prologue
"Eunice Del Valle."
Klarong-klaro ang baritono at malalim na boses ni Professor Hugo Silverio na tinatawag si Eunice, pero kumurap pa ito nang ilang beses nang narinig niyang hinahanap siya para pumunta sa likod ng klase. Malakas kasi ang kutob niyang bagsak na naman siya sa asignaturang pinakaayaw niya sa lahat—ang Chemistry.
"Del Valle," tanong ni Sir Hugo sa mga kaklase niya, nang dahan-dahang tumayo si Eunice mula sa pagkakaupo. Mabagal din nitong nilingon ang propesor, at mahinhin na lumakad patungo sa table niya. Blangko lamang ang ekspresyon ni Hugo habang tinitingnan nito si Eunice na lumalapit sa kaniya.
Nang nakatayo na si Eunice sa gilid ng instructor, bahagyang yumuko si Hugo para sipatin ang grade sheet na nakapresenta sa screen ng laptop niya.
"Come and look at your performance," ani Sir Hugo na hindi tumitingin kay Eunice. Nagdasal nang paulit-ulit ang babaeng estudyante sa utak niya na tumatak sana ang numerong gusto niyang makita.
Kahit tres lang po, basta pumasa ako.
Lumapit siya kay Sir Hugo hanggang masaid ang pang-amoy niya ng nakakalula nitong Tom Ford na pabango. Hindi niya masyadong nasisilayan ang laptop screen, pero natatakot na siyang umisog pa palapit kay Hugo.
Nakakatakot din naman kasi ito—strikto ang hulmado nitong pagmumukha na parang hindi marunong ngumiti, strikto rin sa pagtuturo, at kapansin-pansin ang bihira niyang tangkad, magandang pangangatawan, at postura. Kahit ngayon, maliban sa kaba niyang nararamdaman dulot ng walang kasiguraduhang marka, hindi rin mapigilan ni Eunice na magpigil ng hininga dahil sa umiikling pagitan nila ni Professor Silverio.
"Closer, Ms. Del Valle. You can't see anything from there," sambit ni Sir Hugo na wala pa ring planong lumingon sa estudyante nito. Walang ibang pagpipilian si Eunice kundi umisog palapit kay Sir Hugo na nakaupo sa harap ng laptop niya, pero parang pinaghukluban ng langit ang ekspresyon niya nang tumungo siya at nakita ang nakatatak na numerong katabi ng pangalan niya sa screen.
Eunice Del Valle 3.1 | 74
"Sir, hindi po ako p'wedeng bumagsak. Wala kaming panggastos para kunin muli ang subject," mahinang sabi ni Eunice na mangiyak ngiyak na. Sumisikip din ang dibdib niya, at nangangatog ang tuhod.
Isang puntos. Isang puntos lang ang kulang. Sa dinami-dami ng oras na ginugol niya para magbasa, at sa lahat ng luhang iniyak nito sa mga panahong bumibigay na ang katawan at utak sa kakaaral, hindi pa rin pala iyon sapat?
"I'm sorry, but you're left with no choice," kagyat na sagot ni Sir Hugo.
"Sir, isang puntos na lang po. Baka may magagawa pa ako," pagmamakawa ni Eunice habang pinipigilan ang paghagulhol sa harapan ng Chemistry professor nito.
"I don't do remedial classes, Ms. Del Valle..." ani Hugo, pagkatapos magpakawala ng buntong-hininga. Unti-unti nang dumadaloy ang luha ng mag-aaral sa harapan niya.
"Unless..." tiim-bagang na dugtong ni Hugo. Napansin ni Eunice na kinukuyom ng propesor ang kamao niya.
"Sir?" tanong ni Eunice. Sumibol ang pag-asa sa kaibuturan ng puso niya. Baka nga pagbibigyan siya ni Sir Hugo sa pagkakataong ito.
"Unless you let me f*ck you," bulong ni Sir Hugo, bago tuluyang tumingin sa estudyante niya sa unang pagkakataon magmula nang tumabi ito sa kan'ya.
Nagulat si Eunice sa sinabi ng kagalang-galang nitong guro, pero mas napamaang siya sa nangungusap na titig nito—na para bang wala siyang ibang dapat isagot kundi ang sumunod sa kagustuhan niya.