Camilla's P. O. V. Natatawa ako sa reaksyon ni Gray nang sabihin ko sa kaniyang magkakaanak na kami. Kulang na lang ay tumalon siya nang tumalon dahil sa sobrang tuwa. At ang sarap pala sa pakiramdam na ganito ang reaksyon ng asawa mo kapag nalaman nilang buntis ka. "Boss mahal ko... salamat dahil magkakaroon na tayo ng anak. Sobrang saya ko dahil sa wakas, magkakaroon na ako ng pamilya. Hindi na ako makapaghintay pa na makita ang anak natin. Aalagaan ko kayong dalawa ng anak natin. Ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para maging masaya kayo sa piling ko..." tila naiiyak niyang sabi sabay yakap sa akin. Gumanti rin ako ng yakap sa kaniya. "Huwag kang mag- alala, mahal ko... gagawin ko rin ang lahat para maging mabuting asawa sa iyo.. Ipinapangako ko rin na magiging masaya kayo ng an

