"Hindi po ba delikado 'yon?" mahinang tanong ko kay Tita Kris. We're in the garden of the hospital. Habang nasa loob si Tito Richard at nagbabantay kay Sullivan. I looked at Tita Kris, and I saw how tired her eyes were. There's a big dark circle under her eyes, and tanda na hindi siya nakakatulog ng maayos simula nang maospital ang anak. "Did you see how he treats you? Hindi ko anak 'yon, Sable! Hindi gano'n ang anak ko... mabait siya, lagi niya tayong inaalagaan. Hindi niya nagagawang magtaas ng boses sa akin at sa 'yo kasi nirerespeto niya tayong mga babae, but now... I no longer know him. Ang daming nagbago simula nang maaksidente siya, and now you're pregnant with his child. Hindi ka ba nag-aalala na baka hindi niya tanggapin ang apo ko?" Nanlumo ako sa sinabi ni Tita. I wasn't expec

