"December 25" Napatingin ako sa kalendaryo na nasa likod ng pintuan. As usual, bakasyon ngayon at nakahilata pa rin ako sa kama kahit tanghaling tapat na. Tumayo ako para maghilamos. Pagkalabas ko ng kwarto ay nandon na pala ang kapatid ko sa kusina. Lumapit ako para tignan kung ano ang niluluto niya. Ang bango kasi. Parang amoy ng fried egg. "Wow, may silbi ka rin pala dito." Panloloko ko. "Syempre marunong rin ako magluto. Ito nga lang." pa-humble pa niyang sabi. Mabuti pa nga siya marunong magluto ng fried egg at hotdog samantalang ako pancit canton at lucke me lang ang kaya kong lutuin. Kaya palagi akong nabili ng ulam sa labas noong nasa dorm pa ako dati eh. "Mabuti naman. Sarapan mo ah, maarte ako." Sabi ko at tumawa lang siya. "Hindi kaba pupunta ka sa bahay nila kuy

