Prologue

371 Words
Si Samuel ay lumaking ulila dahil parehong namatay ang kanyang mga magulang at ang kanyang nakatatandang kapatid na babae sa isang aksidente noong siya ay bata pa. Kasama si Samuel sa aksidenteng iyon, magbabakasyon sila ng kanyang pamilya patungo sa probinsya sa kanilang lola Vicenta na ina ng kanyang ama. Sa kasamaang palad, habang sila ay naglalakbay patungo sa kanilang destinasyon, isang malaking truck ang biglang bumangga sa kanilang likuran, na agad ikinamatay ng kanyang mga magulang at kanyang nakatatandang kapatid na babae. Sa apat na tao na sakay ng kanilang sasakyan, si Samuel lang ang nakaligtas. Kasalukuyang nakakulong ang driver ng nasabing truck. Si Donya Vicenta ay lola ni Samuel, isang taong maka-Diyos, naniniwala siya na ang nakatakdang mangyari sa bawat buhay ng tao ay sadyang mangyayari masakit man ito o hindi ay dapat tanggapin. Ipinaubaya na ni Donya Vicenta sa pulisya ang imbestigasyon sa insidenteng iyon, kung sino man ang mapatunayang nagkasala ay makukulong. Lumaking mabuting bata si Samuel, ngunit sa kabila ng kanyang kabutihan, hindi maitatanggi na may kinikimkim pa rin siyang galit sa taong nakabangga sa kanila at naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang at kapatid. Lumaki si Tanya kasama ang kanyang tatlong nakababatang kapatid. Si Tanya ay panganay sa apat na magkakapatid, sa kabila ng pagiging isang ate, siya ang naging magulang din ng kanyang tatlong kapatid mula nang mamatay ang kanilang ina dahil sa sakit noong sanggol pa lamang ang kanilang bunsong kapatid at ang kanilang ama ay nakulong dahil sa isang krimen na hindi naman niya sinasadyang mangyari. Si Aling Meding ay isang mapagmalasakit at mabuting kapitbahay nila Tanya na tinutulungan sila mula pagkabata at siya rin ang naging pinagsusumbungan ni Tanya sa lahat ng kanyang hinaing sa buhay. Itinuturing niya si Aling Meding na bahagi na din ng kanilang pamilya. Sa kabilang banda, nagpatuloy si Tanya sa pag-aaral habang tumutulong sa pagtitinda sa Tindahan ni Aling Meding at habang nag-aalaga sa kanyang mga kapatid. Ngunit nang makatapos siya ng high school, hindi na siya nagpatuloy sa kolehiyo, nagdesisyon siyang mag-focus sa paghahanap-buhay at pag-aalaga sa kanyang tatlong nakababatang kapatid. Malaki ang utang na loob ni Tanya kay Aling Meding dahil tinulungan sila nito sa kabila ng pagsubok na kanilang kinaharap magkapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD