Gumising na kayo Edward, Melissa at Elizabeth, tanghali na, papasok pa kayo sa school, mahinahong sigaw ni Tanya sa mga kapatid habang inaasikaso ang mga dadalhin niya sa trabaho sa palengke. Opo ate, ito na po, tugon ni Edward kay ate Tanya niya. Nagluto na ako, may pagkain na diyan, ikaw na bahala Edward, magbalot ng pagkain na babaunin niyo para sa inyong tatlo at pupunta na ako sa palengke para makapagtinda baka tanghaliin ako, sabi ni Tanya sa kapatid na si Edward. Opo ate masusunod po!, sagot ni Edward at sumaludo pa sa kayang ate Tanya. Napangisi tuloy si Tanya sa kapatid dahil sa pagiging snappy nito na tipong parang sundalo o pulis umasta at sumagot na habang nakasaludo sa kanya si Edward. Dahil noon pa naman ay sadyang pangarap na ng kanyang kapatid na si Edward na maging pulis o sundalo paglaki nito. Ay siya sige na! Alis na ako, paalam, ingat kayong tatlo sa pagpasok sa paaralan, muling bilin ni Tanya sa kanyang mga kapatid.
Isda, isda po kayo dyan mga suki, bili na po kayo, sariwang isda, galing sa biyaya po ng ating panginoon, sabi ni Tanya habang nag-aalok ng kanyang mga panindang isda sa mga taong namamalengke. Hoy! Tanya pinabibigay nga pala ito ng iyong prince charming, tawag ni Angelita kay Tanya habang naglalakad palapit sa kanya. Si Angelita ay matalik na kaibigan ni Tanya na kasamahanan din niya na nagtitinda ng isda sa palengke sa tindahan din ni aling Meding. Oh! saan ka na naman ba galing Angelita tsaka ano ba ya'ng dalang dala mo'ng iyan? Tanong ni Tanya kay Angelita. Ako'y nagkape lang at nakasalubong ko pabalik dito ang iyong prince charming na si Welbert, ito oh!ipinabibigay sa iyo, siya daw nagluto niya'n adobong manok daw, pakilig na may halong panunukso ang sagot ni Angelita kay Tanya. Bakit kasi Tanya ayaw mo pa sagutin yan'g si Welbert ? Eh mabait naman, may itsura pogi!, macho, may pinag-aralan, tsaka binata at walang pa'ng nagmamay-ari sa poging iyon, tanong ni Angelita kay Tanya na may halong panunukso ulit sa dalaga. Hindi pa nga pwede, sagot ni Tanya. Bakit naman hindi pwede? Eh wala ka pa naman'g jowa Tanya, sino ba naman yan'g pumipigil sa iyo na umibig, si aling Meding ba? Tanong ulit ni Angelita.
Wala, nais ko lang mag focus muna sa mga kapatid ko upang makapagtapos sila ng pag-aaral at mabigyan sila ng magandang buhay bago ang sarili ko, alam mo naman Angelita ang sitwasyon ng buhay naming magkakapatid, yan pa ba ang pagtutuonan ko ng pansin ang sarili ko, tsaka na ako pagka okey na ang sitwasyon ng buhay naming magkakapatid, tsaka hindi naman ako nagmamadali, may panahon para dyan, sagot ni Tanya. Hay! naku Tanya, tatanda ka nga niya'n na dalaga, sige ka! pang-asar na sabi ni Angelita.
Aling Sonya ang lola nandyan po ba? Tanong ni Samuel na kararating lang. Good morning sir Samuel dumating po pala kayo, bati ni Aling Sonya, nasa kwarto pa po niya sir, sagot uli ni Aling Sonya. Good morning din sa iyo Aling Sonya, sige akyat muna ako, sabi ni Samuel. Sige po sir, sagot ni Aling Sonya. Lola, tawag ni Samuel at sabay katok sa kwarto ng kanyang lola. Pasok, oh iho nandito ka pala, bakit hindi ka nagpasabi na paparito ka? At ng mapabili ko si Sonya ng mga paborito mo at siya'ng maihain, wika ng kanyang lola Vicenta. Lola hindi na po kailangan, alam niyo naman po na hindi ako pilian ng pagkain, kung anong meron ay okey na po sa akin, nais ko lang po kayong bisitahin, sagot ni Samuel sa kanyang lola Vicenta. Hay! naku iho, hindi ka talaga nagbabago, ganyan at ganyan ka parin simula pa ng bata ka pa mahilig mang surpresa, wika ng kanyang lola Vicenta. Kumain kanaba? Tanong ng kanyang lola Vicenta. Hindi pa po lola, gutom na nga po eh! madaling araw pa po ako umalis sa condo kanina, sagot ni Samuel sa kanyang lola Vicenta. Ay sya! tara sige na! tayo'y bumaba na pa kusina, wika ng kanyang lola Vicenta. Habang kumakain sila ng almusal panay ang tanong ng kanyang lola Vicenta sa kanya. Kumusta naman ang pag-aaral iho? Okey ka lang ba sa condo mo? Tanong ng kanyang lola Vicenta. Okey lang po lola, wala po kayong dapat alalahanin, maayos naman po ako sa school at maayos naman po ang pamamalakad nila sa school, tsaka maayos din po ako sa napili nyo'ng condo para sa akin dun sa syudad, sagot ni Samuel sa kanyang lola Vicenta. Mabuti naman iho kung ganon, natutuwa ako at maayos ikaw dun. Alam mo minsan sabihin mo sa akin kung meron ayaw mo or hindi okey sa iyo, bilang lola mo maari mo'ng sabihin kung ano yun'g ginugusto mo at ayaw mo ha iho Samuel, ni minsan ay hindi kita narinig na umayaw or nagsabi man lang sa aking na ayaw mo sa ganung bagay o sa ganitong sitwasyon, wika ng kanyang lola Vicenta. Lola, wala naman po akong hindi nagugustuhan sa lahat ng itinulong niyo sa aking bilang apo niyo, lahat po ay utang na loob ko po sa inyo, dahil kayo na po ang tumayong magulang ko simula ng nawala sina mama at papa, wika ni Samuel. Natural yun iho dahil apo kita, anak ka ng anak ko, ako ang unang una na tutulong sa iyo apo ko, tungkulin ko yan bilang lola mo, tugon ng kanyang lola. I love you lola, wika ni Samuel sabay halik sa noo ng matanda. I love you too iho Samuel sabay yakap at ngiti sa kanyang apo, sya sige ituloy na ang pagkain, wika ng kanyang lola. Okey po lola, tugon ni Samuel. Lola isang linggo po muna ako dito mag i stay, wla pa po kasing pasok kasi semestral break po, wika ni Samuel sa kanyang lola. Okey iho, anytime naman pwede ka mag stay dito, tugon ng kanyang lola. Si Samuel ay bukod sa lumaking mabuting tao ay napaka sipag nito at matulungin din. Lahat ng ginugusto din ng kanyang lola ay sinusunod niya, ayaw na ayaw niya na sumama ang loob ng kanyang lola Vicenta, mahal na mahal niya ang kanyang lola Vicenta.