May ngiti sa labi si Gray habang nagmamaneho siya pauwi sa kanilang bahay. Wala siyang kaalam- alam na wala na roon si Camilla dahil dinakip ito ni Jam. Excited pa naman siyang makita ang kanyang asawa dahil may pasalubong siyang pagkain para dito. Binilisan na niya ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan dahil gusto niya ng makita ang kaniyang asawa. Pagkarating niya sa kanilang bahay, malalaki ang hakbang niyang nagtungo sa kanilang kuwarto. Ngunit laking pagtataka niya nang wala siyang madatnan doon. "Mahal ko? Nasaan ka? Nandito na ako.... may pasalubong ako sa iyo," sambit niya sabay lakad patungong banyo ngunit wala roon ang kaniyang asawa. Inilapag niya ang dala niyang pagkain sa mesa at saka lumabas ng kanilang kwarto. Pagkatapos ay may kinausap siyang kasambahay upang alamin kung

