Kabanata 9
Isang Saglit
Ang bilis ng mga pangyayari. Noong una kaming magkita ni Nathan sa restroom, akala ko isa lang yung normal na pangyayari pero hindi. Hindi ko inaasahan na matitikman ko ang isang katulad niyang gwapo, sweet at napaka-hot. Hanggang sa dumating ang isang pangyayaring hindi ako makapaniwala. Na akala ko panaginip lang ang lahat.
Akala ko hanggang f**k buddy ko na lang talaga si Nathan pero napakapalad ko dahil mahuhulog ang aming loob sa isa't-isa at ito na yata ang pinakamagandang ibinigay sa akin ng tadhana. Si Nathan na talaga siguro ang nakatakda para sa akin.
Hanggang sa dumating ang isang gabi. Isang gabing nagkaroon ako ng pagkakamali. Dahilan para maglaho ang panaginip ko, mawala ang pangarap ko. Ang mawala si Nathan sa piling ko.
"Anyare? Bakit broken hearted ang fafa Russel namen?" pang-aasar sakin ni Thea. Kasama ko sila ngayon sa isang bar kung saan nagwawalwal kami kasama ang iba ko pang kaibigan.
Dinamayan at ni-comfort din ako ni Noah. "Okay lang yan, nandyan pa naman si Nico eh." sabay turo niya kay Nico at sabay silang humalakhak. Hindi ko na lang sila pinansin at inaalala ang nangyari noong isang gabi.
[FLASHBACK]
"Pwede bang kahit isang saglit?" Alam ko ang balak niya kaya nagawa ko siyang itulak.
"Kung hindi ka magiging sakin kahit kailan o habangbuhay, sisiguraduhin ko ngayong gabi magiging sakin ka kahit isang saglit o sandali lamang." Mabilis niya akong nilapitan para dampian ang mga labi ko. Masyadong mapusok humalik si Patrick at talagang natu-turn on ako sa ginagawa niya. Alam kong mali pero masyado na akong nadala at naakit sa mainit niyang paghalik na ginagawa niya sakin.
[END OF FLASHBACK]
Hinawakan ko ang labi ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mangyare sa amin yun ni Patrick. Hindi man lang ako natauhan na mali ang ginawa kong pagpatol sa kanya.
Binatok-batukan ko ang sarili ko habang umiiyak. Nang dahil sa gabing iyon, nawala si Nathan sa akin. Wala na ang panaginip ko. Wala na ang f**k buddy ko. Wala na rin akong ka M.U. At higit sa lahat wala nang nagmamahal sakin.
"Okay ka lang ba Sel? Kahit batukan mo pa yang sarili mo hinding-hindi na babalik sayo si Nathan. Tanggapin mo nalang kasi." Parang napunit at nawasak ang puso ko dahil sa sinabi ni Thea. Gustong-gusto ko tuloy magwala at sumigaw ngunit nagpipigil ako.
Kinuha ko ang isang bote ng Fernet at nilaklak ko. Pinigilan ako nila Noah at Nico kaya naman hindi ako nagtagumpay na ubusin ang laman ng bote ng Fernet.
"Pre tama na nga, umuwi na lang tayo." pinapatayo ako ni Noah pero tinulak ko siya ng malakas.
"Ano ba?! HAYAAN NIYO NGA AKO!" malakas kong sigaw kay Noah.
"Don't worry Russel, makakalimot ka rin. Ganyan talaga sa una. Mahihirapan kang maka-move on sa kanya lalo na't mahal mo pa rin siya." ang sabi naman ni Phoebe na katabi lang ni Thea.
"OO nga, why do'n't you join us nalang?" ani Thea at sabay silang tumayo ni Phoebe. "Maghahanap kami ng boys somewhere. Let's go b***h!" aniya at umalis silang parehas ni Phoebe sa kinauupuan namin. Kaming tatlo na lang nila Nico at Noah ang natira. Bigla na naman akong natulala at inalala ang nangyari noong isang gabi.
[FLASHBACK]
"Leave Nathan please, ako naman ang pansinin mo. Ako naman ang mahalin mo Sel." sabi niya sa pagitan ng paghahalikan namin.
Medyo natauhan ako at naitulak ko siya ng bahagya. "Ano ba? Mali itong ginagawa natin. Si Nathan lang ang gusto ko. Si Nate lang ang mahal ko Pat. Kaya hinding-hindi ko siya magagawang iwan." sabi ko. Aalis na sana ako ng kwarto niya ang kaso nagawa pa niya akong hilahin pabalik.
"Leave him. Hindi ka niya mahal, ginagamit ka niya para mapalapit kay Thea! Wag kang magtanga-tangahan Russel! Ginagamit ka lang din niya bilang parausan-" hindi niya natuloy ang sinabi niya dahil naunahan ko na siya ng suntok. Sinuntok ko siya dahilan para tumumba siya sa sahig.
"What are you doing Imbecile!" ang sabi ni Rusty nang pumasok siya sa kwarto. "Hey you." tinuro niya ako. "Wag mong sirain ang birthday ko! Umalis ka dito! Ayoko ng gulo!" nilapitan niya ako at pilit na pinagtutulak hanggang sa makalabas ako sa kwarto.
Nakita ako ng maraming tao na pinapalayas ako ni Rusty sa bahay nila Nathan. Isa rin si Nathan sa nakakita. Tutulungan na sana niya ako nang magsalitang muli si Rusty. Salitang hindi maganda sa pandinig ni Nathan at talagang nagbago ang tingin niya sa akin nang dahil don.
"Yan! Yang taong yan!" tinuturo ako ni Rusty. "Palayasin niyo yan dito, pagkatapos niyang halikan ang pinsan ko susuntukin niya lang? Ayoko ng gulo. Paalisin niyo yan dito!" malakas na sigaw ni Rusty.
Napatingin naman ako kay Nathan at umiling-iling lang siya. Nagulat siya sa kanyang nalaman. Bigla siyang umalis nang walang paalam. Hindi ko na siya nagawang habulin dahil magiging useless lang din ang lahat. Kahit habulin ko pa siya, hindi na siya babalik sakin. Wala eh, sinira ko na. Sinira ko na ang tiwala niya sakin.
[END OF FLASHBACK]
"Okay lang yan tol, nandito pa kami ni Nico." inakbayan ako ni Noah sa balikat pero tinanggal ko yun agad.
"Sandali lang tol, tinatawagan ako ng kaibigan kong si Alfred." paalam naman ni Nico at lumayo muna siya samin.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Noah. Kaming dalawa lang naman ni Noah dito at siya nalang ang tangi kong masasandalan sa mga problema ko.
Niyakap ko siya at doon ko na ibinuhos ang mga luha ko. Tinatapik naman niya ang likuran ko at talagang sobrang concern ni Noah sakin. "Di ko na kaya. Nasira ko na yung tiwala ni Nathan, nasira ko pa yung birthday ni Rusty. Nasira ko pa yung pagkakaibigan nila Nathan at Patrick. Tangina, kasalanan ko talaga 'to." humagulgol na ako sa pag-iyak.
"Ssshh... Okay lang yan. Lilipas din 'tong mga problema mo. Magiging okay rin ang lahat. Isipin mo na lang na pagsubok lang ito para sa inyo ni Nathan." ani Noah sabay gulo niya sa buhok ko.
Medyo bumuti ang pakiramdam ko dahil kay Noah. Nagpapasalamat ako dahil kahit papano may natitira pa pala akong kaibigan. May nagmamahal pa pala sa akin. May mga tao pa palang nandyan para i-comfort tayo. At para damayan tayo sa lahat ng mga pinagdadaanan nating mga pagsubok. Gaano man kabigat ang problema. Gumagaan dahil sa isang kaibigan. Dahil sa isang kakampi. Sila ang magtuturo sa atin kung paano buksan ang ating mga puso.
Ilang araw na ang lumipas. Hindi ko na ma-contact si Nathan. Hindi ko na rin siya nakikita sa school. Hindi niya talaga siguro ako gustong makita. Sobrang nagsisisi ako dahil binalaan na ako ni Nathan na lumayo-layo kay pero hindi ako nakinig. Nagkamali ako, at sana may paraan pa para maayos ang lahat. Para bumalik sa dati ang lamig at muling uminit.
Hindi na rin ako lumalapit kay Patrick. Tinitiis ko na lang ang mga oras na kasama ko siya sa loob ng apat na sulok ng kwarto. Hindi na rin kami nag-uusap dahil sa nangyari noong nakaraang gabi. Palagi na niyang kasama yung pinsan niyang hambog na si Rusty. Studyante rin pala siya rito at HRM din ang course niya. Doon ko nalaman na kaklase niya pala si Nathan. Gustuhin ko man itanong sa kanya kung ano na nangyari kay Nathan, hindi ko rin magagawa. Sinira ko ang birthday niya.
Nakatayo ako rito sa field at nag-iisa. Gusto kong hanapin si Nathan ang kaso hindi ko alam kung saan ba siya hahanapin. Mas mabuti rin sigurong wag ko muna siyang guluhin at hintayin ko munang mawala ang galit niya sakin. Napatingin ako sa isang bench. Nandon sila Rusty at Nathan na nag-gigitara. Gusto kong humingi ng tawad habang maaga pa. Habang hindi pa huli ang lahat. Kaya naman nilakasan ko na ang loob ko na lumapit sa kanila. Bahala na kung magkasapakan pa kami rito.
"Rusty." pangalan pa lang ang nasasabi ko nang biglang tumayo si Rusty at akmang sasapakin ako. Inawat naman siya ni Patrick.
"Rusty, nasa campus tayo. Tumigil ka!" pag-aawat sa kanya ni Patrick.
"Babasagin ko talaga ang mukha neto! Ang kapal nang mukhang magpakita pa sa atin." galit niyang sabi.
"Gusto ko lang humingi ng pasensya. Pasensya sa nagawa kong pagsira sa birthday mo. Pasensya na kung nagkaron ng gulo." napayuko ako sa hiya.
"Tapos kana ba?" tanong niya at tumango lang ako. "Now get lost!" sabi niya at tinulak niya ako ng malakas dahilan para tumumba ako. Pinagtawanan lang ako ni Rusty pero si Patrick sumisenyas na umalis na raw ako.
"USELESS! f*****g USELESS!" sigaw ko sa sarili ko sa salamin habang nasa restroom. Nasayang lang ang oras ko. Hindi na sana ako humingi ng tawad. Napakasama ng ugali nung Rusty na yun.
"Ang dating walang hanggan."
"Nagkaroon ng katapusan."
Pamilyar ang boses ng nakatantang iyon. Palagay ko'y nasa loob siya ng cubicle at doon nag-gigitara. Dinikit ko ang tainga ko sa isang pinto kung saan malaya kong maririnig ang kanyang pag-awit.
"Sana'y pakinggan mo."
"Ang awit ng pusong ito."
Napaluha ako. Hindi ko na kaya. Si Nathan ang nasa loob ng cubicle na ito. I f*****g miss those memories when we first met. Gusto kong ibalik yung dati. Pero paano? Paano ko ba maibabalik ang tiwala ni Nathan sakin?
Hindi ko na kinaya ang pagluha ko kaya naglakad na ako papalabas ng restroom.
"Teka saglit!" napahinto ako nang sumigaw si Nathan. "Alam kong nandyan ka. Alam kong nakikinig ka." aniya at lumabas na siya ng cubicle dala-dala ang kanyang gitara.
Na-miss ko na siya. Na-miss ko na ang amoy niya, ang pawis niya, ang mga labi niya. Tangina lahat-lahat na-miss ko na.
"N-Nathan. S-Sorry." maluha-luha akong lumapit sa kanya para yakapin ko siya ng mahigpit. Ngunit nabigo lang ako.
Tinulak niya ako ng malakas. "Hugs? Do you want my f*****g hugs?!" tanong niyang pasigaw. "Tangina, Russel. Ang unfair mo naman, nagtiwala ako sayo ng sobra-sobra. Pero ito ibabalik mo sakin? Masakit Sel! Masakit!"
Hindi ako nakapagsalita at lalo akong napaluha.
"Mas pinili mo siya di'ba? Sinabihan na kitang lumayo kay Patrick pero hindi ka nakinig. Nakakainis, mang-aagaw talaga ang hayop na yun." inis niyang sabi. "Alam mo bang yung nililigawan kong babae noong highschool, tinalo niya rin! Hindi ko talaga mapagkakatiwalaan si Patrick." pinatong niya ang giatara niya sa may sink.
"S-Sorry Nathan." nilapitan ko ulit siya para yakapin. Hinayaan niya ako sa gusto kong gawin habang siya nakatingin pa rin sa salamin.
"Tangina, isa pa talagang lapit niya sa pagmamay-ari ko. Makakatikim na siya sakin." aniya at nagulat ako nang halikan niya ang noo ko. Akala ko hindi na siya babalik. Akala ko tuluyan na siyang mawawala sakin.
"Nate? Pwede ba kitang halikan kahit isang saglit."
"Oo pero, linisin mo muna yung parteng hinalikan diyan ni Patrick." akala ko'y seryoso siya pero ngumisi lang siya.
Muli ko na namang nalasap ang tamis ng halik ni Nathan. Muli ko na namang nalasap ang nakakalasing niyang paghalik. Sobra-sobra ang pagtibok ng puso ko dahil sa saya na nadarama ko.
Bumalik ang baby Nathan ko. At ipaglalaban namin ang pag-iibigan naming dalawa kahit na sa paningin ng iba'y hindi tama. Kahit ilang beses pa kaming i-bash, hinding-hindi kami mahihiyang lumabas para ipagsigawan na mahal na mahal namin ang isa't-isa.
MASUSUNDAN........