Kabanata 12

1628 Words
Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lang siya. Nilingon ko siya pero hindi siya lumingon sakin. Naiwan siyang mag-isang nakatayo sa ilalim ng buwan habang nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa sakayan. "Russel saglit." aniya. Napahinto ako sa paglalakad. "Maaari ba kitang kausapin kahit sandali lang." "Ano na naman yun? Guguluhin mo na naman ba ang relasyon namin ni Nathan?" nanlisik ang mga mata ko at baka ilang saglit lang ay magdilim ang paningin ko't masapak ko siya. "Hindi ako nandito para makipag-away. Hindi ako nandito para manggulo. Gusto ko lang naman humingi ng tawag sa nangyari." Pinagmasdan ko siyang mabuti habang napayuko siya. Nag-crossed arms na lang ako at hinintay kong matapos ang kanyang sasabihin. Lumapit pa siya sakin ng kaunti, sa paglapit na ginagawa niya ay siyang pag-atras naman ang ginagawa ko. "I'm sorry, alam kong wala na talaga akong pag-asa sayo Russel. Mahal na mahal mo na talaga si Nathan." huminga siya ng malalim. "Gusto ko lang naman ayusin yung gusot, gusto kong maging kaibigan ko ulit kayo ni Nathan." Tinignan ko lang siyang mabuti. Ngayon ko lang napansin na mas lalong nakaka-attract si Patrick kapag nakikita kong malungkot siya. Pero syempre, mas gwapo pa rin si Nathan ko. Kabanata 12 Gusot Kinabukasan, maaga akong umuwi papunta sa dorm. Walang kaalam-alam si Nathan pati na rin ang mga tao dito sa bahay na uuwi ako sa dorm. Syempre, nakakahiya na. Nandon ang mga gamit ko sa dorm kaya doon ako maliligo. Nag-iwan ako ng text message kay Nathan na uuwi ako sa dorm ngayong umaga para makapaghanda sa pagpasok sa school. Maya-maya ay nagtext na din siya. "Kakagising ko lang, ang daya mo hindi ka nagpaalam." aniya. Hindi ko muna siya nireplayan dahil naghanda muna ako ng agahan. Sobrang saya ko kagabi dahil magkayakap kami ni Nathan. Kung pwede lang na palagi kaming magkayakap buong araw. Bigla ko kasi siyang na-miss, parang gusto ko tuloy bumalik sa bahay nila. "Time... I've been passing time watching trains go by." Tunog ito ng cellphone kong nagri-ring. Tumatawag pala si Thea. Nakapagtataka naman dahil alam ko bihira lang tumawag sakin ang mga kaibigan ko, kadalasan kasi sa text kami nag-uusap. "Hello Thea? Ba't ka napatawag?" pagtatanong ko habang nasa linya si Thea. "Oy may bad news ako sayo! Nasa ospital ngayon si Patrick, muntik na palang mag suicide sabi ng pinsan niyang si Rusty." "Ohh?" gulat kong sabi. "Ano nangyari? Bakit daw?" "Ewan ko, diba may problema kayo ni Pat? Kaya ngayon palang ayusin niyo na yung gusot sa pagitan niyong dalawa. Kausapin mo yang si Pat at makipag-ayos ka sa kanya, mamaya magpakamatay na talaga yan." aniya at natahimik ako. "O siya, sige na seeyou nalang later." binaba na niya ang linya. Natulala naman ako. Naalala ko yung nangyari kagabi. [FLASHBACK] "Gusto ko lang naman ayusin yung gusot, gusto kong maging kaibigan ko ulit kayo ni Nathan." Tinignan ko lang siyang mabuti. Ngayon ko lang napansin na mas lalong nakaka-attract si Patrick kapag nakikita kong malungkot siya. Pero syempre, mas gwapo pa rin si Nathan ko. "Please?" lumuhod siya sa harapan ko. "Ano bang ginagawa mo? Tumayo ka diyan para kang timang!" pinatayo ko siya. "Galit pa rin ba kayo sakin ni Nathan?" tanong niya habang mabilis niya akong niyakap. "I'm sorry hindi ko na talaga kayo guguluhin." "Hindi ko alam, basta ako napatawad na kita. Ewan ko lang kay Nathan. Kausapin mo siya." sabi ko. "No thanks, mabuti na yung malaman kong napatawad mo na ako. Salamat Sel, sorry for ruining your relationship. Pero ang alam ko wala pa naman kayo ni Nathan hindi ba? Wala na talaga akong pag-asa dahil siya talaga ang mahal mo." napasinghap siya. "Don't worry, wala nang manggugulo sa inyo." malungkot ang tono ng boses niya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Umalis na siya pagkatapos. Ako naman ay sumakay na patungo sa village. [END OF FLASHBACK] Napansin ko ang gusot-gusot kong uniform. Inihanda ko ang kabayo para plantsahin ito. Napapaisip ako na sana ganito lang kadali ayusin ang gusot. Sana ganito lang kadali ayusin ang problema. Ano ba kasi nangyari kay Patrick at tinangka niyang patayin ang sarili niya. Natatakot naman ako. Lalong-lalo na dahil baka ako na naman ang sisihin ng pinsan niyang si Rusty. Pag-open ko ng f*******:, gulat ako nang makita kong sabog na sabog na ang notifications ko. Puro comment sila sa dp ko, puro pambabash lang ang laman ng kanilang mga komento. Nagtataka naman ako kung bakit. Kaya agad kong binasa ang ibang mga komento at isa lang ang naka-agaw pansin sa akin. "WALANG HIYA KA, DAHIL SAYO MUNTIK NANG MAGPAKAMATAY SI PATRICK!" Komento ito ng pamilyar na account sakin. Bash Sher ang pangalan. Tinignan ko naman ang message niya. Sinend niya sakin ang suicidal video ni Patrick. Di ako nagdalawang isip na panoorin itong video ni Patrick. "UNA SA LAHAT, SORRY. SORRY SA MGA TAONG MAHAL KO SA BUHAY. GUSTO KO LANG SABIHIN NA NAGPAPASALAMAT AKO SA INYO DAHIL NAGING PARTE KAYO NG WALA KONG KWENTANG BUHAY." mangiyak-ngiyak siya habang nagsasalita sa video. "RUSSEL GABRIEL, ALAM KONG HINDI MO AKO KAYANG MAHALIN. KAYA MAS MABUTI NALANG NA GAWIN KO ITO KASE H-HINDI KO NA KAYA." nauutal na siya habang naiiyak pa din sa sinasabi. Napansin ko na parang may binuksan siyang lagyanan ng kung anong gamot. Nilunok niya ang limang piraso nito at maya-maya ay nawalan na siya ng malay. Inupload niya ito sa sss habang naka-live pala siya. Siguro dinowload na ito ng karamihan at talagang pinagkakalat pa ang video. "ANO MASAYA KA?" nagchat si Bash Sher sakin. "Sino ka ba? At bakit mo ba ako sinisisi sa pagcommit ng suicide ni Pat?" reply ko. "Kasi PAASA ka, PINAASA mo si Pat! Alam mong may gusto siya sayo. Pero sinaktan mo! "Hindi ko kasalanan kung hindi ko gusto si Pat, napaka-immature niya!" Hindi ko na nakayanan at ni-block ko na itong account na ito sa Messenger. Tinext ko si Nathan na kung pwede pumunta kami sa ospital kung saan nandon si Patrick. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong ayusin yung gusot pero hindi naman sa ganitong paraan. Hindi solusyon ang pagpapakamatay. Naiinis ako kay Patrick! Napagpasyahan namin na hindi na kami papasok ni Nathan at pupunta na lang kami sa ospital kung saan naroon si Patrick. Sinamahan kami ni Thea kung saan banda ang ospital na tinutukoy niya. Maya-maya ay nakarating na kami sa ospital. Si Rusty agad ang sumalubong sa aming tatlo. "HOY! IKAW! BAT KA NANDITO GAGO KA!" galit na galit siya. Patuloy pa rin siya sa pagsigaw at dinuduro niya ako. Sinapak siya ni Nathan dahilan para bumagsak siya sa sahig. "Huwag na huwag mong mumurahin si Russel. Ako ang makakatapat mo 'tol." pagtatanggol sakin ni Nathan. "Ano ba! Wala nang panahon para makipag-away, Nathan, Rusty! Puro kayo away, mamatay na lang si Patrick nag-aaway pa kayo! Tara na nga Russel!" hinila na ako ni Thea patungo sa elevator. Naiwan ang dalawa sa lobby. Mabuti na rin iyon para hindi magkagulo. Nais ko lang naman kausapin si Patrick para maayos na ang gusot na ito. "Patrick?" pagtawag ko sa kanya. Nakahiga siya sa kama habang may nakapasak sa kanyang kung ano-ano. Gising naman siya at binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Ngiti na minsan ko na lang masilayan. Naalala ko tuloy yung mga panahong naging magkaibigan kami ni Pat kahit saglit lang. Napansin ko na nakadilat pala ang kanyang mga mata ibig sabihin gising siya. Nilapitan ko siya at nakaramdam ako ng awa para kay Patrick. Parang nadurog ang puso ko nang makita ko siyang nakahiga sa kanyang kama. Kung ako, hindi ko kakayanain na mag stay dito sa ospital dahil ayoko sa kakaibang amoy rito. "I'm sorry. Alam mo namang si Nathan ang una kong minahal diba? Bakit mo ba kasi 'to ginawa sa sarili mo? Marami pang nagmamahal sayo Pat." ang sabi ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanang kamay niya. Nagsisimula na rin palang tumulo ang kanyang mga luha. Sa kabila ng pagka-awa ko. Naiinis ako. Naiinis ako dahil bakit siya magpapakamatay ng dahil lang sakin. Madami pa naman diyang iba na pwede niyang mahalin at pwedeng-pwede rin siyang mahalin. Gwapo rin naman siya at tiyak ko namang maraming magkakagusto sa kanya. "Sel, okay lang kayo diyan?" biglang pumasok ng pinto si Nathan. "Oo naman." sagot ni Thea. "Dito lang muna kayo Nate at Thea, hahanapin ko si Rusty. Saan ba siya nagpunta Nathan?" tanong ko. Gusto ko kasing malaman kung paano naligtas si Patrick. "Doon lang sa lobby, hanapin mo siya don. Pero mag-iingat ka mamaya sapakin ka na naman non." aniya Lumabas na ako at nagtungo sa lobby pero wala naman doon si Rusty. Nakaramdam ako ng pag-ihi at mukhang sasabog na ang pantog ko kaya naman agad akong nagtungo sa restroom ng ospital. Tahimik lang pagpasok ko. Nilabas ko na ang alaga ko't binuhos na ang lahat ng maduming likidong naipon sa aking pantog. Maya-maya ay nakarinig ako ng mga pag-ungol. "Ughhmmmm. Ang galing galing mo talaga Noah! Fvck!" kahit mahina lang iyon ay rinig na rinig ko ang sinasabi ng lalaki. Hindi ako sigurado pero parang pamilyar ang boses ng naririnig ko. "Yeahhhh suck me harder bro ughh..." muling pag-ungol ng lalaki. Dito ko na nalaman na kay Rusty ang boses na iyon at kung hindi ako nagkakamali, bino-blow siya ngayon ni Noah. Hindi ko na tinuloy ang pag-eespiya sa kanila at lumabas na ako ng restroom. Pagkadaan ko ng lobby, di ko inaasahang makikita ko si Nathan at may kausap pa siyang lalaki pero hindi ko alam kung sino. Hindi ko kilala at hindi rin siya pamilyar sakin. Parang may gumuhit sa puso ko nang makita kong masaya si Nathan habang may kausap na ibang lalaki. Mukhang may panibagong gusot na naman kami ni Nathan na kelangan ayusin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD