Camilla's P. O. V. Kapansin- pansin ang palaging pagpunta ni ninong Gray sa bakeshop para kausapin ako. Binibigyan niya ako ng kung ano- ano at palagi niyang sinasabi sa akin na huwag na akong makipagkita kay George dahil kaibigan daw iyon ng kaaway niya. Sabi ko naman wala naman akong pakialam kung kaibigan iyon nakaaway niya dahil mabait naman sa akin si George at magaan ang loob ko kay George. Wala namang pinapakitang kakaiba sa akin si George at ayoko namang makisali sa gulo nila. Sinasabi niya na baka may gawing masama sa akin si George at nagkukunwari lang itong mabait. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon magsalita si ninong Gray kay George. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ito sa kaniya. Pero isa lang ang pumapasok sa isipan ko ngayon dahil iyon ang napapansin ko. Par

