Chapter 1

1753 Words
Yuki Nagising ako mula sa ingay na likha ng alarm clock. Pagkadilat ko ng mata, agad kong naalala ang nangyari kahapon. Ang bagong driver. Ang pagkatulala ko sa kanya. Ang pagpapakilala niya. At ang bigla kong pagtakbo dahil sa sobrang ilang at hiyang nararamdaman. It's too early to be embarrassed. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap mamaya. Napabuga ako ng hangin. Pinilit ko na lamang na iwaksi iyon sa aking isipin. Masyado pang maaga para ma-stress ako. Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Paglabas ko ng kwarto ay siya ring paglabas ng kambal. Nang makita nila ako ay agad silang nagtatakbo papunta sa akin. They greeted me. Their room is about one door from my room. Sila ang pinakamalapit sa kwarto nila mommy. We have plenty of rooms here dahil na rin sa marami kami. Parehong bilang naming magkakapatid ang lahat ng mga kwarto. Apat na kwarto sa magkabilaan at isa sa gitnang-dulo na kwarto nila mommy at daddy. Tig-iisa kami ng kwarto maliban sa kambal. Magkasama pa sila sa iisang silid. Sabay na kaming bumabang tatlo at tinungo ang dining area. Parehong nakaupo na roon sina mommy at daddy. We greeted them and kissed their cheeks. "Good morning twins. Morning Princess." Dad greeted us also. The one he's referring princess was me. Nakakatawa nga eh dahil ganoon talaga ang tawag niya sa akin kahit hindi ako babae. Tanggap kasi ni dad kung ano ako. Gender is not a problem to him. Minsan, pakiramdam ko, ang ganda-ganda ko. Umupo na kaming tatlo at nakisabay na rin sa kanilang kumain. Hindi na namin hinintay si Yuri dahil pinakain na daw siya kanina ni mommy. Medyo nilalagnat pa daw kasi siya. Pagkatapos kumain ay pumasok na kami ng school. And I'm happy na pumayag na si Yuri na hindi muna pumasok ngayon. Kailangan niyang magpahinga. Pakiramdam ko lutang na lutang ako matapos ang buong araw ko sa school. Sobra naman kasi ang mga teachers namin porket magse- semestral break na, totorturin na nila kami ng sandamakmak na assignments at projects. Grabe! Walang patawad. Pagdating ng bahay, dumeretso agad ako ng kusina tulad ng dati kong ginagawa. Hindi ko na naabutan ang mga kasambahay sa likod kanina kaya dito na lang ako kumain ng merienda sa kusina. Kaharap ko ngayon si ate Loida na kasalukuyang nag-aayos ng mga lulutuin para sa dinner mamaya. Habang abala sa ginagawa, nakikipaghuntahan ako sa kanya. Napatigil lang kami nang bumukas ang pinto sa likod at niluwa ang dalawang tao. "Sa'n ko po ilalagay ang mga ito, Aling Marga?" Tanong ni Rio kay Nanay Marga habang may bitbit na mga supot. Sumikdo ang dibdib ko. "Diyan lang malapit sa lababo hijo." Wika ng huli na may bitbit namang basket. Sinunod ni Rio ang utos nito. "Ito na ba ang lahat?" Tanong ni Ate Loida sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti. Noon naman niya ako napansin. "Kayo po pala sir Yuki. Magandang hapon po." Aniya at ngumiti na naging dahilan upang bumilis ang t***k ng puso ko. Napatanga ako sa kanya. Napako ang mga mata ko sa gwapong mukha niya. Muli ko itong pinag-aralan. Gwapo talaga. Lalaking-lalaki. From his thick eyebrows, beautiful eyes, pointed nose down to his luscious lips. His jaw were perfectly made like it was carved by a professional sculpture artist. At ang pinakagusto ko ay ang biloy niya sa magkabilang pisngi na lumalabas sa tuwing ngumingiti siya. Tila nahiya siya sa pagkakatig ko sa kanya kaya nag-iwas siya ng tingin at nagpaalam sa amin na lalabas na. Noon naman ako nakaramdam ng hiya sa ginawa ko. Shocks! Tinitigan ko siya ng matagal. Nakakahiya! Nagpaalam na rin ako sa dalawang babae at nagmamadaling pumunta ng kwarto. Awtomatikong napahawak ako sa aking dibdib. Ito na naman. Nararamdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam nang makita si Rio. What is wrong with me? May gusto na ba ako sa kanya? Oh my! Nang gumabi ay hindi na ako lumabas ng kwarto. Magpapahatid na lang ako ng pagkain dito. Mangangatwiran na lang ako kina mommy na masama ang pakiramdam ko. Nahihiya akong makita si Rio. Nahihiya ako sa ginawa kong pagtitig sa kanya na parang kinikilatis ko siya. Ano na kaya ang iniisip niya ngayon sa akin? Baka iniisip niyang may gusto na ako sa kanya. Mas walang mukha na akong maihaharap sa kanya 'pag nagkataon. I was busy surfing in internet when I heard knocks outside my door. Marahil dinner ko na iyan. "It's open!" I shouted. Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Rio. Muntik ko ng nabitawan ang cellphone ko dahil sa pagkagulat. "Good evening po sir." Hindi ako nakapagsalita. "Saan ko po ito ilalagay?" Tanong niya na ang tinukoy ay ang tray na hawak. Hindi pa rin ako sumasagot. Parang may bikig sa lalamunan ko kaya walang lumalabas na boses. Binalingan niya ang bed side table ko. "Diyan ko na lang ilalagay Sir." Nang hindi pa rin ako nagsasalita ay siya na ang kumilos at maingat na inalagay ang tray sa mesa. Pagkalapag ay humarap siya sa akin at agad na nagpaalam. Nagmamadali naman niyang tinungo ang pintuan. Pero bago siya lumabas ay may sinabi pa siya. "Huwag kang magpapagutom Sir ah." Aniya at isinara ang pinto ng kwarto. I left there dumbfounded. Laglag ang panga ko. What was that? PARA AKONG kriminal dahil panay ang sipat ko sa paligid. Baka kasi nasa paligid lang si Rio. Hindi ko siya dapat makita. Hindi pa ako nakakamove-on sa pagkakahiya ko kahapon. Dagdagan pa ng kakaibang nararamdaman ko sa tuwing kaharap ko siya. "Sino bang pinagtataguan mo kuya?" Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot sa tabi ko si Yuri. Napahawak ako sa dibdib ko. "It's like your seeing a ghost." Usal niya at pinaningkitan ako ng mga mata. "Kung hindi ka biglang sumusulpot diyan ay hindi sana ako magugulat ng ganito." She just rolled her eyes. Iniisip naman siguro ng batang 'to na OA ako. "Bakit kasi parang may pinagtataguan ka? Is there someone were chasing you?" "Wala uy. Sino naman iyon aber?" Depensa ko. Nagkibit-balikat lang siya at walang pasabing umalis. Kunot-noong tiningnan ko siya habang palayo. Minsan napapansin ko diyan kay Yuri ay parang ang weird niya. "Sir Yuki!" "Ay kabayo ang lahi mo!" Gulat na sabi ko nang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako rito. "Grabe ka naman Yuki. Hindi kabayo ang lahi namin." Giit ni Ate Sandra. Siya pala ang tumawag sa pangalan ko. "Eh ikaw naman kasi Ate Sandra, bigla-bigla na lang kayong nanggugulat. Uso ba ang gulatan ngayon?" "Ay sorry Yuki." Napatungo siya. "Pinapatawag kasi kayo ng mommy niyo sa office niya." Hayag niya. "Ah ganon ba? Sige pupunta na ako." Tugon ko sa kanya at umalis. "Bakit hindi ka bumaba kagabi Yuki? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni mommy sa akin nang makapasok sa office niya't makaupo sa upuan sa harap ng mesa niya. Bago pa man ako makasagot nakarinig kamin ng mahihinang katok sa pinto. I immediately go there and open the door because I locked it earlier when I entered the office. Niluwa nito ang taong iniiwasan ko. Awtomatikong nagrigidon ang puso ko. "Magandang umaga po sir Yuki." He greeted me but I didn't respond to him. Paano ka pa makakapagresponse eh nakatulala ka na sa kanya. "Let him enter Yuki." Narinig kong wika ni mommy. Noon ko lang narealize na hinaharangan ko pala siya para makapasok. Peri hindi na ako tuluyang nakakilos nang ngumiti siya. Pakiramdam ko naging slow motion ang lahat. Naging blurry ang paligid at tanging siya lang ang nakikita ko. I can stare him like that forever. I just back in myself when I heard mom's voice. "Son, Papasok si Rio. Paraanin mo siya." Uminit ang pisngi ko at umiwas ng tingin kay Rio. Nagmamadali akong bumalik sa inuupuan ko. Strike two na! Nakakahiya. Naramdaman kong pumasok na si Rio at umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko. Pigil ang aking paghinga. Pakiramdam ko, wala akong hangin na nakukuha considering na malakas ang aircon sa loob. "Have you met my son?" Tanong ni mommy kay Rio. Nakita ko ang pagtango ng huli. Nang humarap siya sa akin ay bigla akong nagbaba ng tingin. Bumayo tuloy ng malakas ang dibdib ko. "When?" "Noong unang araw ko po dito, Ma'am." Nagpatuloy sila sa pag-uusap. Nagpaalam ako kay mommy na aalis pero hindi niya aki pinayagan May sasabihin pa raw siya sa akin after nilang mag-usap ni Rio. Really Mom? You're torturing me! Gusto ko sanang sabihin sa kanya. "I checked your resume yesterday. Nakita ko doon na nakapag-college ka na pero hanggang second year first sem lang. Why did you stopped?" "Kailangan ko po kasing magtrabaho ng mga panahong iyan Ma'am. Nagkasakit kasi si tatay no'n at kailangan niya ng pampaospital at gamot. Tapos nag-aaral yung tatlo ko pang kapatid. Walang trabaho si nanay kaya bilang panganay isinakripisyo ko na lang po iyong pag-aaral ko para sa kanila." Mahabang sagot ni kuya Rio. I was amazed on him. Ang bait naman niyang anak. "Ganon ba. Kawawa ka naman pala Rio. So kamusta na ang tatay mo?" "Maayos na po siya ngayon Ma'am kaso hindi na siya pwedeng magtrabaho dahil makakasama sa kalusugan niya. Ako na lang po ang nagtatrabaho sa ngayon." "Napakasipag mo talagang bata. That is why, you let me decide na pag-aaralin ka. You will go to college and finish your study in order for you to help your family." Napatingin ako kay mommy. Pagpapaaralin niya si Kuya Rio? Sabagay, ganyan naman talaga si mommy ever since. Si Janna ay kasalukuyang pinag-aaral niya ngayon. "T-talaga po Ma'am?" Gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Rio. "Yes, Rio." Mom said and smiled in assurance. "Salamat po Maam. P-pero paano po ang pamilya ko kung mag-aaral ako? Walang magtatraba---" Hindi na natapos si Rio sa pagsasalita dahil nagsalita ulit si mommy. "Don't worry Rio. Even you go to school, your salary will be the same. Makakapagbigay ka pa rin sa inyo. Gusto lang kitang tulungan. I always have a big heart to people like you. Dahil katulad mo, ganyan din ako noon. Malaki na rin ang naitulong mo sa factory namin. You deserve it." "Salamat po talaga Ma'am. Malaking bagay po ito para sa akin. Hindi ko po alam kung paano ko kayo pasasalamatan." "Pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo. You don't need to thank me. As what I've said, you deserve it. O siya, pwede ka ng bumalik sa trabaho mo. Sa Monday sasamahan ka ni Yuki na mag-inquire sa school na papasukin mo." Nagulat ako. "W-What?!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD