CHAPTER 1: YOUNG MASTER

2034 Words
[After five years from the beginning years of Wild Angels book 1]   Matt Point of View   "Young Master!" I sighed when I heard Butler Jeng's voice. "Do I have to do this?" I asked him. He nodded. "You don't have any choice for now. Please understand High Master, this is for your own sake." Napatitig ako muli sa labas ng bintana where Jean and I used to play in the backyard before. Parang gusto kong balikan ang mga sandaling kasama ko pa siya. Noon, gusto kong lumaki kaagad sa akala kong kaya ko na ang lahat. Pero ngayon, gugustuhin ko muling bumalik sa dati, iyong masaya lang at walang iniisip na kahit na anong problema. "Young Master... kailangan niyo na pong umalis," Butler Jeng handed me a key. I took it and gave him a tight hugged. "Please take good care of my father." "I will," he answered. Bago ako lumabas ng bahay ay pumasok muna ako sa loob ng silid ng aking ama. Tama nga noon si Boss Elsa, may dahilan kung bakit nagawa noon ng aking ama na talikuran ako. Ayaw niyang malaman ng mga kalaban niya ang tungkol sa akin. Nang makipaglaban kami noon sa isla, wala na akong choice kundi ang humingi ng tulong sa aking ama, at doon ko nalaman na ang pamilya pala namin ay mga Mafia na nagkataong kasama pala noon sa labanan. Our family protects but also kills, ang pagpatay ay ugat na sa aming pamilya. Mula pa sa mga great fathers namin ay nagpasalin-salin na sa iba't ibang henerasyon, at matagal na itinago iyon ng aking ama mula sa akin. Hanggang sa ako naman ang nakatakdang mamuno pagdating ng tamang oras at panahon. Pero ayaw ni Dad, kaya naman bata palang ako ay tinatago na niya ako sa lahat, maliban lamang sa mga pinagkakatiwalaan niyang mga tauhan. Ayaw niyang malaman nila na may anak siya para humalili sa trono niya. Gusto daw niyang maranasan ko ang buhay na malaya at malayo sa gulo na kinabibilangan ng aming pamilya. Kaya naman nang magpasya ako noong umalis sa bahay ay hinayaan niya ako.  I knocked first and when I heard 'come in' I entered. I saw him standing in front of our big family painting. Si Mommy na sa painting ko nalang nakilala, si Daddy, at ako noong sanggol pa habang karga karga niya. "I'm sorry Son," High Master's cold voice shifted into a soft and disoriented tone of being a father who has missed his son for a long hell of a time. “I am sorry for everything!” "I understand now Dad, Butler Jeng told me everything and I am sorry for the things that I've done and said to you before," I apologized. This is the first time I saw High Master cried and then suddenly hugged me. This is the first time I feel the warmth of his body. This feeling... "Don't come back son, and find your own normal life and happiness." Hindi ko napigilan ang sarili ko at napahagulhol ako ng iyak sa kanyang mga bisig. Dahil kung kailan ko na siya makakasama, kinailangan ko namang umalis kaagad. Butler Jeng gave me an envelope that says ‘YOUR ENROLLED!’ nang malakalabas ako sa silid. "What is this?" "You have to finish your study here. And this is the only place for you to be safe—for now." "Black Wings Academy," I muttered. The school sounds familiar.   “NAME?” "Matt Jong Ok," I answered. Nasa labas ako ngayon ng gate ng Black Wings Academy. I decided not to bring my car. Nagpahatid lang ako kay Butler Jeng sa pinakamalapit na kanto. He stared at me. "Oh, the Young Master." "Boss Dave?" manghang sabi ko ng makilala ito. He grinned. "Welcome," bumukas na ang gate at mabilis na tinapik ko siya sa likod ganun din ito sa akin. "Who would tell na magkikita parin tayo sa ganitong pagkakataon?" he chuckled. "Yeah, but why you’re here?" "Hmm, new life?" he laughed. "C'mon, don't call me Boss anymore. Just move on." sabay kindat sa akin. I nodded and grinned. Pagkatapos ng maikling kumustahan ay tumungo na ako sa pinaka lobby ng school. "Jesus!" mahinanag bulong ko ng makita ang ilang estudyante sa bawat sulok ng lobby. And it looks like an arena than just an ordinary lobby for school. What a mess! "f**k! I'm out!" one guy yelled, so many tattoos on his body with a piercing too. Nag dirty finger pa ito sa aming lahat at binalibag ang isang upuan. Pero bago pa siya makalabas sa lobby ay may humarang na sa kanya at itinulak siya pabalik sa loob. I knew them! Sila ang mga Seniors Dragon Members noon. Kung ganun... ang school na ito, ay ang school na pinatayo mismo ng isa sa mga Wild Angels noon na si Boss Alice, at ang ginawa niyang mga bantay ay ang mga natitirang seniors? Hmmm, interesting! "When you are enrolled, there is no way to get out," says Nathaniel. "You must follow the rules or you'll be punished!" si Dave naman ang nagsalita. "But beat one of the peace members and you'll be rewarded,” ani Melvin. "Starting today, hindi na kayo pwedeng lumabas ng campus. No gadgets allowed, no weapons, no cigarettes and wines, no drugs, and no s*x. Lahat ng mga bawal na nabanggit ko ay i-surrender niyo na ng maayos ng wala na tayong magiging problema." seryosong ani Dave sa amin habang inililibot ang paningin. "All of you were chosen. Mafias, clan members, gangsters, brats, freakin' rich, and whatsoever. But in this place, you have no choice but to follow the given orders. Learn and you'll be free. Hanggan't hindi kayo natuto hindi kayo makakalabas sa eskwelahang ito," saad ni Nathaniel. "Are you the peace members?" one girl questioned him. She wore a very sexy dress but she looks dangerous. "No," kaagad sagot ni Melvin. "The peace members will be your professors, it means they are so damn good in every way, and the only way to beat them is to fight them—physically." Nag apiran ang ilan, ang iba naman ay walang pakialam sa mga nangyayari, habang ang iba ay parang napipilitan lang. "Anong klaseng school ba ito? Parang tanga lang? Pwede ba? Wala akong panahong makipag lokohan sa inyo? Aalis ako, dahil gusto ko!" hinablot ng isa pang nakatakong na babae ang shoulder bag at nagtuloy-tuloy ito sa labas. Pero muling humarang sina Dave, Nathaniel at Melvin. Nagpumilit ang babae sa paglabas. Kaya naman binuhat na siya ni Dave at mabilis na naitali ito sa upuan. Katakot-takot na mura ang natanggap ni Dave mula sa bibig ng babae, pero hindi ito pinansin ni Dave. "Wala kayong ibang gagawin kundi ang sumunod at sumunod lamang. Sa loob ng paaralang ito hindi kayo ang hari at reyna. Kayo ay mga estudyanteng nararapat bigyang ng tamang lesson para matuto. Huwag na kayong magtatangkang tumakas dahil masasaktan lang kayo. Nakakaintindihan ba tayo?" si Dave. Walang sumagot sa amin. He continued. "May tinatawag na Pleasure zone sa loob ng campus, may playhouse, movies, swimming pool, department store for free, a buffet at may isang oras kayo para gumamit ng phone and internet. Pero ang makakapasok lang ay ang mga estudyanteng makakapasa sa bawat pagsusulit at activities. Habang ang mga babagsak naman ay mapupunta sa Danger Zone." "Anong mayroon, sa Danger zone?" mataray na sabi naman ng isang kulot kulot ang buhok. "You don't have any idea, Miss Curly Cute-Cute," nagbabantang sabi ni Dave. Inirapan lang ito ng babae at muling nag crossed arms. "Any questions?" walang sumagot sa amin. "Aba, mukhang mababaet ang first batch, mabuti naman," ngumisi ito. Pagkatapos ay kinalasan na ang itinaling estudyante. "White building, iyon ang magiging tahanan ninyo. No elevators, no hot shower, no TV, and no personal computer." "No way! Makakarating ito kay Daddy, at ipapasara niya ang bulok na school na ito. My dad is a Senator!" hysterical na sabi naman ng isa. May nag unat sa unahan ko. "Matagal pa ba matatapos? Naman oh, naaantok pa ako," muli itong dumapa sa mahabang sofa. Natatakpan ang mukha nito nang mahaba niyang buhok. "Ang unang makakarating sa white building ay ang makakakuha ng mas pinakamababang floor at gaya ng