Gray's P. O. V. "Gray naman... ano bang nangyayari sa iyo? Nang dahil lang sa isang babae, iiwan muna ang showbiz? Bakit? Sino ba ang babaeng 'yan? Masyado ba siyang mahalaga kaysa sa career mo na pinaghirapan mo ng ilang taon? Iiwan mo ang lahat para sa kaniya? Bakit? Ano bang naitulong o naiambag sa iyo ng babaeng 'yan para iwan mo ang lahat para sa kaniya?" sabi sa akin ni direk. Bumuntong hininga ako. "Matagal na ako sa showbiz. Marami na akong narating. Malaking- malaki na ang kinita ko kaya hindi ko na kailangan pa ng maraming pera dahil may mga negosyo ako. At isa pa, hindi na ako pabata. Sawa na ako sa mga babae. Sawa na ako sa puro landian lang. At kung ang lahat ay dapat kong iwan para kay Camilla, gagawin ko dahil siya ang priority ko at wala ng iba pa. Kaya please... respect

