Camilla's P. O. V. Bumili muna kami ng kung ano- anong makakain dahil gusto raw niya mag- movie marathon muna kami bago matulog. Pumayag na rin ako dahil gusto ko ring masubukan iyon. Bukas pa naman ng gabi uuwi si Alisha kaya makakapaglinis pa ako dito. "May baon ka bang damit pantulog mo? Alangan naman 'yan pa rin ang suot mo," sabi ko sa kaniya nang matapos akong mag- body wash. "Mayroon sa kotse. Sandali lang at kukunin ko," sabi naman niya bago nagmamadaling umalis. Nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng baso at saka nilagyan ko ito ng yelo. Ewan ko ba pero ang gaan ng pakiramdam ko ngayong kasama ko dito si ninong. May parte sa akin na kinakabahan dahil baka mamaya, gapangin niya ako. Baka hindi siya makapagpigil sa akin kapag nagtabi na kami sa kama. Bahala na. Pero sa totoo l

