Kabanata 7

2331 Words
Kabanata 7 Nandyan Agad Ako ___________________________________________________________________________ Tanghali na nang bumangon ako mula sa pagkakahiga. Tinignan ko ang orasan at mag-aalas onse na ng tanghali. Hinampas-hampas ko ang sarili ko at tinanong ang sarili ko kung totoo ba yung nangyari kagabi? Mabilis kong tinignan ang cellphone ko at tadtad na ng messages ni Nathan ang natanggap ko. "BABE GISING NA TANGHALI NA!" "TULOG KA PA RIN BA?" "PSSSST! USO GUMISING BAKA DI KANA MAGISING?" "BABE KO! "Wala nang dating pagtingin." "Sawa ka na ba saking lambing." "Wala ka namang dahilan." "Bakit bigla ka na lang nang iwan." Napakaganda ng boses ni Nathan. Ang sarap sa tainga at nakakahumaling. Naiiyak ako, I'm so proud of him. "Di na alam ang gagawin." "Upang ika'y magbalik sa'kin." "Ginawa ko naman ang lahat." "Bakit bigla ka na lang naghanap?" Huh? Para sakin ba yang kinakanta niya? Bakit parang nalulungkot ako." "Hindi magbabago." "Pagmamahal sa iyo." "Sana'y pakinggan mo." "Ang awit ng pusong ito." "Uy, wait. Anong meron dito? Jamming?" biglang lumapit samin si Abby. Sumabay siya sa pagkanta ni Nathan habang ako nanonood lang sa kanila. "Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot." "Pag-ibig di mapapagod." "Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos." "Pag-ibig di matatapos." Pinalakpakan ko silang dalawa pagkatapos nilang kumanta. "Ang ganda ng blending ng boses niyo." pagpupuri ko sa kanilang dalawa. "Ay tenchu Russel. Nakita niyo ba sila Thea?" tanong ni Abby. "Na-" ako sana ang sasagot kaso nagsalita rin si Nathan kaya pinagbigyan ko na lang siya. "Nandon sila sa field nagtakbuhan." sagot ni Nathan. "Ah ganon ba? Salamat. Chao chao mga amigo!" ani Abby at saka umalis. Kami na naman ni Nathan ang naiwan dito sa canteen. Gusto kong umiyak at yakapin siya ng mahigpit kaso hindi ko magawa. Maraming tao rito at maraming nakaka-kilala sa kanya. Nanghihina ang tuhod ko. Feeling ko tuloy nanlamig ang pagiging M.U namin ni Nathan simula nang mapalapit ako kay Patrick. "Una na ako sa klase ko ah." sabi niya at dinala niya ang gitara. Dati may pag-apir pa kaming nalalaman bago magpaalam sa isa't-isa pero ngayon wala na. Wala na yung dating kami. Pagkauwi ko sa dorm agad namang nag-text si Patrick. "7:00PM sa house okay! Hintayin ko kayo sa Mercury Drug sa EDSA." sabi niya sa text message. Nitong nakaraang linggo, puro si Patrick na ang naging ka-textmate ko at hindi na si Nathan. Si Pat narin ang nagpapa-load sakin kapag wala akong load. Si Pat na rin ang nabisita sakin dito sa dorm pero hindi namin ginagawa ang ginagawa namin ni Nathan. Isa pa, ayaw ko. Kaibigan lang talaga kami ni Patrick. Nami-miss ko na nga yung dati. Yung dating nagpupunta rito si Nathan. Hinanda ko na ang susuotin kong shirt at pantalon bago maligo at magpunta kela Pat. Nakarinig ako ng katok sa pinto at wala akong ideya kung sino ang bibisita sakin. Hindi namna si Pat dahil susunduin kami nun sa EDSA, hindi rin pwede si Nathan dahil may conflict kami. Baka naman si manang o kaya yung delivery boy ng tubig. Pagkabukas ko ng pinto. Isang gwapong nilalang ang bumungad sa akin. Naka-sando lang siya at naka-jersery shorts. Sobrang hot niyang tignan at talagang tinatamaan ako ng libido. "Nate? B-Bakit ka nandito?" tanong ko. "Ayaw mo ba? Ayaw mo na ba sakin?" mangiyak-ngiyak niyang sabi. "Noong una natatakot ako dahil baka may makilala kang mas higit pa sakin pero nangyari na nga yung kinatatakutan ko Russel. Sobrang saya mo na kay Pat. Dahil kay Pat nakakalimutan mo na ako. Dahil kay Pat iniiwan mo na ako. TANGINA RUSSEL sakin ka lang! Ayoko nang may lumalapit sayong iba kahit na kaibigan pa yan!" "S-Sorry. Yun kasi ang dahilan para hindi nila tayo mahalata." "Sige, aaminin na natin sa kanila. Kung yun lang ang dahilan para hindi na ako magselos. Para hindi ka na maghanap ng iba. Di'ba? Andito naman ako diba? Ako yung una mong nakilala Russel. Pag kailangan mo 'ko, nandyan agad ako diba? Pag nami-miss mo ko tini-text naman kita diba?" "Oo, sorry Nathan. Sorry talaga." "Ok lang kasalanan ko rin. Di rin ako nagparamdam sayo nitong nakaraang linggo. Pero hindi ko na kaya yun, mababaliw ako kapag hindi kita kausap at hindi kita katabi. Kaya please, sabihin na natin yung totoo sa kanila. Hindi ko na kayang magselos. Hindi ko na kayang nakikita kayo ni Patrick na magkasama at masaya." lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. "Balik na tayo sa dati." sabi niya. Nilapit niya ang mukha niya sakin at nagsimula na siyang halikan ang aking labi. I kissed back at hindi ko na ipagkakailang mahal na mahal ko talaga si Nathan. Tumagal pa ng ilang segundo ang nakakalasing naming halikan. Hanggang sa hinalikan na niya ako sa leeg. "Akin ka lang Russel Gabriel." sabi niya sa pagitan ng paghalik niya sa aking leeg. "Akin ka lang din Nathan Alvarez." sabi ko sa sarili ko. ___________________________________________________________________________ MASUSUNDAN........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD