PUMIHIT ako paharap sa kaniya. He was standing close to me. Tumingala ako at pinagmasdan ang mukha niya. Noong hindi pa kami nagkikita, iniisip kong gino-goodtime lang niya ako nang sabihing virgin pa siya, but looking at him now… Mukha talagang walang alam ang lalaking ‘to. Base sa ugali at itsura, though di ko nilalahat ang mga nerd— itong isang ‘to, yung tipo ng lalaki na walang panahon sa babae dahil mas gugustuhing mag-laro ng video games. Hindi na ako magpapaka-ipokrita, hindi naman kasi siya panget para walang pumatol. Hindi ko lang kaagad nakita ng maayos ang mukha niya sa mga unang pag-tatagpo namin kaya in-assume ko lang na chaka siya kasi nga nakasalamin at braces. Not to mention he has buff body type. Mukhang suki sa mga gym. “Anong gusto mong matutunan?” “You have the

