CHAPTER 2: PALABAN GIRL

1435 Words
Cheche’s POV Kumukulo ang dugo ko sa punyetang lalaking nakasabayan ko. Siya na nga itong kinakausap ng maayos siya pa itong magaspang umasta! Akala mo naman kung sinong poge—hindi naman! Kaya sa inis ko ay binato ko siya ng suot kong shoes, pero ang buwiset itinapon niya iyon sa malayo. Kaya wala na akong panahon para kunin pa ang pesteng sapatos na iyon. Kahit kailan talaga, may taong mambu-buwiset ng araw mo. Kaya wala akong choice kundi ang mag paa dahil mas nakakahiya naman kung isang sapatos lang ang isusuot ko, kaya naman inihagis ko rin ang isa pang sapatos sa kung saan niya iyon itinapon. Room fifty-two ang nakuha ko at hindi iyon ang pinakahuling susi, at hindi lang iyon, nasa ikalabing limang floor ang nakuha kong silid!! My God! Embes na magmukmok ay sinimulan ko ng umakyat dahil gustong-gusto ko na talagang makapagpahinga ng maayos. Wala kasi akong tulog sa nagdaang gabi dahil sa haba ng listahan na ginawa ni Inay para sa akin, at ang walang katapusang pangaral naman ni Itay. Tagaktak ang pawis ko ng marating sa wakas ang ikalabing-limang palapag. At ipinasok ang susi sa silid ko. Papag at hindi kama ang nadatnan ko. Electric fan embes na aircon, at ang dugyot pa! Akala ko ang nasa pinakamataas ay ang magagandang silid? Ako ba'y naloko ni Ate Alice? Bakit ganito?! Ah ‘di bale, sanay naman ako sa ganito kaya ayos lang! Dahan-dahan akong nahiga sa papag at napangiti. Okay naman pala, eh! Pipikit na sana ako ng may biglang nalaglag sa mukha ko at iyon ay isang malaking ipis! "Ipissssssssssssssss!" pagtitili ko, sabay biglang bukas ng pinto at may nakita akong nakatayo doon kaya naman mabilis pa sa alas-kwatro na nagpa-karga ako sa kanya. "Ipisssssssssss! Ipissssssssssss! Bilis patayin mo!" niyugyog ko ang mga balikat niya, habang napapapikit akong isinusubsob ang mukha sa dibdib niya. “Miss, mas mabigat kapa sa ipis. Para ipis lang, eh!" anito at walang sabi-sabing ibinaba ako. Pero hindi parin ako tumigil. "Shut up! You are so annoying!" he hissed at me. "Aba nga naman ang pagkakataon, oh!" mataray na sabi ko nang makabawi ako at makilala kung sino ang buwiset na nasa harapan ko. Pansamantalang nakalimutan ko ang lintik na ipis na 'yun. "Ikaw na naman? Ang Mr. Bweset sa buhay ko, umalis ka nga sa harapan ko baka hindi kita matantiya ha?" mataray na sabi ko sa kanya. "May ipis sa likuran mo, oh!" sabay turo niya sa likuran ko. "Eeee!" tumalon ako sa kanya at naglambitin pa.  "Patayin mo!" "Uto-uto," sabi niya at malakas na kinalas ang mga braso ko. Pumasok siya sa loob ng silid at hinanap ang ipis, natakot yata kaya hindi na nagpakita pa sa kanya. "Walang ipis, Miss! Baka naman gusto mo lang talagang maka-tsansing sa akin, dahilan mo?" anito na nagpakulo sa dugo ko. "Ang kapal naman ng pagmumukha—" The next thing I knew is—his lip touches mine. What the.. togodog godog dog dog... "There... ibinigay ko na ang gusto mo, siguro naman tatahimik kana ngayon," aniya at umalis na sa harapan ko. Habang nakatulala lang ako dahil hindi pa nag si-sink-in sa utak ko ang mga nangyari, and my heart beats so fast! Shits! Did he just kiss me? Muli akong pumasok sa loob ng silid ko at muli kong nakita ang ipis pero malakas na hinampas ko ito ng libro dahil sa inis ko. Ito ang napag-balingan ko kaya paulit-ulit ko itong hinampas hanggang sa magkadurog-durog ito. "Bweset siya! Wala siyang karapatan na halikan ako! Wala! Humanda ka sa akin! Hayop ka! Bastos!" pinukol ko ng masamang tingin ang nakapagitang pader sa amin at mabilis na nag-toothbrush. Paulit-ulit hanggang sa nagsawa na ako, para lang mawala ang mainit nitong mga labi. "Pweeee!"   [5:00 AM] Umalingawngaw sa buong campus ang isang malakas at nakakairitang tunog ng alarm clock at ang paulit-ulit na mensahe ng sinumang nambubulabog sa amin. "Students, we will give you ten minutes para ayusin ang sarili niyo, at ang mali-late ay hindi mag b-breakfast." "Oh... shut up, please! Naaantok pa ako," naiiritang reklamo ko. "Students, we will give you ten minutes para ayusin ang sarili niyo, at ang mali-late ay hindi mag b-breakfast. "C'mon!" I hissed at inis na bumangon. "Students, we will give you ten minutes para ayusin ang sarili niyo, at ang mali-late ay hindi mag b-breakfast." "Oo na nga! Oo na!" sigaw ko. "Again and again? Hindi makapag move on?! Buwiset!" hinagilap ko na ang tsinelas ko at tinatamad na pumasok sa loob ng banyo. "Ano ba!" frustrated na sabi ko dahil pagbukas ko ng gripo ay wala iyong tubig. "Ganito ba kahirap ang eskwelahang ito at ke-bagong bukas naputulan kaagad?" Kinuha ko ang bihisan at lumabas ng silid ko. Kumatok ako sa katabing pinto. Nag-iwas ako ng tingin ng ang walang hiyang lalaki ang nagbukas. Mamasa-masa pa ang buhok niya at siya sige na nga—ang hot niya, eh ano? Itinaas niya ang dalawang braso sa pinto at parang nang-iinis pang tiningnan ako mula ulo hanggang sa paa. Na conscious tuloy ako, namatay na kasi ang isa sa mga kuko ko. Nakita ko ang pagpigil niyang matawa. "Pwede bang makiligo?" sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagtaas nang kilay niya. "You’re not my type and no s*x allowed here," ang sagot niya. “Hindi rin ako pumapatol ng nene pa.” "Makikiligo lang s*x agad? Anong akala mo sa akin?" "Hindi babae." "Ano? Nakaka-insulto kana talaga!" "One minute to two ang pagbaba ng hagdan kung hindi ka lumpo-lumpo, at isang minuto na ang nasasayang. Limang minuto ang pinakamabilis sa loob ng banyo, so... its means may dalawa pang natitirang minuto..." tumitig ito sa mga labi ko. Kaagad na tinakpan ko ang mga labi ko. "Subukan mo lang at may kalalagyan ka sa akin!" pagbabanta ko. He shook his head and step aside. "Come in." Kung kailan pinapapasok na niya ako, saka naman tinamaan ako ng pagdadalawang-isip. Lumunok muna ako at pumasok na sa loob, pero bago pa niya isara ang pinto ay itinulak ko na siya palabas at ini-lock ang sariling pinto nito. "I don't trust you!" sigaw ko. Panay ang katok niya sa labas. "Open my goddamn door, or I will kill you with my own hands!" "Five minutes!" ganting sigaw ko at napangisi. Ano ka ngayon? Hmmf! Akala mo ha? Pagharap ko sa silid, ang p*ta! Malambot na kama? At ang ganda pa ng lagayan ng mga gamit at damit niya. Samantalang kabaligtaran lahat ng sa akin! Pero teka nga lang, diba dapat ako ang nasa pinaka last dahil ako ang pinakahuli sa aming lahat? Then, ako dapat ang nasa kwarto na ito at hindi ang buwiset na lalaking iyon! Humanda ka talaga sa akin mandurugas! Pumasok na ako sa loob ng banyo niya at hindi ko mapigilan ang mapa-sipol. Dahil kompleto ang gamit niya sa loob. Mula sa sabon, shampoo at may hanep na conditioner pa! Samantalang iyon sa akin ay halos hindi na ako bigyan dahil nasa tipid pack ang mga iyon. At hindi lang iyon, may hot shower pa! Nagsimula na akong maghubad at isinantabi muna ang inggit na nararamdaman at inis. Kailangan kong lubusin ang pagkakataong nandirito pa ako sa loob ng banyo, dahil siguradong hindi ko na ito matitikman muli. Magkakasya na ako sa paggamit ng tabo instead of shower, sanay naman ako dun eh! At ang gumamit ng pinaka-cheapest na yatang sabong pampaligo dahil wala akong nakikitang nakaukit na brand. "You will pay for this!" biglang sulpot nito sa loob ng banyo. "Ay mukha mo kabayo!" dahil sa gulat ko malakas na nasampal ko siya at nilagyan ng sabon ang kanyang mga mata. Eh sino ba naman kasing gagong bigla-bigla nalang papasok sa loob ng banyo, kahit alam naman niyang may gumagamit? At isa pa iyong babae? Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, ang bugbugin ang lalaking ito o takpan ang sarili ko. Habang siya naman ay malakas na binuksan ang shower at kinuskos ang mga mata. "Kaw talagang babae ka! Ahhh!" Nakatulala parin ako habang nababasa din ako ng tubig ang aking katawan. Para na akong estatwa sa kinatatayuan ko. Gusto kong damputin ang tuwalya pero ayaw gumalaw ang mga kamay ko. Gusto kong sumigaw pero parang nalunok ko na ang dila ko.  Hanggang sa humarap siya sa akin, at halos lumuwa ang mga mata ko ng magtitigan kami. "Do... do…" I stammered. "Don't look down..." sabi ko sa kanya habang titig na titig kami sa isa't isa. "Anong merun sa ibaba?" sabi niya habang nakikita ko unti-unti ang pagsilay ng pilyong ngiti niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD