nakilala ko sa bar at club na nagyaya sa akin makipag-one night stand. Meron pang gustong threesome. But I always refused. May rule kasi ako pagdating sa pakikipag-s*x. Simple lang naman… I will do all the work, but he must behaved like a good boy. Kung hindi siya susunod sa gusto kong mangyari, huwag na lang. "Hi, Violet! Ano sama ka sa amin sa inuman?” Huminto ako sa paglalakad at pumihit paharap kay Charles, nanalong Mr. Tourism last year. “Uh…” i bit my lower lip. “Anong oras ba?” “7PM.” Inakbayan niya ako. “Last week pa kita niyayaya. Hindi ka rin nagrereply sa chat ko. Kayo pa ba nung taga-beda?” Wow. Speed lang, huh? “Hindi naman kami nun.” Tumawa ako. “Text kita mamaya kung hindi ako yayain ni Genesis.” “Genesis? Yung model na taga-business management?” Of course kilala niya si Genesis. Wala naman atang hindi nakakilala sa babaeng ‘yon kahit nga sa ibang universities. Bukod sa friendly, laman ng mga parties, anak mayaman rin ‘yon si Genesis! Model pa! Ewan ko nga roon bakit kami pinagtatyagaan kasama. “Yes! Bff ko ‘yon.” “Pakilala mo naman ako.” “Gago, may jowa na ‘yon! Asa ka pa!” Natawa ako nang sumimangot siya. “Sama mo na lang mamaya. Geh. Una na ako. Tatambay kami sa G8.” “Cutting ka na naman!” Baling ko sa kaniya habang naglalakad. “Boring prof namin, eh! Chat ka mamaya! Basta sama mo si Ms. Ganda!” Umiirap na hindi na ako sumagot at binilisan ang lakad ko nang biglang tumunog ang bell. Na-warning-an na ako ng prof namin sa dami ng late ko last sem! Hindi na ako pwedeng ma-late ulit kasi ibabagsak na ako ng panot na ‘yon Sige, rampa pa! Napayuko ako sa cellphone nang mag-vibrate na naman ‘yon. Binuksan ko ang GC namin. Genesis: PARTY ALERT! Genesis: At Vince’s house later tonight! Who want’s to come with me? Sabi ko na nga ba, mag-cha-chat ang bruhang ‘to. Kapag friday night talaga, hindi nawawala sa party itong si Genesis. Iba na talaga ang Rich kid. As usual sabit naman kami palagi! Lalo na ako. Napaisip ako bago tumipa para mag-reply. Violeta: Go ako diyan! Janey: Hindi ako makakasama. Pupunta kami ni Levi sa kanila. Violeta: Ayan tayo kapag nagkaka-shota, eh! Nakakalimutan ang kaibigan. Ang bruhang Jane, straight face emoji react lang ang ni-reply. Genesis: Copy that, Janey! How about you Fri? Genesis: No reply? Violeta: Nakabaon pa siguro, Sis! Hahahaha! Kaagad nag-seen si Kulot at wala pang isang segundo G na G na nag-reply. Kulot: sino nagpalit ng name ko rito sa GC! Pampam ka talaga Vi! Natawa ako nang makita kong gumanti siya at pinalitan rin ang pangalan ko. Petchay: HAHA! Dapat ginawa mong FreshyPechay! Kulot: Ew! Genesis: Enough! So, it’s me and Violet na lang? Kulot: Yes. I can’t make it tonight, girls! Alam niyo naman sila Kuya! Sumbengo kay Mama! I’ll make it up to you soon! Love yah! My bebe is here na! Byieee! Chat you later! Jane: (Seen.) Petchay: Sana magsawa naman kayo sa etits ng mga jowa niyo! Genesis: My god, Vi! Language! Kahit hindi ko nakikita pagmumukha ni Genesis, alam kong tawa nang tawa ang babaeng ‘yon. Bentang-benta sa kaniya kapag nagsasalita ako ng barubal, eh! Genesis: Anyway, I’ll see you later! Dadaanan kita sa dorm mo. Violeta: Wag na. Baka mapagtripan pa ng mga tambay don ang kotse mo. Magkita na lang tayo sa waiting shed dito sa Perps! Nag-thumbs na lang si Gene sa reply ko. Isinusuksok ko ang cellphone sa bulsa ng skirt— nang hindi ko namamalayang may papasalubong pala sa direksyon ko. Nagkabanggaan kami. Dahil sa lakas ng impact, napaatras ako. Napahawak ako sa noo kong hindi ko malaman kung sa siko ba ng hinayupak na ito tumama. Tangina! Nabukulan pa ata ako, ah! Nagsalubong ang kilay ko sa inis! I was about to s***h out on him nang marinig kong tumunog na naman ang bell! Ahhh! s**t! Kaya imbes na tarayan ang nerd na ‘to sa harapan ko, nilampasan ko na lang siya. Kaso natigilan ako nang magsalita siya. “So, it’s you again, huh?” Kunot ang noong lumingon ako. “Anong pinagsasabi ng lalaking—“ umawang labi ko nang mamukhaan siya. “What the f*****g hell! Ikaw ‘yong epal na nerd sa club!” Umangat ang sulok ng labi. “And you’re the women who always dragged me out of trouble. May sumpa ka siguro.” “Anong sinabi mo—“ “Vi! Gagu!” Tawag sa akin ng kaklase kong tumatakbo sa gilid ko. “Nasa likod natin si Sir! Kapag naunahan tayo niyan marked as absent!” Paglingon ko, nakita ko kaagad ang kumikislap na bumbunan ng panot na terror prof namin sa Marketing Management. Shit! Mabilis kong binalingan ang nerd sa harapan ko at tinuro siya. “May araw ka rin sa akin!” Sabay talikod at karipas ng takbo papunta sa classroom. * * Naunahan ko naman ang prof namin. And as usual lumipas ang buong klase ko ng pang-hapon na napaka-boring. Hindi ko nga namalayang nakatulog ako. Ginising lang ako ng kaklase ko nang uwian na. Dahil may party nga kaming pupunta ni Genesis, after class umuwi na ako sa inuupahan kong bed space. Kahit gusto kong umupa sa mas maayos na dorm— hindi naman keri ng budget na ibinibigay ng nagpapaaral sa akin. Tipid na tipid rin ang allowance ko na galing naman kay Mama. Maliit lang kasi ang kinikita niya sa pagpapa-order sa Avon at pagtitinda ng kung ano-anu online. May mga kapatid pa akong maliit. Sinusian ko ang pinto at napalingon sa kama ng room mate ko. Naririnig ko ‘yong tumutunog habang gumagalaw ang nakataklob na kumot sa obviously dalawang taong magkapatong. Sanay na ako sa ganitong tagpo. Minsan lang nakakairita, lalo kapag gabi! Hindi kasi ako kaagad makatulog sa ingay nila! Wala bang pera pang-bayad kahit sa mumurahing motel ang mag-jowang ‘to? Pasulyap-sulyap sa kamang luminlindol na nagpunta ako sa kabinet ko na nasa sulok para kumuha ng damit pamalit roon. Hinablot ko rin ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pintuan bago dumiretso sa bago na nasa tabi ng kwarto. Pagbalik ko sa kwarto, naabutan ko pang topless at nagpupunas ng pawis ang jowa ng room mate kong Joanne. Nakaupo siya sa kama at lumingon sa akin. I was wearing a lace red bralette. Pinatungan ko ‘yon ng itim na mesh see through top at pinartner-an ng high waisted mini skirt. Pinagmasdan niya ang kabuoan ko at kitang-kita ko ang libog sa mukha ni gago. Inirapan ko siya bago naupo sa kama ko at nag-lagay ng light make up. “Hi!” Bati niya sa akin. Dineadma ko ang pagpapa-cute niya at parang walang naririnig na pinagpatuloy ang ginagawa ko. Kung may isang bagay akong hindi ko kailaman gagawin kahit capable pa ako— iyon ay ang mang-agaw at pumatol sa may jowa. I despised cheating and most especially cheaters! Tapos na akong ayusan ang buhok nang pumasok sa kwarto si Joanne na may dalang baso ng tubig at pagkain. Nagmamadaling nag-iwas ng tingin ang jowa. “Hi, Vi! Nice outfit!” Bati niya sa akin. Kinuha ko ang clutch bag ko. Lumingon ako sa kanila nang nasa may pintuan na ako. “Pagsabihan mo sa kalibugan niya ‘yang jowa mo, Joanne.” Nakita ko pang mabilis na binalingan ni Joanne ang jowa niyang namutla bago ito pinagsusuntok sa braso. Isinuot ko ang bluetooth headset ko saka lumabas ng inuupahan kong bed space. Nilalakad ko ang daan palabas sa street nang tumunog ang cellphone ko. KissMyLips | You have 1 messaged received Mr. Strange: Hi. Sluteena: Hello! :) Sluteena: Hindi ka nag-chat maghapon? Kinalimutan mo na ako. Natawa ako pagkatapos ko ‘yon isend. Sa dami ng nag-chat sa akin sa mga dating app na in-install ko ‘tong lalaking ‘to lang madalas kong reply-an. Hindi ko nga namamalayan na isang linggo na kaming magka-chat. Hindi kasi siya makulit. Hindi rin mayamaya’t kung mag-chat. In short— hindi siya tipikal na lalaking nakilala ko na ang hanap ay ka-s*x or di kaya kalandian. Pero hindi ko pa rin sure, baka mamaya nag-wawarm up lang ito tas bigla akong yayain ng threesome. Though he wasn’t giving me that vibe. Ako na nga minsan ang nag-iinitiate at finiflirt ko. Pero parang dense ang kumag. Well, mas nag-eenjoy tuloy akong ka-chat siya. Mr. Strange: Hindi naman. May klase kasi ako buong maghapon. Tumaas ang isang kilay ko habang mabilis na tumitipa. Sluteena: Class your face! Naglaro ka na naman siguro… Nabanggit kasi niyang mahilig siya sa mga videogames. Iyon nga ang naiisip kong dahilan kaya siguro hindi ma-chat ang lalaking ‘to. Mr. Strange: Guilty as charge :) Sluteena: I dont get it. Ano bang nakukuha mo diyan na satisfaction? Mr. Strange: Just like how you girls doing vain video on t****k. Imbes na ma-offend natawa ako. He’s like that, straight forward. Sluteena: Sorry ka, hindi ako mahilig mag-t****k. Wala nga akong account doon. Mr. Strange: Good to know that. Those girls shaking their asses off on t****k gives me headache. Sluteena: Headaches huh? Nakagat ko ang ibabang labi ko. Sluteena: or hard on? Kamuntikan akong mapadapa nang matapilok sa steps na hindi ko nakita. Noon ko lang rin na-realize na nasa waiting shed na pala ako. Inalis ko ang isang headset sa tainga ko at narinig na sunod-sunod na busina. Paglingon ko nakita kong nakaparada na pala roon ang kotse ni Genesis. “Hello! Violeta to the universe!” Tili ni Gene pagkababa ng bintana sa tabi niya. Nagmamadali akong sumakay sa front passenger. “Kanina ka pa?” Tanong ko habang isinusuot ang seatbelt. “Yeah, just enough to saw you smiling, flirtily on your phone!” “Flirt kaagad? Nakangiti lang?” Pinaandar na niya ang kotse bago lumimgon sa akin. “Naka-move on ka na kaagad kay Mark?” “Duh…” umirap ako. “Hindi ko na kailangang mag-move on. Hindi naman naging totally na kami.” “I was just asking. You know? The three month rule.” Kunot ang noong nilingon ko siya. “Ano ‘yon?” “Sabi kasi nila kapag wala pang three months after the break up, lumalabas na rebound lang ang susunod na guy.“ “Ang dami mong ebas, Gene! Parang di niyo ako kilala. I’m not looking for a serious relationship! I’m happy being single and f*****g boys around.” “Oh, yeah? Just be careful.” Paalala niya sa akin. “Love comes unexpectedly.” “Ew.” Kahit ata ilang beses kong sabihin sa kanila ‘di sila naniniwalang wala naman talaga akong nararamdaman para sa mga lalaki kundi konting libog lang. Paano lahat sila may jowa at hopeless romantic! * * Maingay ang party music nang dumating kami sa bahay ng kaibigan ni Genesis na ipinakilala niya sa akin si Vince. Halos lahat ng invited roon ay galing sa mga kilalang university. Pakiramdam ko nga hindi ako malalasing sa alak, eh! Kun ‘di sa pag-e-english-an nila. Parang dumudugo na ang ilong at utak ko. Though nakakaintindi ako ng english. Hindi naman ako confident at fluent sa pagsasalita ng ganon. Feeling ko ang trying hard ko pakinggan. Nagiging boses pekpek ako. Mamaya na lang ako makikipag-usap sa kanila kapag nakainom na ako. Gumagaling kasi ako mag-english kapag nakainom na ako. Pinili ko na lang magpunta muna sa backyard. Ayokong namang maya’t maya nilalapitan ako ni Genesis at tinatanong kung okay lang ba ako, to make na hindi ako na-o-out of place. Sa ginagawa niya hindi na siya nag-eenjoy. Tsaka masakit na rin ang paa ko. ‘Yong suot ko kasing boots na nabili ko sa ukay, maliit. Pinilit ko lang suotin para magmukha akong shala. Tangina! Tiis ganda lang teh. Umupo ako sa couch malapit sa pool. May mga umiinom rin naman doon. Ang ibang mga couple na naglalampungan. Hindi rin ganoon kaingay dahil nasa loob ang DJ, though maririnig ang muffled sound ng party music na tumutugtog. Kinuha ko ang cellphone sa clutch bag ko at nag-scroll. Tiningnan ko kung nag-reply na si Mr. Strange. “Waley. Busy na naman siguro sa paglalaro—“ natigilan ako sa pag-scroll nang mag-popped up ang message. Speaking of the geek. Mr. Strange: Hi. Hindi ako kaagad nag-reply. Syempre need ko namang magpakipot ng konti. Baka sabihin palagi akong atat mag-reply. Hinintay ko kung mag-cha-chat siya ulit. Mr. Strange: Busy? Sluteena: Slr. Nasa party ako ngayon. Why? Mr. Strange: Same. Tumaas ang kilay ko. Sluteena: Same? You mean nasa party ka rin? Mr. Strange: Oo. Sluteena: Akala ko ba, introvert ka? Mr. Strange: It doesn’t mean I don’t go out. I just don’t like huge crowd. Sluteena: At hindi crowded sa party na pinuntahan mo? Mr. Strange: Nope. We’re just chilling. Nag-send ito ng picture ng kamay na hawak ang bote ng budweiser at hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga ugat sa braso niya. Hot. Inayos ko ang upo ko, pinag-krus ang legs ko para mas ma-expose ‘yon saka ko kinuha ang dala kong red paparcup na may lamang beer at pinicture-an at sinend ‘yon sa kaniya. Mr. Strange: Don’t drink too much if you’re driving after. Sluteena: Ha! Hindi ako mabilis malasing ‘no! Kaya kitang talunin. Mr. Strange: I bet you do. Hindi ako malakas uminom. Sluteena: Don’t worry, kapag nalasing ka aalagaan kita. ;) Mr. Strange: Really, huh? Actually nahihilo na ako ngayon. Natawa ako. Aba, ang daldal ng kumag na ‘to ngayon, ah. Lasing na siguro. Sa loob kasi ng isang linggo, madalas na maiikling conversation lang ang mga nagiging palitan nila. Sluteena: Are you flirting with me? Mr. Strange: Don’t know how to do it. ;) Umikot ang eyeballs ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan mapangiti. Sluteena: Ows? Mr. Strange: That’s true. I wanna tell you a secret. Dahil sa sobrang curious ko, mabilis tuloy akong napa-reply. Parang wala pang isang segundo! Diyos ko! Pa-suspense naman kasi ang bwiset na ‘to! Sluteena: Ano ‘yon? Mr. Strange: I’m on my last year in college… Sluteena: Then? Mr. Strange: But I didn’t have any experience when it comes to s*x. Napatitig ako ng ilang sandali sa screen at napakurap. Sluteena: You mean… VIRGIN ka pa? Ilang sandali bago siya nag-reply. Mr. Strange: Yes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD