Nagimbal ang buong pagkatao ni Jacob nang makita ang kaniyang kaibigan na si Leo na duguan. Mabagal na bumagsak si Leo sa sahig kung saan natamaan ito sa sikmura. Dapat sana si Gray ang mababaril ni Jacob kung hindi lang humarang si Leo. Mabilis siyang kumilos nang mapansin niyang nakatutok na kay Gray ang baril kaya naman agad niyang itinulak si Gray at siya ang natamaan. "Leo! Anong ginawa mo?!" sigaw ni Jacob sabay yakap sa kaniyang kaibigan na duguan sa sahig. Agad na lumapit ang mga pulis at saka nilagyan ng posas si Jacob. Nagsisisigaw pa siya at nagpupumiglas dahil gusto niyang lapitan ang kaniyang kaibigan na ngayon ay nanghihina. Nagtulungan ang mga pulis ba buhatin si Leo patungo sa sasakyan at ihatid sa pinakamalapit na ospital. "Camilla!" sambit ni Gray sabay yakap ng mahigp

