WARNING: SPG/ RATED X PLAY "SER HOY BY MAXI ESPINDOLA" WHILE READING THIS PART! SPANISH SONG SIYA PERO MAGANDA! PRAMIS! KAKAIYAK! "Psst..." nagising ako dahil nakaramdam ako ng pagkalabit. Iminulat ko ang mga mata ko at mukha ni Nathan ang bumungad sa aking pag-gising. "Good Morning, luvs." Sabay ngisi nito. "Anong araw na pala luvs?" pagtatanong ko habang bumangon ako sa pagkakahiga. "December 22. Ilang araw na lang at magpapasko na." wika nito. Walong araw na pala ang lumipas mula nang sagutin ko si Nathan sa opisyal niyang panliligaw. At ngayon, magkasama na ulit kami sa iisang kwarto. Nangupahan ako sa apartment na malapit sa village nila Nathan para hindi na kami gaanong magkalayo. Umuwi sila mama at papa pagkatapos ng araw ng panliligaw ni Nathan sa akin. Kung saan n

