Camilla's P. O. V. "Ano? Bakit hindi ka makapagsalita diyan?" galit kong sabi sa kaniya. "I'm sorry... nabigla kasi ako sa pagsigaw mo sa akin. Hindi ito chikinini o ano pa man. Kinagat ako ng langgam. Trust me. Langgam ito..." Pinandilatan ko siya ng mata. "Trust me mo mukha mo! Langgam ba 'yang ganiyan kalaki ang pula? Sinong gumawa niyan sa iyo?" Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Camilla... please listen to me and calm down. Kagat lang ito ng langgam. Siguro kaya ganito kalaki ay dahil sensitive ang skin ko. And besides, sino naman ang gagawa nito sa akin? Si Cyrus? Sa bahay ako nanggaling at dumiretso lang ako dito. So please... calm down. Don't think too much, okay?" "Don't think too much mo mukha mo," sabi ko sabay talikod. Ako pa niloko niya. Alam ko ang itsura ng chikinini da

