CHAPTER 7 - The Wedding

1329 Words
Hindi na nakapalag si Ulysses. Parang lahat ng desisyon sa buhay niya ay kinuha mula sa kamay niya. The Montecarlo Family arranged everything—the venue, the flowers, the menu, even the list of guests. At si Anara… siya ang dahilan kung bakit naganap ito. She fought for this wedding—iginigiit ang pagmamahal niya halos bulag na sa pag-asang mamahalin din siya pabalik. Ang kasal ay nasa idang isla. Ang buong isla ay parang isa nang enchanted world. White sand, crystal water, scattered fairy lights that turned the place into a glowing paradise. Every corner felt like a scene from a breathtaking fantasy movie. The island was privately owned by the Montecarlo clan. Ipinasara nila ang buong isla para sa kasal na ito. Imported lahat ng bulaklak galing pa ibang bansa. May mga violinist na galing pa sa Europe, sumasabay ang tugtog ng mga ito sa hampas ng alon. A glass aisle stretched across the water—mahaba, parang tulay papunta sa isang bagong mundo. Sa ilalim nito, umaalon ang dagat, at sa bawat hakbang, nagre-reflect ang imahe ng bride na parang isang diwata. The Bride Anara looked ethereal. She wore a couture gown crafted with hand-sewn pearls, delicate lace, and a five-meter train that flowed like water behind her. Her soft curls fell around her shoulders, crowned with a diamond tiara passed down through Montecarlo generations. Her eyes sparkled—not just with happiness, but with the intensity of someone who fought hard for this moment. Habang naglalakad siya, bulungan at paghanga ang umalingawngaw sa mga bisita. “She’s stunning.” “She looks like royalty.” “No celebrity wedding can compare to this.” At totoo iyon—kahit ang pinakamagarbong kasal ng mga artista, napaka-ordinaryo kumpara rito. The Groom Ulysses stood at the altar, stiff and uneasy. Guapong-guapo sa itim na tuxedo, pero bakas sa mga mata niya ang bigat na hindi niya maipaliwanag. The pressure of the event, the expectations, the forced circumstance—it all settled heavy on his chest. Habang papalapit si Anara, hindi niya alam kung paano aangkinin ang sandali na ito. Hindi siya excited. Hindi siya masaya. Hindi rin siya handa. Pero nagkunwari siya. Nagpanggap. Dahil iyon ang inaasahan sa kanya. Paglapit ni Anara sa altar, ngumiti ito nang buong puso. “Finally,” bulong nito, “you’re mine, Ulysses.” He forced a smile. “Yeah… we’re married.” After the ceremony, the island lit up even more. Fire dancers, classical musicians, a buffet prepared by Michelin-starred chefs. Sa bawat mesa, may ginto’t kristal. Inilabas pa ang rare Montecarlo wine na hindi basta nabibili kahit saan. Anara was glowing the entire time. She held Ulysses’ arm proudly, introducing him to everyone as her husband. Tumatawa siya, kumikislap ang mata, parang tuwang-tuwa sa bagong yugto ng buhay niya. Pero si Ulysses? Tahimik. Lutang. Hindi mapakali. Hindi niya masabing masaya siya kahit saglit. There was a tightness in his jaw, a stiffness in his posture—parang gusto niyang tumakbo palayo. Napansin iyon ni Anara pero pilit niyang iniwas ang mga iniisip. “Tonight, will be better." Aniya. Yun na lang ang pinanghawakan niya. Nag-spotlight ang stage. The music shifted to a slow, emotional instrumental. Tinawag ang bagong kasal. “Ladies and gentlemen, the first dance of Mr. and Mrs. Ulysses Laxamana!” Hila-hila ni Anara ang kamay ni Ulysses. He placed his hand on her waist, lightly—parang natatakot humawak. Slowly, they swayed to the music. “Ulysses,” bulong ni Anara, “I’m so happy.” He nodded. Forced. Mechanical. She rested her head on his chest, but he stiffened a bit. Hindi man lang siya niyakap pabalik. Napapikit si Anara. “Mahal kita,” bulong niya, halos hindi marinig. Pero hindi sumagot si Ulysses. Tumunog ang palakpakan pagkatapos ng sayaw, pero sa likod ng ngiti ni Ulysses ay may lungkot, takot… at lihim. Pagsapit ng gabi, unti-unting nag-uwian ang mga bisita. The island resort glowed with warm lights, and the breeze carried the scent of ocean and expensive perfume. Bagong kasal. Honeymoon. Dapat masaya. Pero nang iikot si Anara para hanapin si Ulysses— WALA ITO. Iniwan siyang mag-isa sa gitna ng reception hall. Tumakbo ang kaba sa dibdib niya. “Ulysses?” Lumapit siya sa mga hotel staff. “Ma’am,” sabi ng isang attendant, “Sir Ulysses already went up to your honeymoon suite.” Napangiti si Anara, kahit may kirot ng lungkot sa puso niya. “Ah… nauna na pala siya.” She hoped he was just overwhelmed. She hoped he was preparing something romantic. Pumunta siya sa elevator. Pumintig ang puso niya sa bawat level na tinawid. Honeymoon Suite — Penthouse Level Malaki ang hallway, tahimik, napakaganda. Puti ang sahig na marble, may mga kandilang nakasindi sa gilid. Pinigilan ni Anara ang ngiti. Finally, they would be alone. Finally, magiging totoo na ito. She gently turned the doorknob. Hindi naka-lock. Pagpasok niya, madilim ang kwarto—tanging ilang dim lights lang ang bukas. Pero may naririnig siyang mga ungol. Mahina. Malalim. Intimate. Natigilan si Anara. Hindi siya agad nakapagsalita. She moved quietly, step by step, papunta sa direksyon ng mga tunog. The moment she turned past the wall— nanginig ang buong kaluluwa niya. Doon. Sa malambot na kama ng honeymoon suite nila. Sa kama kung saan dapat magsisimula ang buhay nilang mag-asawa— may dalawang katawan na magkalapat. Isa doon si Ulysses. Pero hindi babae ang kasama niya. Isang lalaki. Hubo. Magkahalo ang kanilang mga katawan. Halos magkandali sa init at pagnanasa. Hindi alintana ang mundo. Nanlaki ang mata ni Anara. Napakapit siya sa dibdib niya na parang may umikot na kutsilyo doon. Parang gumuho ang buong mundo niya. Hindi niya maaninag kung sino ang kasama nito—nakatalikod kasi ang lalaki, at bahagyang natatakpan ng silhouette ng dim lights. Pero hindi niya kailangan makita. Ang sakit ay sapat na. Napatras si Anara. Hindi siya huminga. Hindi siya umiyak. Hindi siya nagsalita. Tahimik niyang isinara ang pinto, marahan—halos walang tunog. At sa labas ng suite, dahan-dahang bumagsak ang luha niya. Isang patak. Dalawa. Hanggang sa humikbi siya nang walang boses, pinipigilan ang sarili. Hindi niya alam na simula pala ito ng impyerno niya. At sa loob ng suite, habang nagpapatuloy ang ungol at pagnanasa, hindi alam ni Ulysses na nakita na siya ni Anara. Habang nakasandal si Anara sa malamig na pader ng hallway, unti-unting pumupuslit ang luha niya. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatayo roon—nangalay na ang tuhod niya, nanginginig ang mga daliri, at parang hindi niya kayang huminga. Pero habang mas matagal siyang nakatitig sa sahig, mas sumasampal sa kanya ang katotohanan. Kaya pala. Kaya pala mailap. He is so cold to me. Kaya parang wala siyang makita kahit maliit na spark pag tinitignan siya ni Ulysses. Hindi pala siya ang problema. Kundi si Ulysses. Dahil may tinatago siyang lihim. “Is he… is he gay?” bulong ni Anara, halos hindi lumalabas ang boses. At doon, tuluyan nang rumagasa ang kirot. Hindi galit ang naramdaman niya. Hindi selos. Hindi pagkasuklam. Kundi sakit. Sakit na parang sinisiksik ang puso niya hanggang sa hindi na siya makahinga. Sakit na parang lahat ng pangarap niya ay gumuho. Pero mahal ko siya…” Umiling si Anara, pilit pinupunasan ang luha. “Mahal ko si Ulysses,” bulong niya. Hindi niya alam kung tama ba o mali. Humikab ang dibdib ni Anara habang tinitignan ang saradong pinto ng kanilang honeymoon suite. “Walang ibang dapat makaalam… She knew what would happen if the world found out. The Montecarlo name. The business empire. The press. The scandal. At si Ulysses… Masisira ang buong Laxamana Group. Kasama na siya roon. Dahil asawa na siya ni Ulysses. “Baka maayos pa…” She wiped her tears again. “Baka may paraan pa para mahalin niya rin ako.” Sumasakit ang puso niya habang sinasabi iyon, pero pinilit niyang ngumiti. “I will do everything to be a good wife.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD