Yuki
Parang ayaw ko ng umalis ng kwarto dahil sa kabang nararamdaman ko. Unang araw ng semestral break namin ngayon at ito rin ang araw na sasamahan kong mag-inquire ng papasukang university si Kuya Rio.
I call him Kuya Rio because it is the right thing to do. Limang taon din kasi ang agwat namin sa isa't-isa kaya marapat lang na rumespeto ako sa kanya.
Civil Engineering ang dating course niya. Sa tingin ko, matalino siguro siya. Sana nga para mayroon akong malapitan if ever hindi ko na talaga kaya magself-study every examination period lalo na sa math subject.
Kung 'yon ay kaya kong magpapaturo ako sa kanya. As if makakapagconcentrate ako ng maayos kapag nagkataon. Baka mas tutukan ko pa ang mukha niya kaysa sa tinuturo niya. Wala akong tiwala sa sarili ko pagdating sa kanya. Mapapahiya lang ako.
Pero paano na lang 'to mamaya? Ilang oras ko rin siyang makakasama. Makakaya ko kayang pakiharapan siya?
Bakit kasi ang bait-bait ni mommy. Ayan tuloy, napapahamak ako.
Kanina ko pa hawak ang doorknob nitong pinto ng kwarto ko at nagdadalawang-isip kung lalabas ba ako o hindi. Nakapag-ayos na ako at handa na ang suot ko, ako na lang ang hindi.
Gosh! Kinakabahan talaga ako.
Paano kaya kung hindi na lang ako sumama? Mangangatwiran na lang ako na masama ang pakiramdam dahil sa period ko?
Kaya naman na siguro ni Kuya Rio mag-isa at pwede na akong hindi sumama. Pero baka magalit naman si mommy. Kahit naman mabait 'yon, ayaw pa rin niyang hindi sinusunod ang utos niya at isa pa, nakapag-yes na ako. So no choice talaga ako. Imposible namang ikakatwiran ko ang period eh naman ako dinadatnan. Minsan, ambisyosa rin ako e.
Ugh! Nakakfustrate naman 'to.
Rio
Dati akong bodyguard sa isang factory ng mga Alegre malapit sa amin. Sampung buwan akong nagtrabaho roon at ngayon pinalipat nila ako sa bahay nila bilang isang boy. Magiging driver, hardinero, katulong, bodyguard ng mga bata o kung ano pa man. Basta aal around. Umalis na raw kasi iyong dati nilang boy at naghahanap sila ng panibago. Dahil mas malaki ang sweldo ay nag-apply ako.
Pero dahil sa kabaitan ng babaeng amo ko, ngayon, hindi na lang ako basta boy ng mga Alegre, kung 'di, isa ng working student.
Nagulat talaga ako sa offer niya dahil hindi ko naman inaasahan na makakapag-aral pa ako ng kolehiyo. Ikalawang araw ko palang sa bahay nila pero ito na agad ang ibinigay nila sa akin.
Tama nga ang sabi ni Mang Ador---kasamahan ko dati sa factory na mabait ang pamilyang Alegre lalo na sa mga tao nila. Napatunayan ko na 'yon dahil doon pa lang sa factory ay nakita ko na kung paano sila makitungo sa mga empleyado nila. Lalo pa ngayon na bibigyan nila ako ng opurtunidad na makabalik sa pag-aaral. Malaking bagay ito para sa akin at hindi ko talaga ito makakalimutan. Mas lalo ko pang pagbubutihin ang trabaho ko nang sa gayo'y hindi sila magsisi na pinag-aral nila ako. Susuklian ko ang kabaitan nila.
Ngayong araw na ito ay ang araw kung saan magsisimula ang katuparan ng naudlot kong pangarap. Maipagpapatuloy ko na rin sa wakas ang kursong pinapangarap ko simula nang bata pa ako.
Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa malaking bahay. Nasa likod kasi ng malaking bahay ang mga kwarto naming mga stay-in.
Dumeretso ako sa kusina para tanungin si aling Marga kung nakababa na ba si Sir Yuki. Nakakahiya naman na dumeretso agad ako sa kwarto niya baka isipin niyang minamadali ko siya.
Sabi kasi ni Ma'am Fiona, sasamahan daw ako ng anak niya. Nahihiya nga ako dahil makakaabala pa ako kay Sir. Pwede naman kasi na ako na lang ang pumunta pero utos kasi iyon ni Ma'am kaya wala akong magagawa.
Pero nagtataka ako diyan kay sir Yuki kung ano ba talaga siya. Pakiramdam ko kasi hindi tuwid ang kasarian niya. Bakla kaya si Sir?
Siguro.
Pero hindi ko naman siya pwedeng husgahan ng ganoon na lang dahil hindi ko pa naman talaga alam at hindi ko pa siya kilala. Wala ring kaso sa akin kung ganoon siya dahil may kapatid din akong katulad niya kung sakali.
Nang una ko siyang makita ay nagulat ako dahil kamukha niya ang taong iyon. Parehong-pareho sila ng itsura lalo na sa mga mata. Kung mahaba lang ang buhok ni Sir Yuki ay iisipin kong siya na iyon. Pero ayaw ko ng isipin pa dahil matagal ko ng kinalimutan ang taong iyon sa nakaraan ko.
"Hintayin mo na lang hijo, baka kasi nag-aayos pa." Sagot ni manang Marga sa tanong ko.
"Sige ho. Pakisabi na lang din po na kapag bababa na siya, nandoon lang ako sa garahe."
"Sige hijo."
Tumalima ako sa matanda at tinungo na ang garahe para roon hintayin si Sir Yuki.
"Ang tagal naman ata ni sir?" Tanong ko sa sarili pagkatapos ng halos kalahating oras na paghihintay sa kanya rito sa labas. Nag-aalala ako at baka nainis o nagalit siya dahil sa ipapasama siya sa akin. Base kasi sa ekspresyon ng mukha niya noong sa office kami ng mommy niya ay parang salungat siya sa naging tugon niya.
Napapansin ko rin sa kanya na sa tuwing nakikita niya ako ay para akong nakakatakot na nilalang. Minsan tuloy, nahihiya na akong magpakita sa kanya dahil baka kasi tuluyan na siyang matakot sa akin. Tapos sasabihin niya iyon kay Ma'am dahilan para paalisin ako bigla.
Napailing ako. Hindi naman siguro hahantong sa ganoong punto. Napapraning lang ako.
"Rio, why are you still here?" Napapitlag ako nang may pamilyar na boses na nagsalita sa likuran ko. Lumingon ko upang mapagsino ito. Si Ma'am Fiona. Agad ko siyang binati.
"Magandang umaga ho Ma'am. Hinihintay ko pa po kasi si Sir Yuki." Sagot ko rito.
"That kid." Lumabi siya, "ang mabuti pa, puntahan mo na lang siya sa kwarto niya dahil baka hindi pa nagigising ang batang 'yon."
Gusto ko mang tumanggi dahil nga nahihiya ako, wala rin akong nagawa kung 'di ang puntahan si Sir Yuki sa kanya kwarto. Anong oras na rin kasi at wala pa siya. Kanina pa ako naghabilin kay Along Marga.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa labas ng kwarto ni Sir Yuki bago naisipang kumatok. Itututok ko palang sana ang kamao nang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang kanina ko pang hinihintay. Nanlalaki naman ang mga nito nang mabungaran ako.
"Magandang umaga Sir." Nakangiti kong bati sa kanya. Napasinghap naman siya dahil dito at umawang pa ang kanyang labi marahil sa gulat.
Naging tahimik ang paligid naming dalawa. Hinintay ko siyang magsalita pero nanatiling tahimik lang siya at nakatitig sa akin.
Ito na nga ba ang sinasabi ko na hanggat maari, hindi ako magpapakita sa kanya dahil ganito ang nagiging reaksyon niya sa tuwing nakikita ako.
"Sir Yuki, maari na ba tayong umalis?" Tanong ko sa kanya. Parang mali ata ang paraan ng pagkakasabi ko.
Hindi siya umimik.
Mali nga talaga. Nakakahiya Rio.
Hindi pa rin siya nagsalita at ganoon pa rin ang reaksyon ng kanyang mukha.
"Sir?"
Doon na siya nakabawi sa pagtawag ko. "Ahm... M-mauna ka na s-sa baba." Aniya.
"Sige sir." Sunod ko at umalis.
Muli akong naghintay sa garahe. Hindi nagtagal ay dumating na rin siya. Dumeretso agad siya sa loob ng sasakyang gagamitin namin nang walang pasabi.
Nakakahiya na pinagamit sa akin ni Ma'am ang isang kotse nila para sa lakad na ito. Pero sabi niya ay mas mainam na ito ang gamitin para hindi na raw ako mahirapang mag-commute at higit sa lahat, kasama ko rin kasi Sir Yuki.
Pumasok na rin ako sa kotse. Nadatnan ko si Sir Yuki na nakaseatbealt na at nakatingin sa labas ng kotse. Nang makapagseatbelt na rin ay pinaandar ko na agad ang engine at sinabay ko rito ang paghugot ng hangin para maibasan ang kaba.
Kinakabahan ako hindi dahil sa inquiry kundi dahil kay Sir Yuki. Pakiramdam ko'y galit siya sa akin. Alam kong napipilitan lang siyang sumama dahil sa utos ng mommy niya.
Tahimik lang kami sa loob ng kotse habang bumabyahe. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nahihiya akong magsimula ng topic dahil sa tingin ko magmumukha lang akong feeling close kay Sir dagdag pa na galit siya sa akin.
Nagpatuloy ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa pero kalauna'y hindi ko na napagilan ang basagin ito. Hindi ako mapakali sa pagiging tahimik niya dahil baka nga totoong galit siya sa akin. Hindi ko naman gustong mangyari iyon.
"Sir Yuki, galit po ba kayo sa akin?"
Mukhang nagulat siya sa tanong ko dahil napapitlag siya. Napatingin naman siya sa harap at hindi sa akin.
"H-Huh? N-no. I'm not mad at you. Anong klaseng tanong 'yan?"
Sa klase ng sagot niya ay parang galit nga siya.
"Kung galit po kayo sa akin Sir, humihingi po ako ng tawad."
Napatingin siya sa akin pero agad naman niya iyong iniwas.
"N-No. I'm not mad. Hindi po ako galit sa inyo."
"Para kasi kayong galit sa 'kin Sir eh." Giit ko pa.
"Hindi po talaga ako galit sayo, promise. Bakit naman ako magagalit?"
Hindi ako nakatugon. Umiling ako bilang paunang sagot.
"Ah wala po sir, akala ko lang kasi." Sambit ko sabay ngiti.
Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil hindi nga siya galit sa akin. Maya-maya'y nagtanong ulit ako.
"Eh natatakot? Natatakot ba kayo sa akin sir?"
"H-Hindi rin Kuya. Bakit naman ako matatakot sayo?" Sagot naman.
Mas lumapad ang ngiti ko.
"Wala sir Yuki. Akala ko kasi natatakot din kayo sa akin e."
Pagkatapos kong magsalita ay naging tahimik muli ang kotse. Nagpapakiramdaman kaming dalawa. Ilang sandali pa'y hindi ko naman napigilan ang sariling magtanong.
"Sir, ayos lang ba talaga sa inyo na samahan ako?" Napatingin siya ng bahagya sa akin. Hindi siya sumagot bagkus tumango lang bilang tugon. "Kung gusto niyo, ihahatid ko na lang kayo kung saan niyo gustong pumunta. Baka kasi mainip lang kayo kahihintay sa akin. Tawagan niyo na lang ako kapag magpapasun--" Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil nagsalita na siya.
"It's okay Kuya Rio. Besides, utos naman ito ni mom. Don't worry, hindi po ako maiinip."
Bahagya siyang ngumiti bilang kasiguraduhan. Tumango ako.
"Sige Sir, kayo ang bahala. Pero Sir, sinabi ko na sa inyo na maiinip lang kayo doon ha?"
Tumingin ako sa kanya at sakto naman na napatingin siya sa akin. Binigyan ko siya ng isang malapad na ngiti pero umiwas lang siya ng tingin. Ipanagkibit-balikat ko na lamang iyon at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Okay na sa akin na hindi siya galit o takot sa akin.
Nalula ako sa mga malalaking gusali ng unibersidad na pinasukan namin ni Sir Yuki. Dito raw kasi ako unang mag-inquire sabi ni Ma'am. Nakahihiya nga e dahil parang ang mahal ng matrikula dahil isa ito sa sikat na eskwelahan sa bansa.
Naghanap agad ako ng parking space at nang makakita ng pwesto ay agad kong ipinarada ang sasakyan. Unang lumabas si Sir Yuki at sumunod naman ako.
Nauna na rin siyang naglakad. Napakamot na lang ako sa ulo habang nakasunod sa kanya dahil sasamahan talaga niya ako kahit sa loob.
Tinungo namin ni Sir ang Registrar's Office kung saan ako mag-iinquire. Pagdating doon, agad akong nagtanong kung maipagpapatuloy ko pa ba ang pag-aaral ko kahit tatlong taon na ng huli akong mag-aral. Sinabi ng isang staff na pwedeng-pwede pa akong magpatuloy kaya laking tuwa ko nang malaman iyon. Kaso nga lang, may ilang subjects akong hindi maki-credit kung sakali dahil iba ang course description ng mga subjects dito sa school nila. Okay na iyon atleast maipagpapatuloy ko pa ang pagiging second year ko bilang CE.
Balak ko lang sanang mag-inquire pero nagdesisyon na rin akong magtake agad ng exam. Kailangan ito para iebalweyt kong karapat-dapat bang ipagpatuloy ko ang pag-aaral ng dating kurso ko.
Pumunta kami ng Guidance Office ni sir Yuki dahil doon daw ang magbibigay ng sinasabing eksaminasyon. Kinausap muna ako ng officer in-charge bago binigyan ng pagsusulit. Habang nag-uusap kami nito, hindi ko naman maiwasang mapatingin ng ilang beses kay Sir Yuki para tingnan kong nababagot na ba siya. Laking pasalamat ko na hindi naman.
Dinala ako ng Guidance Officer sa isang silid para sa pagsusulit. Bago tumungo roon ay tinanong ko muna si Sir Yuki kung ayos lang bang hintayin niya ako. Okay lang daw naman. Ngumiti pa siya.
Sa unang pagkakataon binigyan niya ako ng tunay na ngiti. Mukhang makakapagkonsentreyt ako nito sa exam nabg dahil ditom
May isang oras ako para sagutan ang isang daang tanong. Bago sumagot ay humugot ako ng malalim na hininga. Nagdasal na rin na masasagutan ko lahat.
Magsisimula na sana akong magbasa nang marinig ko ang boses ni Sir Yuki. Nakatayo siya sa pintuan ng silid na kinaroroonan ko.
"Good luck kuya Rio. You can do it." Sabi niya at nagmamadaling umalis. Medyo nagulat pa ako sa ginawa niya pero ikanangiti ko iyon.
Pakiramdam ko makakasagot ako nito ng maayos na walang iniisip.
Yuki
I can't believe I did cheer for him. Pinuntahan ko pa talaga siya sa examination room para sabihan ng ganoon.
Gee! Nakakahiya!
Hindi ko akalaing magagawa ko iyon? Ang plano ko lang sana ay maghintay dito sa office hanggang sa matapos siya. But something pushed me to do that.
Wala naman sigurong masama kung i-cheer ko siya, right?
Gusto ko ring alisin ang pagkakabahala niya para hindi maapektuhan ang pagkuha niya ng examination.
Kanina kasi habang nasa byahe kami ay panay ang tanong niya kung galit o natatakot ba ako sa kanya.
Why he would think of that? Hindi naman siya kriminal, multo or what not para isipin ang ganoon.
Kunsabagay, hindi ko naman siya masisi kung iyon ang iisipin niya dahil nagiging ganoon ang reaksyon ko sa tuwing nakikita ko siya.
"Are you okay?" Napakislot ako nang magsalita ang Guidance Officer. Curiosity is written all over her face. Pabalik-balik kasi ako ng lakad simula pa kanina nang magsimulang mag-eksam si Kuya Rio.
"I'm okay Ma'am. Sorry po." Paumanhin ko rito at nagmamadaling umupo sa sofa.
Ganoon pa rin ang pakiramdam ko habang nakaupo. Hindi ako mapakali. Antcipation is killing me. Natetense ako para sa magiging resulta ng eksaminasyon ni Kuya.
Lumipas ang ilang minuto ay lumabas ang guidance officer. She informed me that she will going to check Rio. Several minutes passed, she returned together with the latter.
"Wait for the result, I'm going to check it first." Hayag nito kay Kuya Rio at tumungong mesa nito. Agad nitong sinimulan ang pag-check ng exinamination sheet.
Umupo naman sa tabi ko si kuya Rio. As in sa tabi ko talaga. There were three sofas in the room but he choose to sit beside me. Kaya mas lalong hindi ako mapakali. Because of his closeness to where I'm sitting, I got the chance to smell his manly scent again. Ang bango talaga. Even if he's not wearing a perfume, still, he smells really good.
"Ah sir, okay lang ba kayo? Hindi po ba kayo nainip sa akin?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.
Gosh! Para akong nalulunod sa paraan ng pagtitig niya. Aware kaya siya niyan? Sarap dukutin ng mata.
"N-No Kuya Rio, I'm okay."
Ilang minuto ang lumipas nang tawagin ng officer si Kuya Rio para ipaalam ang resulta ng exam niya.
"Congratulations Mr. Rio Dela Rosa. You passed the examination. Maari mo ng ipagpapatuloy ang pag-aaral mo." Nakangiting anunsyo ng guidance officer.
Muntik na akong mapatili dahil sa ipinahayag nito. Thank God at naipasa ni Kuya Rio ang exam. I must say na matalino nga talaga siya. He only got two mistakes out of one hundred items.
Ako dati, nakakadalawang mali rin pero sa Values Education nga lang. Kalahati pa sa amin nun ay nakaperfect.
"Salamat po Ma'am." Nakangiting saad ni Kuya Rio sa babae. Tumayo na rin siya at inaya na akong umalis. Tumango ako bilang tugon.
"Sir salamat nga uli sa pagsama niyo sa akin ha." Sabi niya nang makarating kami sa kotse. Hindi na ata nawala sa mukha niya ang ngiti at nahahawa na rin ako. Iyon lang ay may kung ano akong nararamdaman sa dibdib.
"It's okay." Nahihiyang tugon ko sa kanya sabay iwas ng tingin.
Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko. Malakas ang t***k nito. With that, I felt something very familiar. The familiar beat of my heart makes me stunned. Alam ko kung ano ang ibig sabihin nito dahil naramdaman ko na ito noon.
Hindi kaya'y...
***