Hindi ito maaari! Kailangan kong itaas ang ego ko! Hindi ako aamin!
"Sluteena? Itinaas ko ang aking noo at pekeng tumawa. Halos makita na ang lalamunan ko sa laki ng bunganga ko. But I don't care! Kailangan ko si mapaniwala. "Anong pinagsasabi mo, diyan? Ang panget naman ng pangalan na 'yan. Sino ba 'yon? Poser mong ka-chat?"
What the f**k did I just say?
"Really, huh?" Umangat ang sulok ng labi niya. "Look around you."
Umikot ang tingin ko sa buong soccer field at nakataas ang isang kilay na bumalik sa kaniya. "Oh, anong problema mo?"
"Dalawa lang tayo rito. I'm here to meet someone I was talking on a dating app. And you're also here. Huwag mong sabihing coincidence na naman."
Naglapat ang labi ko. s**t! Kami na nga lang dalawang dito! Tumunog na kasi ang bell, malamang nagtakbuhan na ang mga estudyante pabalik sa classroom.
Tang-ina na naman, oh! Wala pang pumapasok na palusot sa utak ko! Hello, hindi pa ako nakakamove-on sa ganap na ang nerd na ito at si Mr. Strange ay iisa!
"Out of words?" He asked sarcastically.
Marahas akong bumuga ng hangin. At simaan siya ng tingin para pagtakpan ang pagdadahilan ko.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, okay—"
"Hindi mo alam?" Putol niya sa sinasabi ko. "Then why are you hiding behind that bushes? Huwag mo ng itanggi dahil huling-huli ko kayo."
"Excuse me!" Pagtataray ko. "Hindi kami nagtatago sa 'yo! Pinagtataguan namin ni Genesis ang chat mate niya!"
Hala, boba ka! Bakit 'yon ang sinabi mo?! Tanga! Tangaaaaa!
"Oh..." tumaas ang isang kilay saka nagkibit ng balikat. "Okay, I'm gonna ask Lester about it."
Nanlaki ang mga mata ko at
nagmamadaling sumunod sa kaniya nang maglakad ang bwiset ang papalayo.
Yari! Paano nga kung kilala ng nerd na 'to si Lester! Edi, nag-away pa yung mag-shota sa kagagahan ko!
And even if he's bluffing, walang 'di nakakakilala kay Lester! Hello, member 'yon ng student council, varsity, stockholder at he's a type of student na kasama sa mga rich and cool kids!
"Hoy! Hoy!" Nagpapanic na tawag ko sa kaniya. Pero parang walang naririnig na malalaki ang hakbang na nagpatuloy siya sa paglalakad. "Sandali!"
Hinihingal na ako nang maabutan at hablutin ang sleeves ng jacket ng bwiset na lalaki.
Kunot noong lumingon siya sa akin. "What?"
Inis akong bumuga ng hangin at inihagis ang mga kamay ko sa ere. Dahil mabuti akong kaibigan, i-sa-sacrifice ko na lang ang sarili ko para kay Gene!
"Okay fine!"
He raised a brow at me. "Fine?"
"Oo na!" Umiirap na sabi ko. "Ako na si Sluteena! Happy?" Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Ngayong alam mo na, tapos na siguro ang usapang 'to 'no? I gotta go!"
Hindi ko ugaling mag-walkout dahil para sa mga taong gusto lang tumakas at takot sa confrontation ang bagay na 'yon. But I didn't have any choice now.
Hindi ko kayang mapahiya sa nerd na 'to! Ang landi-landi ko pa naman sa chat! Not to mention that last night we're talking about... s*x!
Tumalikod at maglalakad na sana ako pero natigilan ako nang magsalita siya.
"Aren't you forgetting something?"
Napangiwi ako. "H-Ha? Wala, ah!"
"Gusto mo ipaalala ko sa 'yo, bakit tayo magkikita?"
Hindi ako nagsalita. Hindi ako kumilos! Ano naman kasing magiging reaksyon ko roon? Kasasabi ko lang na hindi ko kayang makipag-laplapan sa mukhang...
Natigilan ako nang tumayo siya sa harapan ko at yumuko dahilan para magpantay ang mukha namin.
Kahit ayaw ko, napatitig ako sa kaniya. Ngayon ko lang nakita ang mukha dahil palagi siyang nakasuot ng hoodie. Napansin kong makapal ang kilay, matangos ang ilong at prominent ang jawline.
Ang pinaka-nagustuhan ko 'yong mata niyang medyo singkit.
"We have a deal, remember? You're gonna teach me..."
Naamoy ko ang hininga niyang humampas sa mukha ko. At nakakaputa naman! Bakit ang bango yata?
Umangat ang sulok ng labi niya nang hindi pa rin ako magsalita. "Don't tell me, hindi ka marunong tumupad sa usapan? So, lahat ba ng mga sinabi mo sa akin sa chat... what do you call it?" Tumingala siya at kunwaring nag-isip saka bumalik ang tingin sa akin. "Fake news?"
Natauhan ako at nag-buhol anh mga kilay nang masaring ang ego ko. Anong sinasabi ng bwiset na 'to? Sinungaling ako?
Naniningkit ang mga mata tumingkayad ako at kinuwelyuhan siya. Hinila ko siya palapit hanggang sa halos wala nang makakadaan na hangin sa magkalapit na labi namin.
I made sure my lips almost touched his lips as I spoke. "Magkita tayo after school. Be ready, hindi ako mabait kapag na-po-provoke ako." Itinulak ko siya palayo at tumalikod saka naglakad.
Pero hindi pa ako nakakalayo nang may maalala. Lumingon ako sa kaniya. He was still standing there, hands in his pocket. "Magdala ka ng condom!"
Pagkasabi no'n naglakad na ulit at walang lingon-lingon na lumabas ng soccerfield.
*
*
Hindi ko alam bakit parang ang bilis lumipas ng oras ngayon, nalamayan ko na lang kasi tapos ang klase ko. Parang gusto kong hilahin ang oras pabalik!
Hindi naman na ako bago sa pakikipag-hook up. I've had s*x with almost every boys I wanted. Pero ngayon lang ako susubok na makipag-s*x sa lalaking hindi ko man lang type!
Pero ako si Violeta Marie Makasiksik! Walang inuurungang laban!
Iniligpit ko na ang mga gamit ko na nasa desk at lumabas ng classroom. Naglalakad ako sa hallway nang maka-received ng message galing sa nerd na 'yon.
Mr. Strange: Meet at the parking lot.
Tunog demanding ang bwiset! Umirap ako bago nag-reply.
Sluteena: K fine.
Lumiko ako sa pathway papunta sa parking lot. Pagdating ko roon lumibot ang tingin ko at nakita siyang nakasandal sa pulang sports car, nakayuko sa cellphone at nag-ta-type roon.
Mr. Strange: Nandito ako.
Imbes na magreply, naglakad ako at huminto sa harapan niya. Mula sa pag-ta-type sa cellphone umangat ang tingin niya sa akin.
Umangat ang sulok ng labi ko. "Mahalaga ang oras ko kaya pakibilisan mo diyan."
Umayos siya ng tayo at binuksan ang pintuan ng driver seat. Umikot naman ako sa kabila at naupo sa front passenger seat.
Umikot ang tingin ko sa loob ng kotse niya. Malinis at mabango roon. Malamig rin. Napansin kong maayos na nakahanger sa handle ang uniform niya habang nasa ibabaw naman ng bag na nasa upuan ang captain cap.
"Aviation ka?" Hindi ko napigilang itanong.
Tumango siya habang nagmamaneho. "Ikaw?"
"Marketing." Tipid na sagot ko.
"Saan tayo?" Tanong niya.
"May alam akong motel malapit lang dito." Pumihit ako paharap sa kaniya. "Nagdala ka ba ng condom?"
"Pwede naman bumili." Kumambiyo siya at nag-park sa isang drugs store. "Ako na lang ang bababa."
Nagkibit ako ng balikat. Mabuti ‘yon. Mamaya may makakita sa amin, sabihin nag-down grade na ako. Uwian pa naman. Maraming estudyante.
"Do you need something?" Tanong niya.
Umiling ako. Nakababa na siya nang may maalala ‘ko bigla. Binuksan ko ang bintana at sumungaw roon. "Yung may spike na condom ang bilhin mo!" Sigaw ko sa kaniya.
Lakas ng boses ko, napalingon yung ibang estudyante na dumadaan.
Kunot noong lumingon naman siya sa akin bago naiiling na pumasok ng drugstore. Nakangusong bumalik naman ako sa pag-upo at isinara ang binata.
Mamaya kasi maliit ang etits ng bwiset na 'yon. Atleast man lang may maramdaman ako!
Hindi nagtagal natanaw ko na siyang lumalabas ng drugstore bitbit ang isang paperbag. Pagpasok sa kotse inabot niya 'yon sa akin.
Kaagad ko 'yong hinalungkat at nakitang anim na pack ng condom ang binili niya. “Ang dami naman nito! Ano ‘to stock ng isang buwan?”
“Hindi ko naman kasi alam kung anong gusto mo. Kaya lahat na lang ng flavor na meron sila kinuha ko.” Kaswal na sagot niya sa akin.
Natigilan ako nang makita ang isang maliit na bote at naloka ako nang makita feminine wash ‘yon. Hindi ko napigilang ihampas 'yon sa kaniya.
"Bwiset ka!”
“What the hell! Stop! Gusto mo ba mabangga tayo?”
“Anong akala mo sa petchay ko lanta?"
Kunot ang noong napalingon siya sa akin. "What's petchay?"
Frustrated akong bumuntong hininga. Ang hirap naman na may kasamang rich kid! Diyos ko! Hindi alam ang mga terminology na pang-kanal.
"Pechay! Ekup! Kepyas! Vajayjay!"
Tumaas ang dalawang kilay niya sa huling sinabi ko. “Oh, v****a?”
“Oo!”
Napapakamot sa batok na namula ang tainga niya. “I didn’t say that… you know? I was just making sure you smell—“
Inihampas ko ulet yon sa kaniya, mas malakas.
“Hey! That hurts.”
“Wag ka na magsalita baka hindi ako makapagtimpi.” Masama ang tinging baling ko sa kaniya. Aba, iniisip pa ata ng gagong ‘to masangsang ang amoy ng anes ko! Bwiset! “Iliko mo diyan sa kanto na ‘yan!” Turo ko sa kaniya nang matanaw ‘yong Chowking.
Lumiko naman siya. Wala pang thirty minutes sinabihan ko siyang pumarada sa harap ng medyo may kalumaang building.
Sumilip at tumingala siya sa labas ng windshield. “What place is this?”
“Motel.” Sagot kong hinubad ang seatbelt ko. I’ve been here once. Hindi dahil sa nakipag-hook up ako kundi napalayas ako ng landlady ko dahil delayed ang bayad ko.
Madalas sa mga nakakahook up ko kasi may mga dorm or apartment sila. Ewan ko rito sa nerd na ‘to, mukhang wala talagang alam sa mga bagay-bagay.
Pababa na ako nang pigilan niya ako. Lumingon ako sa kaniya.
“Bakit? Ayaw mo rito?” Nagtatakang tanong ko.
“Wala bang maayos na lugar?”
Humalukipkip at tinaasan siya ng kilay. “Ako ang tinanong mo, di ba? This is the only place I know. Hindi pwede sa dorm ko. May room mate ako. And ayoko ring nagdadala nh lalaki roon.”
Ilang sandaling natahimik siya bago nagsalita. “Hindi rin pwede sa place ko. For meantime kasi doon nag-stay yung childhood friend ko.”
“Oh, ayon naman pala! Tara na! Huwag ka ng maarte, hindi ka gwapo! Bilisan mo at marami pa akong gagawin!” Naiiritang sabi ko saka binuksan ang pintuan at bumaba ng kotse.
Naglalakad na ako papunta sa entrance nang marinig kong bumukas ang pinto ng sasakyan. Paglingon, nakita kong isinaklob niya ang hood sa ulo at ipinasok ang kamay sa bulsa ng jacket bago sumunod sa akin.
Umirap ako bago pumasok sa lobby ng building. Ngumiti ‘yong babaeng may edad na nasa likod ng kahoy na counter top na siyang nagsisilbing reception.
“Mag-che-check in kami.”
“Ilang oras?” Tanong nung babae.
Nilingon ko siya nang tumayo sa tabi ko. “Ilang oras?”
Umiling siya at yumuko saka bumulong sa akin. “Hindi ko alam. Ikaw ang nakakaalam sa mga ganyan.”
Umirap ako ulit saka nakangiting hinarap ‘yong kahera. “Three hours.”
Bumulong siya ulit sa akin. “Kasya na ba ‘yon?”
Pinangunutan ko siya ng noo. “Bakit apat na oras ka ba bago labasan?”
Namula ang pisngi niya na parang napahiya nang marinig naming tumawa yung cashier.
“Pasensyan na po kayo rito sa kasama ko. Virgin kasi.” Nakangising sabi ko sa babae.
“What the hell!” Mahinang asik niya sa akin.
“Bakit? Totoo naman, ah!” Makaganti man lang sa pagka-bwiset ko sa lalaking ‘to. Inirapan ko siya at tinanong sa babae magkano ang babayaran.
“Three hundred.”
Bumaling ako ulit sa kaniya at inilahad ang kamay ko. “Pambayad.”
Aba, syempre! Libre niya ‘no! Siya na naman itong nagyaya!
Walang reklamo na kinuha niya ang wallet sa bulsa ng pantalon at naglabas ng isang libo roon at iniabot sa akin.
“Keep the change.” Sabi pa niya nang ibigay ko ‘yon sa kahera.
Namimilog ang matang sinundan ko siya habang naglalakad papunta sa waiting area. Maghintay raw muna kami roon.
Iba talaga kapag rich kid!
“Hoy! Sayang yung sukli!” Hindi ko napigilang sabihin sa kaniya.
Napahilot siya noo. “Hindi ka ba talaga tumitigil sa pagsasalita?”
Ngumisi ako. “Sorry ka. Ginusto mo ‘to, diba!”
“Damn! Sinabi mo pa sa cashier na…”
“Virgin ka?”
“It’s a secret, remember?” Naiiritang sabi niya sa akin.
Tinapik-tapik ko siya balikat. “Hayaan mo… mamaya di ka na virgin,” sabay tawa.
Napalingon pa sa amin ‘yong dalawang may edad na couple na naghihintay rin ng kwarto nila.
Gumalaw ang muscle sa panga niya. Pero hindi na nagawang makasagot nang lapitan na kami ng isang staff. Inaya kaming umakyat sa secondfloor.
Paghinto sa tapat ng pinto, iniabot nito sa akin ang dalawang nakatuping tuwalya. Sa ibabaw niyon ay may dalawang sachet ng shampoo, isang pakete ng maliit na safeguard at dalawang bottled water.
“Enjoy!” Nakakalokong sabi pa nung lalaking naghatid sa amin bago umalis.
Nauna na akong pumasok sa kwarto. Malinis naman sa loob at may sariling banyo. I noticed, a hint smell of zonrox, na hula ko ay ipinanlampaso sa sahig. Amoy detergent naman ang bed sheet.
May window type aircon rin na lumilikhang ng kaunting ingay.
Napalingon ako sa kaniya nang maglakad siya papasok sa loob, iniikot ang tingin. Napansin kong sobrang tangkad niya. Sa height kong 5’4, umabot lang ako sa balikat niya.
“So…” anitong huminto sa gitna nang silid, inalis ang hood na nakasaklob sa ulo saka itinuon ang tingin sa ‘kin.“What now?”
Naramdaman kong kumibot ang petchay ko…