"Boss mahal ko... may nagpapapansin na ba sa iyo sa trabaho mo? Kasi parang araw- araw kang gumaganda. Kaya imposibleng walang nakapansin sa magandang babae na kagaya mo. Kaya lalo tuloy akong nai- stress. Parang gusto ko na lang na bantayan ka lagi kung puwede ko lang iwan ang anak natin sa mga yaya nila. Kaya lang mas maganda pa rin kasi kung ako ang ang mag- aalaga sa kanila..." tila isang batang nagpapalambing na sabi ni Gray. Natawa naman si Camilla at naisip niya si Jacob dahil ito ang nagpapapansin sa kanya. Tama nga ang sinabi sa kanya ni Alisha nakahawig niya nga ang yumao nitong girlfriend. Kaya naman wagas ito kung titigan siya. May mga pagkakataon nga na nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya at nakakailang dahil wala itong kurap- kurap kung titigan siya. At ang paraan ng pag

