Kabanata 11
Buwan
"Hinding-hindi kayo magtatagumpay ni Nathan. Hinding-hindi ko kayo hahayaang maging masaya!"
Akala ko yun lang ang laman ng kanyang message. Pero may picture pa pala itong kasama. Nakita ko ang picture namin ni Nathan na naghahalikan sa restroom. Ito yung mga panahong nagkaayos kami. Ang mas nakakagulat nilagyan pa ito ng edited texts na "DIE DIE DIE!"
Nangangamba tuloy ako dahil may basher na kami ni Nathan. Sasabihin ko ba sa kanya o ang tungkol dito o hahayaan na lang at huwag na pansinin?"
"Sel? Ayos ka lang ba diyan?"
Siguro hindi ko na lang sasabihin. Hindi na dapat namin pinapansin ang mga ganitong bagay na makakasira lang sa relasyon namin ni Nathan.
"Sel? Huy!"
Pero nakapagtataka pa rin kung sino ang magtetext ng ganito sakin. Wala naman akong ginawang masama? Wala naman akong utang na hindi nabayaran?
"SEL!"
"Aray!" nagising ako sa katotohanan nang may nag-landing na medyas sa mukha ko. Tawang-tawa naman si Nathan nang mapansin niyang nabahuan ako sa medyas. "Yuck! Kanino ba 'to?"
"Ewan ko!" tumatawa pa rin siya. "Ba't kaba kasi nakatulala diyan? May problema ka ba?"
tinignan ko lang siyang mabuti. Pinagmasdan ko ang mala-anghel na mukha ni Nathan. Di ko talaga aakaling maiinlove sakin ang katulad niyang lalaki. Napaka-hot, may kaya, matalino, gwapo at higit sa lahat napaka-humble.
"UY, alam ko gwapo ako pero sagutin mo naman yung tanong ko." ngumisi siya. Ayan na naman ang makalaglag niyang brief na pag-ngisi.
"W-Wala yon. May naalala lang akong something." sabi ko.
Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Mukhang di ka okay eh." aniya. Hinarap na niya ako at nagkatinginan muli kami sa mata. "Basta kahit anong mangyare, nandito lang ako Sel."
Huminga ako ng malalim saka napayakap ng mahigpit sa kaniya. Mahal na mahal ko talaga siya. Hinding-hindi ko kayang may naninira sa amin. Ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin ni Nathan laban sa mga bashers.
Napansin ko na naman ang cp ko, nag notify ito na may nareceive na naman ako text message. Bubuksan ko palang sana yung message nang biglang agawin ni Nathan yung cellphone ko.
"Sino 'tong kachat mo huh?" pagtataka niya. Hindi ko alam kung sino ang nagchat at kung ano ang laman ng chatt. Tinignan niya ako't pinakita niya ang laman ng message sakin.
"NAKAKAHIYA KAYO, MGA SALOT NG LIPUNAN!" ang sabi sa message.
"H-Hindi ko kilala kung sino ya-" naputol ang sasabihin ko.
"Ssshh, hayaan mo na. Naninira lang 'to satin. Malamang inggit lang 'to satin Sel. Wag mo nalang replayan." aniya at niyakap na naman niya ako.
Sobrang sarap sa ganitong pakiramdam yung tipong nagkakadikit ang katawan niyo ng taong mahal pati na rin ang kanyang bukol este sinturon pala niya yon. Teka? Naka-shorts nga lang pala siye hehehe.
"Ba't nakangiti ka diyan?" kumunot ang noo niya. Bigla siyang napatingin sa harapan niya at natawa rin sa kanyang nakita. "Sorry. Lam mo na, lahi na namin 'to hehehe." pagmamalaki pa niya.
Tumawa na lang ako at nagpunta ako sa banyo. Pagkalabas ko, may narinig akong boses ng isang babae. Nagtaka naman ako kung sino iyon, sumilip ako sandali sa sala habang nasa kusina ako. Nakita kong nag-bless sila kuya Dar at Evan sa isang babae pati na rin si Nathan.
"Ma, namiss ko kayo." ani Nathan sabay yakap sakanyang ina. "May papakilala ako sayo, yung palagi kong kinukwento."
Lumapit sila sakin sa kusina. Maganda ang nanay nila at nakangiti pa ito habang papalapit sa akin.
"Hi po Tita, Russel po." sabi ko.
"Hijo, ikaw pala yung Russel?" tanong niya. Tumango ako at gulat naman akong masaya itong yumakap sa akin. Hindi ko inaasahang ganito pala kabait ang mama ni Nathan. "Ikaw pala yung laging kinukwento ng anak ko sakin, ang laki ng pinagbago niya dahil sayo." aniya habang magkayakap pa rin kami. Mabango ang nanay ni Nathan at halatang may kaya siya. Mga nasa 40 pa lang siguro ang edad ni Tita.
"Kumain kana ba hijo?" pagtatanong niya.
"Opo hehe." pagkukunwari ko. Nahihiya kasi ako kay tita.
"Di pa ma, sadyang mahiyain lang yan si Russel. Pilitin niyo pa po HAHA." sabi ni kuya Darren.
Pinilit nga ako ni Tita at wala na akong nagawa kundi ang kumain na lang. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko siya papakisamahan. Siya ang nanay nitong taong mahal ko eh.
"Mamayang hapunan tikman mo naman ang luto ko. Paboritong-paborito ni Nathan ang tinolang manok ko." pagmamalaki ni Tita.
Napakagaan ng loob ko kay Tita. Mukhang magiging masaya ang relasyon ko sa pamilya ni Nathan dahil mababait sila. Iyong tipong kahit na bisexual ako pero pantay lang ang tingin nila sakin. Hindi nila ako tinitignan bilang babae o lalaki, basta kung ano ang puso ko. Iyon ako. At ang laman ng puso ko, si Nathan.
Suportadong-suportado talaga si Tita sa amin ni Nathan. Gustong-gusto na nga niyang maging kami ni Nathan at doon kami manirahan sa Canada at doon magtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Di ko talaga aakalain 'to, sobrang saya ko talaga dahil napakabait ni Tita.
"Dito ka ulit matulog ah." sabi ni Nathan habang nagtambay ulit kami sa balcony.
"Oo naman, pero bukas uuwi na ako sa dorm ko. Baka kasi inaamag na yun." tumawa ako.
"Hindi mo naman kailangan mag-dorm eh, pwede ka naman dito tumira sa bahay. Sa kwarto ko, tabi tayo lagi." aniya
Kahit ako gustong-gusto ko tumira dito basta kasama lang si Nathan eh. Kaso hindi pwede, nahihiya ako. Saka na lang siguro kapag kami na ni Nathan hehehez.
"Ayoko. Baka isipin ng iba ginagamit lang kita kase may kaya ka. Ayoko ng ganun, gusto kong ipakita sa kanila na nagsisikap akong makapagtapos para sating dalawa." hinawakan ko ang kamay niya. Yung tipong mahigpit na mahigpit. Hinigpitan niya rin ang pagkapit niya sa kamay ko.
"Salamat, mahal na mahal talaga kita Russel. Di mo lang alam kung gaano ako kasaya na nakita kong masaya si mommy na makilala ka. Bet na bet ka din ni mommy at ng mga kuya ko." aniya. "Excited na rin akong ma-meet ang magulang mo." dagdag pa niya.
"Oo, promise pagtapos ng midterms at pag sembreak na. Pupunta tayo sa Cebu. Sa bahay namin." nakangiti kong sabi.
"Talaga?" kitang-kita ko sa mga mata ni Nathan ang pagkasabik niya sa sinabi ko.
"Oo, papakilala kita sa kanila. Gusto kong ipakilala sa kanila ang lalaking minahal ko." proud kong sabi.
"Waaahhhh! I Love You Russel." mahigpit niya muling pagyakap.
Niyakap ko rin siya at napapikit ako. Ini-imagine ko tuloy yung pagpunta namin sa Cebu. Nami-miss ko na rin ang Cebu. Ililibot ko talaga siya sa buong Cebu kapag nagbakasyon kami doon. Doon ko na rin kaya siya sagutin?
"Nate, babalik lang ako sa dorm. Babayaran ko pala ngayon yung tubig ko doon. Babalik ako agad pramis." ang sabi ko.
"Sama ako?"
"Wag na, dito ka nalang. Spend your time with your mom. Alam ko naman na na-miss mo siya at isang linggo siyang busy sa work. Kaya don't mind me babalik naman ako kaagad." ang sabi ko. Napatingin ako pero nanlumo lang siya sa sinabe ko.
Nagsuot lang ako ng sando at jacket pati na rin ng shorts. Nagpahatid ako hanggang sa labas ng village. Tinuruan niya rin ako kung paano sumakay pabalik ng school at natandaan ko naman. Hinalikan ko muna siya sa pisnge bago ako umalis.
Bandang 8pm na ako nakarating sa school dahil nga sa traffic. Kaunting lakad lang at nasa dorm na ako. Pinaabot ko na lang sa katabi kong kwarto yung bayad kong tubig na hindi ko na bayaran kaninang umaga. Dali-dali akong bumaba para isara ang gate at magpunta na pabalik kela Nathan.
Naglalakad palang ako sa eskenita nang makakita ako ng isang lalaking pamilyar sa akin. Nakatitig lang ito sa akin. Nakasuot siya ng polo at pantalon. Madilim ang paligid kaya hindi ko gaanong nakikita ang mukha niya pero pamilyar ang tindig niya sakin.
"Russel, pwede ba kitang makausap." malungkot ang tono ng boses niya.
Gusto ko siyang lapitan ang kaso hindi pwede. Ayokong masira na naman ang tiwala ni Nathan sakin.
Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lang siya. Nilingon ko siya pero hindi siya lumingon sakin. Naiwan siyang mag-isang nakatayo sa ilalim ng buwan habang nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa sakayan.