Kabanata 16

1955 Words
"Wow! Congrats Sel!" Tuwang-tuwa si mama dahil sa pinakita kong matataas na gradong nakamit ko sa kabila ng aking pag-aaral. Masaya rin ang loob ko dahil nakikita kong ganito kasaya si mama. Miss na miss ko na talaga siya. At syempre namiss ko rin ang dalawa kong kapatid na sina Harvey at kuya Macoy. Hinanap ko kung nasaan si papa pero ang sabi ni mama nagta-trabaho daw siya bilang isang karpintero sa kabilang bayan. Proud na proud ako sa papa kong iyon dahil kahit na nagkakarpintero lang siya, nagawa niya pa rin akong mapag-aral sa kolehiyo. Ang akala ko nga hanggang high school na lang ang matatapos ko. Pero laking pasasalamat ko kay papa, dahil sa kanya nakatuntong ako ng kolehiyo at maabot ko ang pangarap ko pagdating ng panahon. "Kuya kumusta doon sa Maynila? May girlfriend kana siguro doon?" Siniko ako ni Harvey na nasa tabi ko lang. Siya ang bunso sa aming tatlo na magkakapatid. Napatingin sila lahat sa akin kaya naman natawa na lang ako sa tinanong ni Harvey. "Wala. Aral muna bago landi." Ginulo ko ang buhok ni Harvey. "Asus, wag mo na saming ilihim Russel." Pagpupumilit ni kuya Macoy na paaminin ako. Pero wala naman talaga kasi akong aaminin. Di naman ako nagkaroon ng karelasyon sa Manila. Nagkaroon ba ako? Hindi naman diba? Hindi naman naging kami ni N. At ang alam ko naging parausan lang naming ang isa't-isa at hanggang dun lang yun. "ANO BA!" inis ko sa sarili kong isip. Naaalala ko na naman ang lalaking iyon. Unti-unti ko na nga siyang nakalimutan eh. Pero unti-unti na namang bumalik ang kanyang ala-ala sa isipan ko. s**t! Mali ito. Ayoko nang magpakahibang pa sa lalaking iyon. Wala siyang kwenta. Sinungaling! "Okay ka lang kuya Russel?" tanong sa akin ni Harvey. Nasa kwarto niya ako ngayon at nagpapahinga. "Kanina pa malalim ang iniisip mo eh. Para kang galling sa broken kuya eh." Panloloko sa akin ni Harvey. "Loko ka talaga Harvey. Hindi ako galling sa broken dahil wala naman akong naging kasintahan sa Maynila. Iniisip ko lang talaga kung saan ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Kung dito bas a Cebu o babalik pa rin ako sa Maynila at iiwan ko na naman kayo?" napasinghap ako ng malalim. "Ayoko naman na iwan kayo ulit, nami-miss ko na kayo sobra." Malungkot kong pagkakasabi. "Mas mami-miss ka ng jowa mo sa Maynila kaya bumalik kana roon." Humalakhak siya. "Wala nga akong syota doon." Tumawa ako. Tinawanan ko na lang ang mga pangako ni N para sakin. "At isa pa, mas importante kayo kesa sa pagjo-jowa. Kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral para sa future ng pamilya natin." Dagdag ko pa. "Baka ikaw na itong may jowa huh? Bata-bata mo pa wala ka pa sa legal age." Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala noh!" pag-deny niya. Nahalata ko naman ang pamumula ng kanyang mga pisnge. "Ay sus, deny pa. Namumula ka totoy." Natatawa kong sabi. "Ipakilala mo naman siya sakin. Sakin lang naman di kita isusumbong sa kanila." "Di pwede kuya." Umiling-iling siya. "Aba at bakit naman? Wala kabang tiwala saken?" "Di patas iyon! Dapat sabihin mo rin sa akin ang naging jowa mo sa Maynila." Wika niya. Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol kay N kaso hindi pwede. Ayokong ginugulo ako ng taong iyon sa utak ko. Gusto ko na siyang kalimutan. Gusto ko nang makatakas sa ala-alang iyon. Ayoko nang kulungin pa ang sarili ko sa pag-ibig na mukhang imposible at wala akong pag-asa. "Wala nga kasi. Walang magkakagusto sa akin doon." Ang sabi ko. Ngunit hindi pa rin siya tumigil sa pagpupumilit. "Di pwedeng wala. Sa gandang lalaki mong iyan kuya walang papatol sayo na babae?" tumaas ang kilay niya. "O baka naman suplado ka kaya hindi ka malapitan ng mga chicks." Humalakhak siya ng pagkalakas-lakas. Binatukan ko siya. "Aray naman! Mapanakit ka kuya!" pagmamaktol niya sabay nalungkot amp. "Sorry na ikaw kasi eh." Inamo ko na. Naawa naman ako dahil matampuhin talaga itong kapatid ko. "Okay lang kuya sanay na ako." Pagda-drama niya. "Ang drama mo huh?" ginulo ko ang buhok niya. "Nag-aaral kaba ng mabuti? Eh si kuya Macoy kumusta? Kumusta naman kayo dito?" sunod-sunod kong pagtatanong. "Ayos lang naman kami. Oo, nag-aaral ako ng mabuti. Saka next school year senior high na rin ako. Si kuya Macoy ayun nagta-trabaho na sa fast food chain." Tugon naman niya. Natuwa naman ako dahil nalaman kong maayos lang ang lagay nila rito. At si kuya Macoy, mukhang malaki na ang pinagbago niya. Dati ang tamad-tamad nun mag-aral pero ngayon nagsisikap na siya magtrabaho para sa pamilya. Shit! Nakalimutan kong may sariling pamilya na rin pala si kuya Macoy. Sa edad nitong 19-anyos ay maaga itong nakabuntis. Kaya ayun, todo trabaho siya para sa kaniyang pamilya. "Harvey? Asan si baby? Yung anak nila kuya?" tanong ko naman. "Nasa kabilang bahay bak-" magsasalita pa sana siya nang mabilis akong nagsalita. "Tara samahan mo ako dun." Malapit lang mula rito sa bahay naming ang bahay nila kuya Macoy. Pagkapasok naming sa kanilang bahay ay agad bumungad sa amin si ate Lynn buhat-buhat ang kanyang sanggol. Masaya ko itong nilapitan at binati. Nilawayan ko rin ang paa nito upang hindi ko mausog. "Hi baby Prince! Gwapo-gwapo naman nitong baby na 'to." Nanggigil ako at binuhat ko ang baby. Maganda si ate Lynn at may itsura din si kuya kaya naman ganito kagwapo ang kanilang anak. Mala-anghel at talaga namang napaka-cute. "Ilang months na 'to ate Lynn?" pagtatanong ko. "Mag si-six months na Russel." Tugon nito. Bigla ko tuloy naalala si N at ang haliparot niyang babae na si Raiza. Ganito rin kaya magiging ka-cute ang kanilang anak? Hays. Bakit ko ba sila iniisip? Dapat kalimutan ko na ang dalawang iyon. Malayo na ako sa kanila kaya dapat sinasanay ko na ang sarili kong wala sila sa tabi ko. "Ang cute naman anong pangalan nito?" "Nathaniel A. Gabriel." Mabilis na tugon ni Harvey. Kasama ko nga pala ang kapatid ko papunta rito. Nagulat ako sa sinabi niya at agad na kumunot ang noo ko. "Ano? Anong sabi mo Harv?" pagtatanong ko. "Uulitin ko pa kuya? Nathaniel nga!" inis niyang sabi. "Binge ka? Ulitin ko pa ba?" mataray nitong sabi. "Hmp! Wag mokong tarayan diyan ah. Wala kang allowance saken. Joke!" pagbibiro ko. Nagtawanan kaming tatlo kasama si ate Lynn. Pero sa likod ng mga tawa ko, biglang may nag-flashback sa utak ko. Gusto ko nang alisin ang pangalan na iyon sa utak ko pero bakit kasi naging NATHANIEL din ang pangalan nitong batang hawak ko? Kabanata 16 Pangalan "Bakit? Anong problema kanina kuya Russel?" tanong ni Harvey. Pabalik na kami ng bahay ngayon pagkatapos naming dalawin ang baby nila kuya Macoy at ate Lynn. "Huh? Problema? Wala naman Harv bakit?" "Sigurado ka? Parang may problema ka sa pangalang NATHANIEL eh." Tumawa siya. "May naka-away ka sigurong NATHANIEL." Dagdag pa niya. Nakakainis 'tong kapatid ko. Talagang dinidiin pa niya ang pangalan na kinaiinisan ko. Bwiset naman na pangalan yan bakit pa kasi nauso. "Wala. Ang ganda kayang pangalan nun." Sabi ko. "Ng alin?" ngumisi si Harvey. "Nung anak nila ate Lynn at kuya Macoy." Tugon ko naman. "Bakit ba ayaw mong banggitin ang pangalan na iyon? Bakit parang kasalanan sa iyo ang pagbanggit ng pangalan na iyon kuya?" tanong niya. "Wala nga. Ang haba kasi ng pangalan kaya ayoko banggitin." Pagsisinungaling ko. "Ahh gusto mo shortcut?" tanong niya at napaisip pa ang mokong. "Hmm, edi NATHAN na lang ang itawag mo kay baby?" suhestiyon niya. "PUTA!" mura ko sa isip ko. Mababaliw na ata ako kapag naririnig ko ang pangalan na yun. Parang gusto kong sapakin ang kapatid ko dahil binanggit niya ang pangalan na iyon pero hindi pwede. Act normal bes. "Oh? Natahimik ka naman kuya." Ngumisi ulit siya. Nasa tapat na kami ng bahay ngayon at hindi pa rin tapos ang aming usapan. "Ahm, papasok na ako Harvey. Pagod ang kuya kailangan magpahinga." Wika ko at mabilis akong pumasok ng bahay. Pumasok ako sa kwarto ni Harvey at ni-lock ko ang pinto. Gusto ko munang mapag-isa. Sumampa ako sa kama at nahiga. Maya-maya ay biglang may luhang umagos na sa mga mata ko. Pinipigilan kong umiyak pero bakit ba patuloy pa rin ang pagptatak ng mga luha ko? Naiiyak ako at iniwasan kong humagulgol para hindi nila marinig sa labas. Wala akong boses na umiyak. Pero ang masakit pala sa loob kapag hindi ko nilabas ang boses ko at umiyak ng malakas. Pinilit kong hinaan ang pag-iyak ko upang itago sa aking pamilya ang kahinaan ko. Ayokong makikita nila akong umiiyak nang dahil lang sa lalake. Lalo na ngayon, hinde ko alam kung pabor ba sa kanila ang pakikipagrelasyon ko sa lalaki lalong-lalo na ang katauhan ko bilang isang bisexual. "KNOCK KNOCK KNOCK!" rinig ko ang pagkatok ng tatlong beses sa pinto. Alam kong si Harvey iyon kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Act normal ulit bes. "Ano yun? Nagpapahinga ako eh." Pagbungad ko. "Kuya umiyak kab-" naputol ang pagtatanong niya. "Hinde." Matigas kong sabi "Talaga? Halata kuya wag mo na i-deny." Aniya pero hindi ko siya pinakinggan. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kanyang kama. "Umiyak ka siguro dahil sa lalake tama ba?" Gulat ako at napatingin sa kanya. Naka-ngisi ito. "Umiyak ka dahil ba sa pangalang Nathan?" tumaas ang kilay nito. "Sabihin mo yung totoo kuya, atin lang naman ito eh." "Ano ba Harvey di ka talaga titigil sa pagtatanong? Makulit ka talaga eh noh?" inirapan ko siya at tinakpan ko ng unan ang ulo ko para hindi ko siya makita't marinig. "Hinde ako titigil hangga't hindi mo sinasabi ang totoo kuya. Halata ko na kanina, di mo mabanggit-banggit ang pangalang NATHAN. Di ko sinabing jowa mo yun ah baka kaibigan mo lang yun. Basta ang alam ko umiiyak ka dahil naalala mo ang pangalan na yun. Siguro nasaktan ka niya? Siguro nag F.O kayo ng tropa mong si Nathan?" WHAT? Paulit-ulit niya talagang binabanggit ang pangalan na yun. Nabibingi na ako dahil sa paulit-ulit na pagbanggit ng pangalang yun. "Harvey kung ano-ano iniisip mo noh?" napiyok ang boses ko. Tumawa naman siya ng malakas dahil sa pagkapiyok ko. "Tangina ano ba? Ano bang gusto mo malaman huh?" muli akong umiyak. "Kuya naman eh, ba't kaba naiyak? Naiiyak din ako eh." "Iwan mo muna ako rito please. Gusto kong mapag-isa." Utos ko. "Eh kuya-" "UMALIS KA MUNA HARVEY! At wag na wag mong sabihin sa kanila na umiiyak ako. Wala 'to! Wala lang 'to! Pramis. Sige labas na!" sigaw ko at sa wakas ay lumabas din siya. Nang mapansin kong mag-isa na lang ako ay doon na ako humagulgol sa iyak. Bumalik lahat ng ala-ala namin ni Nathan, lahat ng mga ginawa kong pagpapaligaya sa kaniya muli na namang bumalik sa isipan ko. "Am I not enough?" tanong ko sa sarili ko. Bigla kong naalala ang pamangkin kong magsi-six months. Iyon nga, iyon nga pala ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Nathan. Dahil hindi siya makakabuo sa pwet ko, kaya naghanap siya ng kweba na kung saan mabibigyan siya ng anak at mapaparami niya ang kanyang lahi. Hindi na healthy 'to. Dapat na akong magmove-on. Dapat ko nang tanggapin na imposibleng maging kami ni Nathan sa panghabangbuhay. Imposible ang pangarap ko na maging kami hanggang sa huli. Kailangan ko nang tanggapin na kahit kalian hinding-hindi para sa akin ang pangalan ng lalaking NATHAN ALVAREZ. Oo pinagtagpo nga kami pero hindi kami ang itinadhana. At yun ang totoo na kailangan kong tanggapin. At dapat kalimutan na ang mga ala-ala upang hindi na ako masaktan. Upang hindi na ako ulit umiiyak ng ganito. Kailangan kong tatagan ang sarili ko. May bagong bukas pa na naghihintay para sakin. Hindi ko dapat kinukulong ang sarili ko sa kahapon. ALL RIGHTS RESERVED 2018 written by kuyamarkxxx
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD