"Camilla... puwede ba tayong mag- usap?" sabi ni Leo nang lapitan niya si Camilla. Kumunot naman ang noo ni Camilla. Bihira lang naman kasi sila magpansinan ni Leo at nag- uusap lang sila tungkol sa trabaho. Kung may tanong siya pero ngayon ay nagtaka siya dahil parang seryoso si Leo. "Puwede naman. Bakit? Ano ba ang pag- uusapan natin?" takang tanong ni Camilla. "Halika... dito tayo sa tabi..." sabi ni Leo kung saan sumunod naman sa kanya si Camilla. Nakaramdam ng pagtataka si Camilla pero pakiramdam niya ay importante ang sasabihin sa kaniya ni Leo. Bumuntong hininga si Leo bago nagsalita. "Camila.... gusto ko lamang balaan ka na huwag ka nang makikipag- usap pa kay Jacob dahil iba ang takbo ng isip ng lalaking yun..." Nagsalubong ang kilay ni Camilla. "Ha? Bakit? Ano bang iniisip

