Gray's P. O. V. "Wow! Kahapon ka nakangiti, ah. Anong mayroon? Bakit parang ang saya mo?" natatawang tanong sa akin ni Cyrus. "Ano ba? Huwag ka ngang magulo diyan!" bulyaw ko naman sa kaniya. Malakas siyang natawa. "Alam mo, may napapansin na ako sa iyo. At hindi mo ito maitatago sa akin." Kumunot naman ang noo ko. "At ano naman ang napapansin mo?" Ngumisi siya. "Hindi ka na bumibira ng mga babaeng artista, modelo o kung sino mang babaeng maganda at sexy. Hindi ka na rin sumasama sa akin sa gimik. Eh kapag ganitong wala kang trabaho, kapag pahinga mo, madalas kang nasa galaan ka. Kung saan- saan ka pumupunta para makatikim ng iba't- ibang babae. Tapos ngayon? Wala. Wala kang ganoong ginagawa. Sinundan kita ng ilang beses at palagi kang nandoon sa bakeshop ng mommy mo. Kung saan nandoo

