Gustong sumigaw sa galit ni Gray dahil sa nangyari sa kaniyang asawa. At sinisisi niya pa ang kaniyang sarili dahil pumayag siya sa gusto nito. Na magtrabaho ito. "Gray... kumalma ka. Mukhang alam ko na kung saan puwedeng dalhin ni Jacob ang asawa mo..." sambit ni Leo kaya napatingin sa kaniya si Gray. "Saan?" "May bahay si Jacob na nakatayo sa gilid ng bundok. Kung saan doon siya tumira noong nangungulila siya sa girlfriend niya. Kaya sa tingin ko, nandoon si Camilla dahil hindi naman puntahin ang lugar na iyon. Bibihira lang ang nagpupunta doon. Iyong mga kabataan lang na umaakyat ng bundok..." salaysay ni Leo. "Kung ganun... kailangan na natin puntahan yun para makuha ko na ang asawa ko. Isang baliw na nilalang ang Jacob na yung para isipin na nasa katauhan ng asawa ko ang namatay n

