Kabanata 8

2110 Words
Kabanata 8 Paano Mo Nasabe "Stop na Nathan. Pupunta pa tayo sa inuman." sabi ko at natigilan naman siya sa paghalik. "What? No! Na-miss na kita sobra. Biruin mo 2 weeks pa lang yun, paano pa kaya kapag months tayong hindi nagkausap at nag-iiwasan?" aniya at babalik sana siya sa paghalik ngunit tinulak ko siya ng bahagya. "Nope. Mamaya na ulit. Kailangan natin pumunta don sa inuman. Sabihin na natin ang dapat nating sabihin ok?" Wala na siyang nagawa pa at tumango na lang. Nagbihis na ako ng susuotin ko papunta sa inuman. Naalala kong naka-sando at jersey shorts lang si Nathan pero kahit ganon ang bango-bango niya pa rin at nakakahumaling ang tindig niya. "Ayan na outfit mo?" tumaas ang kilay ko. "Oo, okay na 'to siguro." napasinghap siya. Sabay kaming naglakad ni Nathan patungo sa Mercury Drug kung saan naghihintay si Patrick. Bawat nakakasalubong namin ni Nathan ay napapalingon samin. Pero dedma lang kami. Ang iba pa nga ay nagbubulong-bulungan habang nakatingin sa amin pero hindi na namin iyon pinapansin. Diretso lang naming nilalakad ang daan patungo sa EDSA. "Uy Russel, Nathan!" sigaw ng isang lalaki samin nang makarating na kami sa Mercury Drug. Lumapit ito sa amin at nakipag-high five. "Magkasabay pala kayong dalawa?" napaka-obvious niyang tanong. Hindi ba niya nakikita na magkasabay lang kami. Weird talaga nitong si Patrick. "Oo." ani Nathan habang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Di'ba Sel?" tumingin siya sa akin at ngumisi. Nalaglag ang panga ni Patrick sa kanyang nakita. Para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Nathan. "Ano bang sasakyan natin Pat?" tanong ni Nathan habang nakahawak pa rin siya sa kamay ko. "Ah. Eh. Jeep lang pre. Papuntang Nichols." tugon ni Pat habang nakatingin pa rin sa mga kamay naming mahigpit na magkahawak. Sumakay na kami ng Jeep papunta sa Nichols. Mabilis lang naman ang biyahe at nakarating na rin kami sa lugar ni Patrick. Naka-akbay sa akin si Nathan habang naglalakad kami patungo sa bahay ni Patrick. Tahimik lang siya dahil na-OP siya sa usapan namin ni Nathan tungkol sa pagtugtog niya ng gitara kanina. "Kailan ka pa natuto?" tanong ko. "Hmm, siguro mga high school pa lang. My dad taught me." "Turuan mo naman ako. Kahit basic chords lang Nate?" "Oo naman. Kapag may time. Mamaya sa bahay nila Pat, mukhang may gitara sila eh." Natigilan si Pat sa paglalakad kaya tumigil na rin kami. "Nathan? Pwede ko bang makausap si Russel saglit lang. Mauna ka na sa bahay." "Sige. Maya ulit." sabay alis ni Nathan at naiwan kaming dalawa ni Patrick. WHAT! ALAM PALA NI NATHAN ANG BAHAY NI PATRICK? HOW COME? AY OO NGA PALA MATAGAL NA SILANG NAGING MAGKAIBIGAN. Umubo siya sandali bago magsalita. "Ahm. So, gusto ko lang sabihin na.... Naging magkaibigan naman tayo this past weeks hindi ba? Gusto ko lang eh.... Maging tapat ka sakin as a friend." Huminga siya ng malalim bago ulit magsalita. "Kayo ba ni Nathan?" Hindi ako agad nakasagot. Napatingin ako sa isang apartment sa tapat ng kinatatayuan namin ni Patrick. Nakita ko si Nathan sa balcony ng second floor, doon yata ang bahay nila Patrick. Ngumiti lang siya at binaling ko ulit ang atensyon ko kay Patrick. "Ah... Eh... Sa totoo niyan. Hindi pa naman kami ni Nathan. M.U palang siguro kami-" "Kelan pa kayo naging M.U?" mabilis niyang tanong. Bigla tuloy nag-flashback ang ala-ala ko noong unang araw ng pasukan. Ang nakakalibog na experience ko kay Nathan. At hindi ko akalain na dito kami hahantong. Na hahantong kami sa isang araw o isang gabi na aaminin namin sa lahat na mahal namin ang isa't-isa at wala nang makakapigil pa. "Ahm. Matagal na rin. 1st week ng class siguro." "Ba't ngayon niyo lang 'to sinabi sakin? Ganyan naba kayong dalawa? Parang hindi ko naman kayo mga kaibigan. Tch!" tumalikod siya. "Sorry. Natatakot kasi kami kapag nalaman 'to nila Thea, Abby at ni Phoebe lalo na nila Nico at Noah. Baka itaboy niyo na kami sa circle of friends." "Hindi naman namin gagawin yun." napasinghap siya. "Kaya pala, kaya pala. Tama nga ang hinala kong may something sa inyo ni Nathan." napayuko siya. Hindi ko alam kung bakit ang lungkot ng tono ng pagkakasabi niya. Hinarap ko siya at doon ko nalamang tumulo na pala ang mga luha niya. Naawa naman ako ay hindi ko alam kung anong dahilan. May gusto rin kaya siya kay Nathan? Nagseselos ba siya sakin? "Wag ka nga umiyak. Ang weird mo talaga. Kaya pala pinaalis mo si Nathan para kausapin mo ko tungkol sa kanya. I'm sorry. Mahal na mahal ko si Nathan. At hinding-hindi ko kayang magparaya Pat." "Paraya? Bakit ka magpaparaya?" kumunot ang noo niya. "Kase may gusto ka rin kay Nathan." Tumawa lang siya ng malakas at napawi ang lungkot niya. Natuwa naman ako dahil hindi na ulit tumulo ang mga luha niya. Lalo tuloy siyang gumwapo sa paningin ko. Pero mas gwapo pa rin si Nathan ko. Pagkatapos niyang tumawa ay agad niya ako niyakap ng mabilis at mahigpit. Niyakap ko rin siya at tinapik-tapik ko pa ang likuran niya. "Okay lang yan. Ikaw na lang ang magparaya sakin. Ako nauna eh." Tumawa siya ng mahina. "Ang swerte niya." bulong niya sa sarili. "Ano pre?" kumunot ang noo ko. "WALA! Tara na akyat na!" sabi niya at sumunod naman ako. Maingay ang sound system sa loob at marami ng tao na halos kasing edad lang din namin. Mga kaibigan yata ito ng pinsan ni Pat na si Rusty. Nagtungo ako sa balcony kung nasan ang mga kaibigan ko. Nandon ang tatlong babae at nandon rin si Nathan na nagpapahangin sa balcony na may hawak na baso. Inagaw ko sa kanya ang baso at ni-shot ko ang alak don. "Salamat." sabay ngiti ko. "Baliw ka talaga. Sakin yon eh. Iyon yung sa'yo oh." natatawa niyang sabi at itinuro niya ang baso ko na nakalagay sa tray. "Ola amigos!" bati sa amin ni Abby. Ang espanyol naming kaibigan. "Hello din! Kumusta kayo ng bf mong si Riley? tanong ni Nate. "Ok lang kami. Kaso ang hirap palang maging LDR. Nandito ako sa Manila habang siya nasa Cavite. Hoping nga na ma-meet niyo siya someday eh." Ngayon ko lang nalaman na may boypren pala itong si Abby. Sana naman makilala namin siya someday. "Bueno. Hasta Luego Amigos! Chao!" sabay halik niya sa pisnge namin ni Nathan bago umalis. Malandi pa ang kanyang pagkakasabi. Naiinis tuloy ako kapag hinahalikan niya si Nathan sa pisnge. "Ang weird din ni Abby noh? Bagay sila ni Patrick." tumawa ako ng malakas. "Speaking of Patrick. Alam mo na?" "Alam ko na alin? Na type ka niya at nagparaya na siya kanina?" "Nope. Baliktad kamo! Ikaw ang type nung lalaking yun kaya nakipagkaibigan siya sa'yo!" Biglang nag-flashback sa utak ko ang sinabi ni Patrick kanina. "Ang swerte niya." "WHAT? Ang akala ko ikaw?" "Tch! Akala mo lang yun. Kaya lumayo-layo ka na don hah? Ayokong maagaw ka pa sakin nun." sabay irap niya sakin. Hindi ko akalaing ako pala ang gusto ni Pat. Nasaktan ko ba siya kanina? Nagpaalam ako kay Nathan para magtungo sa C.R pero ang totoo pupuntahan ko si Patrick para humingi ng tawad. Alam kong nasaktan ko siya kaya kailangan ko siyang hanapin. "Uy Russel shot ka?" alok sakin ni Noah habang hinahanap ko si Patrick. Tinanggap ko ang baso at ininom ko ito ng mabilisan. "Nakita mo ba si Pat?" tanong ko sa kanya. Medyo may tama na rin siya pero nakakausap ko pa naman ng maayos. "Ah. Oo kasama ni Rusty." Nag-loading pa ang utak ko kung sino ba yung Rusty na yun. Naalala ko yung eksena sa canteen kanina. Pinsan yata ni Patrick itong si Rusty. Kailangan ko silang hanapin. Nagtungo ako sa banyo pero walang tao ron. Pinuntahan ko na ang isang kwarto at doon ko nakita ang isang lalaking nakatayo't nakahubad. Papasok na sana ako nang makita kong hindi lang sa itaas ang hubad ng lalaki ngunit pati ang ibaba rin nito. In short, hubo't-hubad siya. Nag-stay lang ako sa labas ng pinto habang nakasilip sa eksena sa loob. "Happy Birthday!" kahit maingay ang tunog dito sa living room naririnig ko pa rin ang usapan sa loob. Nakita kong kinukuhanan ng video ng isang lalaki ang ari niya. Hindi ko alam kung bakit. Maya-maya pa ay nakita ko na si Patrick na hubad din at biglang lumuhod sa harap ng lalake. "WTF!" sabi ko sa sarili ko. Halos manlaki ang mata ko't mapa-O ang bibig ko nang makita ko kung paano tsinu-tsupa ni Patrick ang lalaking ito at kinukuhanan pa siya ng video mula sa cellphone. Dahan-dahan kong isinarado ng maiigi ang pinto. Halos mabaliw ako sa nakita ko. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakita ko kanina o sadya lang iyon ng malikot kong isip. Pero totoo man yun o hindi, kailangan kong manahimik. Naupo na lang ako malapit sa sofa at nagkaron ng malalim na pag-iisip. Bi din kaya si Patrick? "Uy Russel? Nandyan ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap ni Nathan." biglang lumapit sa akin si Phoebe at binigyan ako ng baso ng alak. "Oh heto." inabot niya sakin ang basong iyon ngunit umiling lang ako. "Bakit? Lasing ka na ba? May tama ka na?" sunod-sunod niyang pagtatanong. "W-Wala. Ayoko na uminom. Sabihin mo kay Nathan dito muna ako sa loob. Mas gusto ko rito. Maingay." ang sabi ko habang nakatulala pa rin. "Okay. Bye!" sa wakas at umalis na rin siya. Gusto ko munang mapag-isa kahit na maingay rito sa loob. "Tara sayaw muna tayo Russel!" lumapit din sakin si Noah nang tugtugin na ang pang-sayawan. Ayoko sanang tumayo kaso napilit niya ako. Kakatayo ko palang nang biglang nag-iba ang tugtugin. Naging sweet at pang love song ang tugtog kaya naman ang iba ay naghalikan kahit na hindi sila mag-couple at habang ang iba naman ay nagsasayaw ng sweet dance. Loko-lokong tumingin si Noah sa akin at doon ko napansing medyo tipsy na nga talaga siya. Sumenyas siya na magkiss daw kami at unti-unti siyang lumapit sakin. "Asa ka Noah! Don't even dare!" Tinulak ko siya ng bahagya dahil baka makita pa kami ni Nathan. Bumalik ako sa balcony at doon nalang tumambay. Nakita kong nag-uusap usap sila Thea, Abby, Phoebe at Nathan. Napansin naman ni Nathan ang pagpunta ko sa balcony kaya nilapitan niya ako. "Anyare? Nakita mo ba siya?" tanong ni Nathan habang may dala-dalang red cup. "W-Wala. May tanong lang ako?" sabi ko. Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. "Ano yun? Nakikinig ako." tumingin siya ng diretso. Mabuti naman at hindi pa masyadong tinatamaan ng alak. "Di'ba matagal mo nang kaibigan si Pat?" tanong ko at tumango lang siya. "Dati pa ba siyang ganun?" "Dati siyang ano?" kumunot ang noo niya "Dati pa siyang bi?" "Ahhh bakit mo natanong?" tumaas naman ang kilay niya. "Huwag mo sabihing interesado ka kay Patrick?" "Sira! Hindi! Nakita ko kasi siya kanina, may inaano. May bini-BJ." ang sabi ko at tumawa lang siya ng malakas. "Paano mo nasabe? At sino naman yung bini-BJ niya?" pagtatanong ni Nathan pagkatapos niyang tumawa. "Ako, bakit may problema?" anang ng lalaking lumapit sa aming dalawa ni Nathan habang nag-uusap. Ito yung lalaking niluluhuran kanina ni Patrick. Parehas tuloy kami ni Nathan na napa-O ang bibig dahil hindi namin inaasahang darating itong lalaking niluhuran kanina ni Patrick. "Rusty, men?" pagtawag ni Nathan. So, ito pala yung RUSTY na may birthday? Yung pinsan ni Pat? Hindi niya pinansin si Nathan at tumingin lang ito sa akin. "Sumama ka sakin, gusto kang makausap ni Patrick." kinuha niya ang kamay ko kaya tumayo na ako para puntahan si Patrick. "Nate dito ka muna ah, hintayin mo ko." "Sige lang, pakasaya ka don." sabay ngumiti siya na hindi ko alam kung sarcastic. Hindi na ako nagsalita at sumunod na ako kay Rusty. Ano ba kasing dapat naming pag-usapan ni Patrick? Yung nakita ko ba kanina, huwag siyang mag-alala kami lang naman ni Nathan ang makaka-alam non. "Oh bakit Pat?" sabi ko pagpasok sa kwarto kung saan ko sila nakita kanina nung Rusty. Iniwan na kami ni Rusty sa loob. Nakatalikod siya. "Russel, pwede ba?" bigla niya akong nilingon. "Huh? Anong pwede?" pagtataka ko. "Pwede bang kahit isang saglit?" Hindi ako nagsalita at hindi rin umimik. Nilapitan niya ako ng kaunti, pinatong niya ang dalawa niyang kamay sa aking mga balikat at ngayon ay magkaharap na kami. Alam ko ang gusto niyang balakin kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na tulakin siya ng bahagya. Hindi pwede. Si Nathan lang ang makakadikit at makakadampi sa mga labi ko. At si Nathan lang una't huli kong mamahalin na lalake. Si Nathan lang ang gusto ko at wala nang iba. MASUSUNDAN...................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD