Gray's P. O. V. "Kumusta ka naman dito? Ang laki ng perang na- remit mo kay mommy. At ang sabi niya sa akin, mukhang pinagbubutihan mo raw talaga ang trabaho mo dito," nakangiting saad ko. Ngumiti naman siya. "Opo, kasi marami akong naibentang cake kahapon. Ngayon, nagbe- bake ako ng extra para kapag naubos ang cake sa chiller, may nakahanda na po ako kaagad." "Nakakatuwa naman dahil ang sipag mo. Natutuwa si mommy sa iyo kaya tataasan niya ang sahod mo." Nanlaki naman ang mata niya. "Wow! Talaga po! Marami pong salamat sa inyo, ninong!" Napangiti na lang ako. Ang sarap pagmasdan ni Camilla na masaya ngayon. Ang ganda niya talaga. Hindi ko alam kung tama ba na magkaroon ako ng nararamdaman sa kaniya lalo pa't inaanak ko siya. Parang dati lang, ako ang nagbibigay ng diaper at gatas sa

