"Why are you smiling like a psycho?" Kunot noong tanong ni Kazu habang nakatitig sa mukha ko. "Ah..." Nakangisi pa ring marahan kong tinapik-tapik ang pisngi niya. "Welcome na welcome ka rito sa bahay namin!" Nagdududang tumaas ang sulok ng labi niya. "Bakit nagbago ata ang mood mo?" "Ayaw mo ba?" Peke akong ngumiti. "Anyway, katatapos ko lang magluto. Peachy! Lavander!" Parang senyora na tawag ko sa dalawang kapatid ko. "Bakit, Teh?" "Ihatid niyo si Kuya Kazu niyo sa kwarto ko para makapagpalit ng damit." Bumaba ang tingin ni Kazu sa suot na hoodie at itim na sweatpants. "I'm fine with my clothes." Umikot ang eyeballs ko. "Hello! Wala kaming aircon. Sa sobrang init rito baka mamaya lang dehydrated ka na sa balde-baldeng pawis na isisingaw niyang katawan mo!" Binalingan ko ulit

