Chapter 2

3574 Words
Pagod at hindi ako makatayo ng maayos kinabukasan nang magising ako ngunit nagulat ako nang makita ko si Sullivan na nanatiling tulog sa tabi ko habang yakap ang isang unan. I slowly moved towards him and touched his face. Hindi ko na siya halos makilala kagabi. It was our first time using those kinky things while making love, and I must admit that he acted like he was an expert at using them. Hindi muna ako bumangon at pinakatitigan ang payapa niyang mukha. Aminado ako na miss na miss ko siya sa ilang araw na hindi kami nagkita. Pansin ko ang malaking bilog na itim sa ilalim ng kanyang mata, kaya alam kong hindi siya gaano nakatutulong ng maayos. I slowly combed his hair and stared at his lips. Those lips are ones that I desire to kiss again, but ever since he lost his memory, he hasn't let me kiss him. Ang sabi niya ay nandidiri raw siya sa akin. I couldn't blame him though; if I were him, hindi ko rin hahalikan ang taong hindi ko naman kilala. Tears started to form at the corner of my eyes. Alam kong nahihirapan din siya sa sitwasyon namin ngayong dalawa, and I should always reserve more patience for him. Alam ko naman na kung sakaling makaalala siya ay babawi siya sa akin. I slowly moved closer to him until our skin touched. I noticed that we were both naked under the comforter. Mabigat ang paghinga ni Sullivan at halatang malalim ang kanyang tulog, kaya sinamantala ko na at hinawakan ang pisngi niya. His long, thick lashes moved, but he didn't wake up. I started caressing his soft cheeks while remembering what happened last night. I love his soft side in bed, but I also love the new him now. I couldn't help but blush as I remembered how he called me different names last night. Alam ko na sinasabi niya lang 'yon dahil gusto niyang iparamdam sa akin na nandidiri siya sa akin at puno siya ng pagkadisgusto sa akin, pero hindi ko pa rin mapigilan uminit. Bago pa mauwi sa nangyari kagabi ay umalis na ako sa kama at dumiretso sa banyo para maglinis. Nagbabad lang ako saglit sa bathtub at maligamgam na tubig para maalis ang sakit ng katawan bago nagbalot ng roba at lumabas ng kwarto. He would wake up anytime soon. Kaya hinanda ko na rin ang damit na gagamitin niya para sa pagpasok sa office mamaya. I neatly placed his blazer and long-sleeved shirt on the sofa and picked up his tie. Inayos ko rin at pinakintban ang sapatos niya at kinuhanan siya ng medyas bago bumaba para magluto ng pagkain. Naghanda ako ng bacon, egg, and fried rice para sa kanya dahil heavy eater siya. I also prepared black coffee, dahil ito ang madalas niyang inumin sa umaga. Hindi pa rin ako nakakapagbihis kaya nakaramdam ako ng kaunting lamig pero hindi na ako nag-abala dahil alam kong gising na ngayon si Sullivan ay mayamaya lang ay bababa na. I waited for him, and my face beamed when I heard his footsteps. Napatayo ako sa upuan at palihim na inayos ang mga plato sa lamesa at sinalubong siya. His face was serious, and his brows were furrowed. My smile faded when I noticed that he was not wearing the clothes I had prepared for him. Nagbaba ang tingin ko sa sapatos niya at napakagat na lang ng labi nang makita kong iba rin ang ginamit niyang sapatos. I tried to force a smile. Umangat ang tingin ko sa kanya na tila ba pinagmamasdan ang reaksyon ko. 'Di bale, alam ko naman magugustuhan niya ang hinanda ko. Bulong ko sa sarili at lumapit sa kanya. I held his muscled arm and softly pushed him towards the dining room. Nakangiti ko sa kanyang pinakita ang mga niluto ko ngunit nanatiling malamig ang tingin niya sa akin. "What was that?" he asked, full of disgust. I bit my lower lip and smiled wider. "S-Sabay tayo mag-breakfast?" He scoffed and removed my hands from his arms. Nasaktan ako nang makita ang pandidiri sa mata niya habang pinupunasan ng panyo ang kamay niyang nahawakan ko. Napayuko na lang ako sa hiya kasabay ng pangingilid ng luha ko. "Do you think I'll eat these foods?" malamig na tanong niya. "H-Hinanda ko 'yan para sa' yo, Sullivan." "Are you forcing me?" kunot ang noong tanong niya dahilan para mataranta ako. Napayakap ako sa sarili at pinagmasdan ang mga pagkain na nakahain. "Hindi! B-Baka lang naman magutom ka sa trabaho, nag-prepare rin ako ng babaunin mo—" Nahinto ako nang maramdaman ang mainit na likido na gumagapang sa katawan ko at tumagos sa telang nakabalot sa akin. Napaigik ako sa sakit at napalayo kay Sullivan, ngunit seryoso lang ang mata niya habang hawak ang tasa ng kape na binuhos niya sa akin. Nangilid ang luha ko kasabay ng mahinang paghikbi. Mahapdi ang balat ko pero hindi ko agad pinansin 'yon dahil ang atensyon ko ay natuon kay Sullivan na ngayon at isa-isang hinuhulog sa sahig ang mga pagkaing hinanda ko para sa kanya. Malamig lang ang mata niya habang pinagmamasdan ang reaksyon ko. Hindi ko magawang pigilan siya dahil nanigas ako sa kinatatayuan. "You're delusional; do you think I'll eat this crap just because you made it?" madiing saad niya at umabante Napaatras ako sa kintatayuan at napasandal sa dingding. He trapped me between his arms and inched our faces apart. Patuloy sa pag-alpas ng luha ko habang hinihintay siya na sigawan ako. "Don't act as if you're my real wife, huh? We're just married in papers, and it's not your obligation to serve me, well, only in bed." Parang may mga karayom na tumarak sa dibdib ko nang sabihin niya 'yon. Mas lalo niyang nilapit ang mukha sa akin at naamoy ko ang amoy pinaghalong citrus at peppermint. Hanggang ngayon ay kinahahalina ko pa rin ang amoy niyang 'yon. Hinarang niya ako gamit ang mapipintog niyang braso at saka ako marahang tinitigan. Nakipaglaban din ako sa mata niya ngunit sa huli ay ako rin ang nagbaba ng tingin at unang natalo. I could feel my heart fasten its pace. Lalo na nang maramdaman ko ang malamig niyang daliri na inangat ang aking baba. I met his eyes. Ang mga mata niyang hindi ko maiwasang mamangha dahil sa kulay. Mas light ito sa pangkaraniwang kulay asul na mata. Sa lahat ng taong nakita ko ay siya lang ang nakita kong mayroon nito. Pati sina Tita Kris at asawa nito ay purong itim ang mga mata kaya minsan hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang kulay ng kanyang mata. Nahigit ko ang hininga nang pagdikitin ni Sullivan ang noo namin at tungki ng ilong niya. Nakatitig lang siya sa mata ko at hawak ang aking baba. Sinubukan kong hawakan ang dibdib niya ngunit hindi siya nagpatinag kahit pa tinulak ko siya. The sides of his lips rose. Tila ba namamangha siya sa ginawa ko, kahit wala namang nakakatuwa roon. "S-Sullivan..." "Call me, sir," he suddenly said. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya at hindi ko 'yon naintindihan. Tuluyan na siyang umalis palayo sa akin, kaya nakahinga ako ng maluwag. Lumakad siya malapit sa mga pagkain na nagkalat sa sahig, at malamig pa rin ang mga mata niyang pinukulan ako ng tingin. "From now on, you should call me sir. Starting today, you'll serve me as my maid. Umawang ang labi ko sa sinabi niya. "P-Pero—" "Now, clean this mess." Muling namasa ang mata ko nang makita ko kung gaano siya kadeterminado sa pinapagawa sa akin. May kumirot sa puso ko ngunit hindi ko 'yon pinansin. Hinga, Sable. Kaya mo 'to. Napabuntong hininga ako at kumuha ng walis at dustpan bago bumalik sa dining area. Natagpuan ko roon si Sullivan na nakaupo at iniinom ang bago niyang timpla na kape. Pinilit kong huwag umiiyak habang winawalis ang mga pagkain na hinanda ko para sa kanya. "Wait! Stop that!" "Ano na naman ba?" umiiyak na tanong ko at napahikbi. Natulala siya sa paraan ng pagsagot ko. Sobrang bigat ng dibdib ko dahil hinanda ko ang mga pagkaing ito para sa kanya, pero sinayang niya lang. He cleared his throat and gave me a death glare. "Did you just raise your voice at me?" Napayuko ako at natatakot na nag-iwas ng tingin. "Don't f*****g use those cleaning materials," galit na saad niya. Kahit nagtataka ay nanatili akong tahimik. "I want you to use your mouth," dahan-dahang saad niya na nagpatigil sa akin. Halos tumigil ang t***k ng puso ko sa gulat. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya, pero blangko ang mukha niya lang din akong tinitigan. "Now. Move." "S-Sullivan..." "You don't want me to get mad, Sable Fiore." Nanghihina ang tuhod na napaluhod ako at pinagmasdan ang mga nagkalat na pagkain. Naramdaman ko ang titig niya mula sa taas, kaya dahan-dahan kong inipon ang pagkain sa kamay ko. Akmang isusubo ko na 'yon nang bumukas ang pinto at narinig ko ang boses ni Tita Kris. "Oh my god, hija! Anong ginagawa mo riyan?!" gulat na saad nito at nagmamadali akong dinaluhan. Palihim kong pinunasan ang luha sa mata at pinagpag ang kamay. Dumako ang tingin ko kay Sullivan na ngayon ay tila ba disappointed dahil dumating ang magulang niya. Tito Richard stared at his son intently. Hindi ko alam pero para ba silang naglalaban sa tingin. Naputol lang 'yon nang magsalita si Tita Kris at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Are you alright, Sable? Bakit naman hinayaan mo ang asawa mo na magligpit nitong mga kalat, Sullivan?" Tila nakahinga ako ng maluwag nang malaman na hindi niya nakitang kakainin ko dapat ang mga pagkain sa lapag. Napayuko na lang ako at hinintay siyang magsalita "Those are trash, Mom," sagot ni Sullivan na dumurog sa puso ko. Hindi ko na napigilan ang sarili at nag-angat muli ng tingin sa kanya. Nangingilid ang luha ko at puno ng hinanakit ko siyang tinignan. "M-Medyo masama po ang pakiramdam mo, Tita. Magpapahinga po muna ako sa taas." Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Tita Kris at mabilis na umalis sa dining room. Nanghihina akong napasandal sa pintuan ng bathroom nang makapasok ako sa kwarto. Tinakpan ko ang mukha ko ng palad at tahimik na umiyak. Natatakot ako na baka wala pang isang buwan ay maisipan ko na agad na sukuan si Sullivan. Hindi madali para sa akin na makita ang mga mata niya na puro galit lang dahil sa hindi niya ako naalala. Hinayaan ko ang sarili na umiyak hanggang sa magsawa. Nang tumayo ako at tumapat sa salamin ay nakita ko ang pamamaga ng mata ko. Nakalihis na rin ang roba na suot ko dahilan para makita ko ang namumula kong balat kung saan niya ako tinapunan ng kape. I smiled bitterly as I let my tears escape from my eyes. "Please, h'wag mo naman ako pahirapan ng ganito." Tanghali na ulit ako bumaba at wala na rin sina Tita Kris doon. Nakunsensya ako bigla nang makita kong malinis na ang parte kung saan natapon ang pagkain. Alam kong si Tita Kris ang nag-abalang maglinis doon. Kaysa magmukmok ay nagsimula akong maglinis ng bahay. Ayaw ko nang isipin ang nangyari kanina. Nagsimula akong maglinis sa kwarto namin ni Sullivan at sinunod ang ibang guest room. Pinalitan ko lang ang iba ng bedsheets at nilinisan ang bathroom bago dumiretso sa baba at linisin ang sala. Pinalitan ko rin ng kurtina at nilagyan ng mas maaliwalas tignan. I smiled when I felt content. Nakailang palit din kasi ako. Nang matapos ay nag-mop din ako. Tila ba pinanindigan ko na rin ang sinabi ni Sullivan na maid niya ako. Ayaw rin kasi niya na may ibang tao sa bahay, kaya ayaw niyang magkaroon kami ng katulong. Ang dahilan niya ay kaming dalawa lang naman daw ang titira, kaya hindi na 'yon kailangan. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa habang hindi ko pa naliligpit ang mga ginamit kong panlinis. Magpapahinga lang sana ako saglit pero nakatulog na ako. Naramdaman kong parang may nakatitig sa akin dahilan para malamulat ako ng mata. Nagulat ako nang makita si Sullivan na malamig ang matang nakatingin sa akin. Mabilis akong napabalikwas ng bangon at nahilo pa dahil sa biglaang pagtayo. Napaupo ako sa kama at bahagyang hinilot ang ulo. "Kanina ka pa ba dumating? Hindi ko narinig na magsalita siya, kaya nagdilat ako ng mata. Nakita ko siyang mataman na nakatingin sa akin at hindi pa rin nagsasalita. "Anong oras na ba?" tanong ko matapos magkusot ng mata. Sinubukan kong hanapin ang mga ginamit kong panlinis, pero wala na ang mga ito sa puwesto kung saan ko nilagay. "You've been sleeping for 3 hours now since I arrived." Nagulat ako sa sinabi niya at sinilip ang labas. Malalim na ang gabi at madilim na nga sa labas. Mas lalo akong nagulat nang may mapagtanto. "H-Hindi pa ako nakapagluto! Nagugutom ka na ba?" tanong ko at nagmamadaling pumunta sa kitchen at naglabas ng gulay at karne kahit hindi ako sigurado kung ano nga ba ang lulutuin. Naramdaman kong sumunod siya sa akin. Tinignan ko siya at nakitang magkakrus ang mga kamay niya habang nakasandal sa hamba ng pinto. "How far would you go just to pretend that you're a useful wife, hmm?" Natigilan ako sa tanong niya at kunot-noong tinitigan siya. Saglit pa kaming dalawang nagtitigan bago ko siya tinalikuran at saka naghiwa ng mga gulay. I decided to just cook pinakbet and liempo for us. "H'wag ka nang mag-abala, hindi ako sasabay kumain." Muli akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko na napigilan ang sarili at humarap sa kanya. Doon ko lang napagtanto na nakapang-alis siya ngayon. He's wearing a leather jacket and t-shirt inside. Mula sa kinatatayuan ay naamoy ko rin ang pabango niya. "Saan ka pupunta?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot niya. "We have a gig," maikling sagot niya at tinalikuran ako. Hindi ako nagsayang ng oras at hinabol siya. Tila may sariling buhay ang kamay ko at humawak sa mga braso niya para pigilan siya sa pag-alis. I felt him freeze, but I ignored that thought and calmed myself. "Sasama ako," mabilis na saad ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko maging ang pag-igting ng panga niya at pagdilim ng mata niya. Alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, pero gusto ko talagang sumama at panoorin silang tumugtog ng banda. Matagal ko na rin kasi siyang hindi nakikitang magtanghal. "No. You're not going with me," matigas na sabi niya bago naglakad paalis pero mabilis ko siyang hinabol at hinarang ang kamay para hindi siya makadaan. "Damn, this woman," bulong niya pero hindi naging malinaw sa pandinig ko. Taas-noo ko siyang tinitigan at kinuyom ang dalawang kamao. "P-Payagan mo na 'kong sumama, h-hindi naman ako magkukulit," pakiusap ko at nagpaawa ng mukha. Nakita kong natigilan siya nang makita ang mukha ko. I pursed my lips and looked at him sadly. Hindi ko alam kung tatalab ang pagpapaawa ko, pero mukhang tumalab naman dahil inutusan niya akong magpalit ng damit sa taas na mabilis ko namang sinunod. Tumakbo ako paakyat sa kwarto, muntik pa nga akong matisod at narinig ko ang sigaw sa akin ni Sullivan ngunit hindi ko 'yon pinansin at pumasok sa silid namin. Binuksan ko ang closet ko at nilabas ang mga damit kong matagal ko nang hindi nasusuot. I also applied light makeup. I smiled at myself in the mirror. I was wearing a leather skirt and a chiffon crop top. I also wore my leather boots with my outfit. I guess Fiore is finally back. Nakangisi akong bumaba at naabutan ko roon si Sullivan na inip na inip na nanghihintay sa akin. Nakita ko kung paano niya pasadahan ang suot ko at mapatitig sa mukha kong may makeup. Ngumiti ako sa kanya at humawak sa braso niya ngunit agad din niya 'yong tinanggal at naunang maglakad sa akin. Napanguso ako at pinagmasdan ang likod niya habang naglalakad. Hindi manlang binati ang itsura ko samantalang noon ay lagi niya akong pinagbabawalan na magsuot ng ganito dahil laging expose ang ilang bahagi ng katawan ko. Sumunod ako sa kanya at umupo sa parking seat. Natigilan ako nang makita siyang nakatitig sa akin na para bang may ginawa na naman akong masama. Bahagya akong napalunok nang makitang dumapo sa legs ko ang tingin niya. Mabilis din siyang nag-angat ng tingin at pinasadahan ng dila ang labi niya. "Doon ka sa likod, may susunduin pa ako." Gusto kong magtanong kung sino yon, pero natakot ako na baka magbago ang isip niya at pababain ako ng sasakyan bigla. Masama ang loob kong lumabas at pumasok sa likurang bahagi ng sasakyan. Nagsimula na siyang mag-drive at kahit gustuhin ko man na kausapin siya ay paulit-ulit niya lang akong sinusungitan at minsan ay hindi pa pinapansin. Natigilan ako nang huminto kami sa tapat ng isang hotel. Mayamaya lang ay may babaeng lumapit sa kinaroroonan namin at binuksan ang shotgun seat at pumasok. Para akong sinampal ng katotohanan nang makita kong hinalikan ni Sullivan ang babae sa pisngi na para bang wala akong dalawa sa harapan nila. Nasasaktan akong pinagmasdan ang itsura ng babae. She's wearing a knee-length white dress. It was just simple, but she's undeniably beautiful. For the first time after being in a relationship with Sullivan, I felt insecure. Para akong nasa telenobela habang pinapanood si Sullivan na ikabit ang seatbelt ng babae niya at sinigurado pa na maayos na nakakabit 'yon. Naramdaman kong nalaglag ang mga luha sa mata ko ngunit hind ko iyon pinansin. Ako ang asawa, pero bakit sa iba niya ginagawa iyon? "Oh, my. Hindi mo sinabing may tao pala!" nagulat na saad ng babae nang makita ako. Binaling niya ang ulo sa akin at nginitian ako. Napansin ko na wala siyang suot na makeup, pero kahit gano'n ay tumitingkad pa rin ang ganda niya. Ngumiti ako ng mapait at pinawi ang mga luhang nalaglag sa pisngi ko. "Hello, I'm Anika." Hindi ako nakasagot at tinitigan lang siya. Napakuyom ako ng kamao at nilipat ang tingin kay Sullivan na nagpapalit-palit ng tingin sa aming dalawa. Tila natauhan naman ang babae at binawi ang kamay niya. Nakaramdam ako ng guilty dahil naramdaman ko talaga ang sincerity niya, pero hindi ko kayang magpanggap na okay lang ako sa presensya niya. Buong biyahe papunta sa bar ay napakadaldal ng babae. Paminsan-minsan ay naririnig ko ang mahinang tawa ni Sullivan, bagay na hindi ko naririnig kapag magkasama kaming dalawa. Muling namasa ang mata ko. Hindi ko kilala si Anika at wala akong nakilalang Anika kahit noong kami pa. Posible kaya na ngayon lang silang dalawa nagkakilala? The thought that he didn't introduce me as his wife hurt me. Masyado na niyang pinapamukha sa akin na hindi niya ako gustong maging asawa. Mabilis akong bumaba ng sasakyan nang makarating kami sa lugar. I ignored him when I heard him calling my name. Agad akong humalo sa sa dagat ng mga tao nang makapasok ako sa lugar. Naghahalo ang amoy ng alak, sigarilyo, at matapang na amoy na pabango ng mga tao sa lugar. Naramdaman ko na may mga lalaking napapatingin sa akin ngunit hindi ko sila pinansin at agad na pumunta sa counter para kumuha ng alak. Nakita ko ang paglaki ng mata ni Alvin, nang makita ako papalapit sa kanya. Madalas kasi ay dito ako tumatambay noon kasama ang mga kabanda ko kaya kilala niya na ako. "Fiore!" bati niya. Nakipag-apir ako sa kanya at umupo sa isang stool. "Kumusta? Ang tagal mong hindi nagpunta dito, ah?" nakangiting saad niya at nagsimulang magtimpla ng alak. He already knew what I wanted. Mabilisan lang 'yon at agad niyang inabot sa akin ang baso ng alak. I called it Dawn, dahil na rin sa kulay nito, at ako lang talaga ang nakaisip ng alak na ito. Sa akin lang din ni Alvin sine-serve ito, kaya ako na ang nagpangalan. "Mabuti naman," mahinang saad ko matapos lagukin ang alak. Naramdaman niya ata na ayaw kong pag-uusapan ang tungkol doon kaya natahimik siya. Inasikaso niya rin ang ibang customer, kaya nawala sa akin ang atensyon niya. Narinig kong biglang nagsigawan ang mga tao, at lahat sila ay nagkumpulan sa harapan ng stage. Nakita ko roon ang banda ni Sullivan at naghahanda na para sa pagkanta. Inubos ko muna ang laman ng alak bago tumayo at lumapit sa kanila; there's no point in acting like this. Wala rin naman siyang pakialam kahit na magtampo o masaktan ako. Naglakad ako at nakipagsiksikan sa mga tao. Marami sa kanila ay pinukulan ako ng masamang tingin ngunit pinilit ko pa rin makisingit hanggang sa mapunta ako sa harapan. Natutuwa akong napangiti nang makita nang malapitan si Sullivan. Ibang-iba talaga ang aura niya sa tuwing may hawak na gitara. Ngunit ang ngiti ko ay unti-unting nawala nang mag-umpisa silang tumugtog at marinig ang sigaw ng katabi ko. It was Anika. She was cheering and screaming while almost jumping to support the band. "Whoaaah! I love you!" she said and giggled. I saw Sullivan freeze and stare at me while strumming his guitar. The people were going wild and crazy, singing the song with all their hearts and trying to sing as one. Napangiti ako ng mapait kasabay ng pagtulo ng aking luha. Ang daya naman. Ako ang asawa, 'di ba? Bakit parang ako ang nakikihati sa atensyon niya. Bulong ko sa sarili bago umalis sa kinatatayuan at bigong bumalik sa counter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD