Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa private room nang hindi natutumba dahil sa panghihina. May iba akong nakasalubong na nakilala ako bilang Fiore at hindi ko alam kung anong mukha ang mayroon ako sa mga camera nila nang magpa-picture sila sa akin. Nang makapasok ay nakita kong napatayo si Azrael at naglakad palapit sa akin. Nang tignan ko ang likod niya ay wala roon si Sullivan dahilan para magtaka ako. "Nasaan si Sullivan?" "Sinundan ka niya, ah? Hindi ba kayo nagkasalubungan?" salubong ang kilay na tanong niya. Umiling ako dahilan para mas lalo siyang magtaka. Hinatak niya ako papunta sa couch at may binulong sa mga kaibigan. "Puntahan ko muna si Sullivan, baka naligaw na ang gagong 'yon. Hindi pa nga nagsisimula, lasing na kaagad," umiiling na saad ni Grendel at naglakad pala