sinabi ng Kuya Dave niyo, lahat ng mga bawal ay i-surrender niyo na," si Nathaniel. Halos lahat na yata ng mga bag ay inihagis sa gitna ng ilan. Biglang tumayo ang babaeng nakahiga sa sofa. Akala ko naman sasali na siya sa mga tatakbo pero muli itong nahiga. "Ah, forget it," anito at muling natulog. Embes na makisali sa pag uunahan ay ipinasya ko nalang na maglakad papunta sa white building. Anong mangyayari sa loob ng school na ito? Talaga kayang mababago ng eskwelahang ito ang buhay ng bawat isa sa mga estudyanteng tulad ko? Hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili. "Hey, Dude! Long time no see," sumabay sa akin si Christian. Ang totoo napansin ko na siya kanina pa lang sa loob ng lobby. Isa ito sa mga walang paki sa paligid, kaya hindi ko na siya nilapitan. "Yeah, so you're enrolled too," I said. He chuckled. "You just can't believe what happened. Kinaladkad lang naman nila ako papasok sa school na ito." "And you let them dragged you here? I doubt it." "C'mon! I am a good boy!"  "Who says?" I joked. He chuckled again. "Oh, shits! Baka mapunta tayo sa pinakamataas na floor, humihina na ang tuhod ko, bro! See you!" nagmadali na ito. Muli akong napatingin sa gilid ko nang may sumabay sa akin, habang panaka-naka ang pagpikit. "Malayo pa ba ang punyetang white building na iyan?" she asked. "Malapit na," sagot ko sa malamig na boses. Dapat hindi ako magpakita ng anu man na ibang emosyon maliban sa pagiging malamig sa lahat. "Gaano kalapit?" muling tanong niya. "One hundred more steps," I answered. Iminulat niya ang mga mata at tumingin sa akin. Tinitigan niya ako at muling ibinalik ang tingin sa sa harapan kung saan nakikita na namin ang white building. "Are you not in a hurry?" she asked again. "No obviously," I answered. "Why? There must be a reason." "You're annoying," flat na pagkakasabi ko. Huminto ito sa paglalakad, pero nagpatuloy parin ako. Napahawak ako sa ulo ng may tumama doon, walang iba kundi ang isa sa suot niyang flat shoes. "Be thankful na hindi takong ang isinuot ko! Napaka ungentleman mo! Walang feelings! Manhid pa sa mga manhid!" pagsisigaw nito. Hinarap ko siya at nakita ko nga ang pamumula ng magkabilang tainga niya sa inis sa akin. Pinulot ko ang sapatos niya at malakas na inihagis sa malayo embes na ibalik iyon sa kanya. I secretly grinned, habang nakita ko ang pangungugat ng noo at leeg niya sa sobrang inis sa akin. "What the hell? Buwiset ka! Buwiset!” "The hell is me," I told her at nagpatuloy na sa paglalakad. Naririnig ko pa ang pag-iingay niya dahil sa matinding inis sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa. Pero sandali lang... she looks familiar to me—saan ko nga ba siya nakita? Dalawang susi nalang ang natitira. Iyon ay ang room number fifty-two at fifty-three. May isang babae ang nagbabantay. "Miss, alin ang mas maganda dito?" sabay kindat sa kanya. "Mas maganda po iyong pinaka-last, 'yon po ang piliin niyo Sir," sagot nito sabay ngiti sa akin ng matamis. Pero alam kung hindi ito basta-basta lang. Hindi kukuha si Boss Alice ng mga mahihinang bantay lalo pa kung mga sira-ulo ang mga estudyante. "Thank you!" kinuha ko ang fifty-three at umakyat na sa hagdan. Nasa ikalabing-lima kaming floor at hindi biro ang pag-akyat sa hagdan. "I told you bro!" si Christian na nasa Ika-sampung palapag. Nginisihan ko siya at nagpatuloy na sa pag akyat, binuksan ko ang kwarto at napangisi ako. "I knew it!" mabilis na lumundag ako sa malambot na kama na naghihintay sa akin.. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay binulabog ako ng isang matinis na tili sa kabilang silid. Dali-dali akong bumangon at pinuntahan ang kabila at ang sumunod na eksena ay nasa mga bisig ko na ang babae. Mahigpit ang kapit niya sa mga batok ko at talagang makikita mong takot na takot siya. "Ipisssssssssssssss!" pagtitili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD