Camilla's P. O. V. "Ninong Gray?" Dire- diretso siyang pumasok sa loob nang hindi man lang tumitingin sa akin. Kaaalis lang ni George. Mabuti na lang at hindi niya naabutan 'yon dahil baka nagalit pa siya sa akin. "Ninong... bakit parang... wala yata kayo sa mood ngayon?" tanong ko sa kaniya nang sundan ko siya sa pantry. Magkasalubong ang kilay niya nang tumingin siya sa akin. "Sa tingin mo ba magkakaroon pa ako ng magandang mood kung makikita kitang masayang kausap ang tarantadong 'yon?" Nanlaki ang mata ko. "N- Nakita mo po kaming magkausap?" Nandilim ang mukha niya. "Ano pa nga ba? Bakit hindi mo kayang iwasan ang gunggong na 'yon? Talagang hindi ka makikinig sa akin? Hindi ba sinabihan na kita na hindi mabuting tao ang lalaking 'yon? Malamang sa malamang, may masamang balak sa i

